Chapter 5

9.2K 367 21
                                    

Maurice

"Where are you going?" Tanong nya habang pinapanood akong magpa balik-balik sa kwarto.

"Grocery." Tipid kong sagot.

Today is Sunday, at gaya ng plano ko ay ngayon ako magro-grocery. Dapat ay magsi-simba ako kaso nga lang ay nalate ako ng gising dahil late rin akong nakatulog dahil sa ingay ni Aidan. May kaaway yata sya sa cellphone dahil panay ang mura nya sa kausap.

Kanina pa ako nagda-dalawang isip dito. Kung isasama ko ba sya o hindi. Maiiwan na naman syang mag isa at baka hindi na naman kumain. Pero hindi ko rin sya pwedeng ilabas ng basta basta dahil delikado pa rin para sa kanya.

Baka kung ano pa ang mangyari.

Wala pang isang linggo ng magtago sya dito sa unit ko. Wala pa ring balita tungkol sa case nya, kailan rin lang naman nagsimula kaya hindi na rin ako nagmadali. Sinigurado rin naman ni Tito Adi na babalitaan nya ako tungkol sa bawat update ng kaso ng anak nila.

"Matatagalan ka ba don?" Tanong na naman nya, tunog bored na bored.

I sighed. "Maybe."

Linggo kasi ngayon, madalas ay ganitong araw madami ang mamimili. Siguradong aabutin ako ng alas dose sa pag-grocery. Kung pwede lang sana sa ibang store mamili kaso ay masyado ng malayo ang kasunod na Super Market, mas matatagalan naman ako.

"Paano ang lunch ko?" Nakasimangot na sya.

Napapikit ako. Right, hindi nga pala sya kumakain ng take out. Hindi ko sya mapapag order ng kakainin nyang lunch. Hindi rin naman ako pwedeng magluto ngayon dahil matatagalan ako. Dapat nga ay nasa SM na ako ngayon para mamili ng stock namin.

Wala akong ibang choice.

"Do you want to tag along?" I asked looking at him directly.

I want to see if he will hesitate or what. Pero imbis na humindi dahil delikado ay nagliwanag pa nga ang muka nya at tumango ng tatlong beses.

Bumuntong hininga ako, wala ng magagawa. "Magbihis ka na, iintayin kita sa labas."

"'Kay." Mabilis syang gumalaw at pumasok ng closet.

Lumabas ako ng sala at kinuha ang phone. Tatawagan ko sana si Tito Adi kaso hindi sya sumasagot kaya nag-message na lang ako. Malapit lang naman ang SM dito, mga five minutes na byahe lang. Kasama nya naman ako, hindi ko naman sya papabayaan kahit ganyan ang ugali nya.

To: Tito Adi

Tito, isasama ko po mag-grocery si Aidan. I'll make sure he's safe. Hindi ko po kasi sya pwedeng iwan mag isa.

Lumabas na rin si Aidan na bagong bihis. White shirt, army green cargo khaki shorts, puting sneakers at nakasimangot na muka. Napatingin ako sa mga suot namin. Halos pareho lang kami ng suot, yun nga lang ay itim na cargo pants ang suot ko.

"Tara na." Nauna akong lumabas ng unit at inintay sya.

Nilock ko ang pinto at sumakay kami ng elevator. Pagrating sa baba ay kinausap ko ulit ang guard tsaka pinatunog ang kotse ko. Pinagbuksan ko pa sya ng passenger seat kahit na nakatayo na sya sa tabi, hihigitin na lang pabukas at papasok.

Ano pa nga bang aasahan ko sa isang ito.

Umikot ako sa driver's seat at pumasok. Chineck ko pa ang paligid bago pinaandar ang kotse. Maluwag ang kalsada kaya mabilis lang din kaming nakarating. Nagpark ako sa pinaka malapit sa entrance para mabilis lang din mahanap at mapuntahan.

Bago bumaba ay sinuotan ko muna sya ng baseball cap na itim at naunang bumaba para pagbuksan sya ng pintuan. Sinigurado kong nakadikit sya sakin ng pumasok kami ng SM. Gaya ng inaasahan ay sobrang dami na agad ng mga mamimili kahit alas otso pa lang ng umaga.

That Boy, Aidan JoshTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon