Chapter 27

8.5K 366 172
                                    

Maurice

"Hmm.." Ungot na naman ni Aidan habang parang sayang nakapulupot ang braso sa leeg ko at doon naisipang matulog.

"Ick--" At para naman akong daga na malapit ng mamatay pero takot na gumalaw kasi baka magising sya.

Dahil sa kakulitan kagabi na talagang umabot sa hallway ng building ang habulan namin dahil sa bastos nyang bibig ay bagsak na bagsak ito at tulog pa rin kahit alas nuebe na ng umaga.

Dalawang oras na akong gising at para akong pinaparusahan ng langit dahil sa bukod sa mabigat ito ay hindi ko na mapigilang bigyan ng malisya ang posisyon naming dalawa na dati ay okay lang.

Tangina mo naman kasi, Uryss. Napaka landi mo. Hinayaan mong gawin yung gusto, bobo ka.

Masar---pakyu, bitch. No. Shut up.

Parang manhid na ang buong katawan ko dahil buong katawan nya rin ang nakapatong sakin e mas malaki nga sya. Tangina naman, ulo at braso ko na lang ang makita, pa syang kumot na nakatabon sakin.

"Ayy..." Pikit mata at pigil na sigaw ko ng gumalaw na naman ito at tumama na lahat ng nakatayo.

Putangina---bakit kasi parehong nakatayo?!!!

Para akong kinuryente dahil nanginig ang buong sistema ko lalo pa ng huminga ito sa may tenga ko. Para akong mawawalan ng ulirat dahil ramdam na ramdam ko pati siguro ang lamang loob nya.

Aidan Josh.. papatayin kita!

Kasi kinis---isa ka pa! Sagot ka ng sagot daig mo pa ang demonyo, tangina mo!

Para akong maiiyak dahil napapadalas na ang pagsagot ko sa sarili. Hindi ko alam kung tuluyan na ba ang nasiraan ng ulo dahil sa konsumisyon kay Aidan Josh.

"Murish..?" Biglang imik nito, hindi maintindihan ang sinabi.

Nananag inip ba sya?

"Murishh.." Ulit nito, tinatawag yata ako?

"O-Oh?" Lumunok pa ako ng mautal, anak ng pating naman.

"Milk.. chimcken.. picha.." Mabagal ng sabi.

Hindi maipinta ang muka ko. Pagkain talaga ang una nyang naisip pagkagising? Patay gutom ang hayop.

"Kisshh.." He added and giggled.

Doon parang nawala ang bigat nya dahil madali ko lang syang tinapon pahiga sa tabi ko at dali daling gumapang paalis ng kama. Narinig ko pa ang pagtawa nito.

Minumura ko ang sarili habang nakahiga na parang bangkay sa gili ng kama kung saan alam kong hindi nya ako makikita dahil may kataasan ito. At ng maramdaman ko syang gumalaw ay gumulong ako agad papunta sa ilalim.

Puta! Puta! Puta! Punyeta!

Akala ko ba nakakalimot 'to paglasing?! Sabi ni Luffine nakakalimot 'to paglasing?! E puta bakit bukang bibig nito ang punyetang k-kiss na yun?!

"Pfft--why are you here, baby? It's so masikip." Maarte nyang sabi at nakita ko na lang na pilit ding sumusuot sa ilalim.

Nanlaki ang mga mata ko at balak na sanang gumulong paalis sa kabilang side ng mahawakan nya ako sa braso at sinamaan ng tingin habang napagod na yatang ipagsiksikan ang sarili.

Nakalabas pa rin ang paa nito at katawa lang ang nakapasok. Napalunok ako ng mapansing pinag kaitan ng distansya ang mga katawan naming dalawa.

"Wag ka lumayo, maiipit si tutot ko." Nakangusong sabi nya.

T-Tutot? Puta?

Nanlaki ang mga mata ko at mas lalong ginustong lumayo ng walang habas nyang nilagay ang kamay ng braso ko na hawak nya sa ibabaw ng pajama nya.

That Boy, Aidan JoshTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon