Chapter 9

7.8K 313 39
                                    

Maurice

"Get up, Aidan! I need to go now." May kalakasang sabi ko mula sa kusina.

Maaga na nga akong gumising para maaga akong makapag asikaso dito sa unit pero malalate pa rin yata ako ng pasok dahil hindi pa sya bumabangon, hindi ako maka kain ng agahan dahil baka pag nauna ako ay hindi na naman sya kumain at baka umuwi akong patay na sya.

Nakapag luto na ako ng agahan, naka hain na sa mesa, kakainin na lang talaga pero hindi ko mabawasan dahil wala pa nga sya. Malapit ng mag alas syete, sa ganitong oras ay dapat nasa byahe na ako papuntang school. Kahit alas otso pa ang start ng exam ay gusto ko ng pumasok.

Alam ko namang naririnig nya ako, magka lapit lang naman ang kwarto at kusina dahil maliit lang ang unit ko.

Naka bukas din naman ang kwarto, sa buong durasyon ng stay nya dito ay madalang lang syang magsarado ng pinto pag natutulog, at ni minsan ay hindi rin sya naglolock.

"Aidan Josh!" Naiinis ng sigaw ko.

"Saglit kasi!" Sigaw nya pabalik.

Bumuntong hininga ako at piniling mag intay na lang. Mukang nasa banyo, kaka bangon lang ng loko. Maya maya ay lumabas na rin, may tuwalya pa sa leeg.

Umupo na sya sa upuan nya at nagsimulang kumain pagka tapos mag sign of the cross at magdasal.

"Ready ka na mag exam?" Tanong nya, tapos ng kumain.

"Oo." Sagot ko at tumayo na para asikasuhin ang pinag kainan.

"Ako na dyan, pumasok ka na." Kaswal nyang sabi at lumapit sakin sa lababo.

Nakatingin lang ako sa kanya, nag iintay na humalakhak sya o asarin ako kasi naniwala ako pero hindi, sya talaga ang nag lagay ng mga pinggan sa sink at nagsuot na ng apron.

"Alis na sabi. Baka pag nalate ka pa, ako pa sisihin mo, psh." Pasiring nyang sabi at tinaboy pa ako.

Marahan akong tumango at kumilos na para maka pasok. Saktong alas syete akong umalis ng unit matapos magpa alam sa kanya at magbilin na isarado ang pinto at wag lalabas ng unit.

Ibinilin ko rin sya sa Security ng building na ilang linggo ko ng ginagawa ng dumating sya dito.

Nakadating ako ng school after seven minutes of driving. Nagdirecho agad ako sa classroom na unti unti na ring napupuno ng tao. I nodded at some of my classmates who greeted me good morning and took my seat at the back area, beside the window.

Instead of pulling my reviewer to review just like what my classmates are doing, umubob ako sa desk ko at pumikit. I have thirty minutes to nap before the exam.

This is part of my exam routine, or kahit quiz or recitations. Imbis na magreview ay natutulog ako bago ang exam.

Ayokong magulo ang utak ko, gusto ko ay kalmado at may pahinga ang utak ko pag sasalang na sa pag sagot. This is one of the things that I learned from Aidan when we're in elementary.

Well, hindi sya nagre-review, lagi lang syang tulog, yun daw ang preparation nya.

So far it's effective.

"Students, keep all your things and leave only your pen and pencil on the table." The Professor said as soon as he arrived.

Nagunat unat ako tsaka nilabas ang ballpen at mechanical pencil. Twing exam ko lang ginagamit ang mechanical pencil na 'to. It was old, a bit rusty since it's metal, but it works pretty fine. Binibilhan ko lang ng refill pag nauubusan, per yung mismong pencil na case ay hindi.

I don't believe in luck, but I do believe to the person who gave it to me, Aj.

"You may start now." And as soon as the bell of the school rings, we all started answering.

That Boy, Aidan JoshTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon