Chapter 7

7.6K 294 40
                                    

Maurice

Bakit ang bilis ng oras?

Bakit hindi ko man lang namalayan?

Bakit pakiramdam ko kulang pa rin ang mga nireview ko?

At bakit final exam na sa Lunes?

Saturday ngayon, agad agad. Parang hindi ko man lang naramdaman yung Tuesday-Friday. Parang dumaan lang, hindi man lang huminto saglit.

Dahil ba naging busy ako? Distracted?

Sabagay, naging abala nga naman ako sa paga-asikaso sa batang kasama ko ng dalawang linggo. Sa sobrang hirap nyang ihandle ay pagtulog na lang sa gabi ang pahinga na nagagawa ko, na nagsisimula lang ay kapag nakaka tulog na sya.

Kahit ang makapag basa ng maayos ulit ay hindi ko na nagagawa pa. Kaya pakiramdam ko ay wala akong halos natutunan at natandaan sa mga libro na binasa ko. Kahit ang mga reviewers na ginawa ko ay hindi ko na maintindihan ng maayos.

"Where the fuck is it?! Bakit di ko makita?!" Maingay na sabi ni Aidan habang mariing nags-scroll sa iPad nya.

What I really hate the most about a student is when they only read or review the last minute or moment befor a fucking exam. Gaya na lang ng lalaking nasa harap ko ngayon na hindi magkanda-ugaga sa paghahanap ng PPT ng naging lessons nila.

Kung hindi ko pa babanggitin sa kanya na sa Lunes na ang exam, which is two days from now, ay hindi pa sya makaka pag isip na mag review. Nalaman ko na nasa syam ang subjects nya at halos mga major ang una nyang ie-exam sa Lunes.

"Fuck, fuck, fuck!" Sunod sunod nyang mura, tensyonado na.

Naka face palm lang ako habang pinapanood syang awayin ang iPad nya dahil daw tinatago nito ang mga PPT.

I doubt na nagsa-save ito ng PPT.

Baka nakikinig lang ito twing discussion at yun na yun, tatawagin nya ng nag-aaral ang sarili nya at di na magbabasa ulit.

"Napapala ng mga tamad mag aral." Pagpapa rinig ko sa kanya.

Sinamaan nya ako ng tingin. "Shut up, nerdy."

Tinaasan ko sya ng kilay. "Talaga ba, Mr. Go to the GO, now?"

"What did you just say?!" Napikon na nga ito.

Nginisihan ko sya, pandagdag inis. "Wala, sabi ko good luck sa paghahanap ng existing PPT mo."

"Nage-exist yun!" Pumadyak na ito.

"Sure, sure." Kunyari ay kumbinsidong sabi ko habang kinukumpas pa ang kamay.

Bumusngad ang ilong nya sa inis pero walang maitahol pabalik dahil tama naman ako. Paniguradong wala talaga syang naka save na PPT ng lessons nila, gina-gaslight nya lang ang sarili nya.

I know that he's smart. He's gifted.

Pero madalas nya lang pairalin ang kahambugan nya kaya mas kilala sya bilang basagulero kaysa matalinong estudyante noong elementary pa lang kami.

Aakyat yan sa stage na may bangas.

Kaya madalas din kaming mag away noon ay dahil nagagalit sya twing bumabagsak daw ako. Samantalang isang puntos lang naman lagi ang nilalamang nya sakin sa card, bagsak na yun para sa kanya.

Ganon sya kahambog, bata pa lang kami.

At tsaka sa mathematics lang sya mas mataas sakin, hambog talaga.

Nagagalit din sya twing nagpapa kopya ako twing quiz. He value education a lot. Kahit madalas may bangas ay hindi sya nawawala sa honor roll, sya lang ang kaagawan ko sa pagiging Valedictorian candidate noong elementary pa lang kami.

That Boy, Aidan JoshTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon