Chapter 28

8.2K 313 74
                                    

Maurice

"Ako drive, Uryss ha?" Paulit ulit nitong sabi habang pababa kami ng Parking.

"No. Nope. Not allowed." Kontra ko.

Sumama ang muka nito. "Drive nga ako! Alalay mo 'ko ngayon."

Umiling ako. "Nope."

Lumabas na naman ang naiirita nitong muka.

Sige mag tantrums ka, nandito pa naman tayo sa building, pwede pang magcancel.

"Uryssss." Makulit nyang atungal ng makababa kami sa Lobby.

"Happy birthday po, Sir Maurice." Bati ng mga guard sakin na nakahilera sa Lobby, kahit ang mga staff.

Ngumiti naman ako at pinasalamatan sila. Sumimangot si Aidan na isa isang kinamayan ang mga ito na dapat ako ang gagawa.

"Alalay po ako." Sabi pa nito sa mga ito para pangatwiranan ang kalokohang ginawa.

Napailing na lang ang mga ito at pinanood kaming lumabas ng Parking. Nilabas ko ang susi at mabilis na iniwas ng akmang aagawin nito.

"Hindi, Aidan Josh. Kaka bente ko lang, ayoko pa mamatay." Suway ko rito.

"Hmph!" He stomped his feet on the ground and crossed his arms.

Tumaas ang kilay ko at nagkrus din ang braso. "Patagalan?"

Lumambot ang ekspresyon nito at umiling. "Hindi na.."

Ngumiti ako at pinag buksan na lang sya ng pintuan at kinabitan ng seatbelt. Pinatong nya sa hita ang sling bag ko at inagaw pa ang cellphone ko. Pumasok ako sa driver's at pinaandar ang sasakyan paputang Mall.

"Selfie, Uryss." Sabi nito at nakita ko na hinarap ang camera samin.

Hindi ako makalingon dahil nagmamaneho ako at madami kaming kasabayang sasakyan. Hinayaan ko na lang syang pindutin ng pindutin ang camera ng phone ko at nagfocus sa pagdrive.

Nagpark ako sa malapit sa exit ng Mall ng makadating. Pinagbuksan ko ng pinto si Aidan Josh at inalalayang bumaba. Sa sobrang tangkad kasi ay madalas mauntog si tanga.

"Why are they looking at you." Salubong ang kilay na bulong nito sakin.

Nanghuhusga ko syang tiningnan dahil halatang halata na sa kanya nakatingin ang mga ito at hindi sakin. Naka maroon na polo shirt, itim na cargo pants, at puting sneakers lang ito pero grabeng lingunan.

Bubulagin ko kayo.

"Wear your shades, Jax Maurice." Matabang nyang sabi at nilabas ang GM shades ko.

Tinaasan ko lang ito ng kilay kaya napaismid ito at sya mismo ang naglagay sakin ng shades. Inakbayan pa ako nito at hinigit sa tabi nya. Para kaming hinahabol ng pulis dahil sa nagmamadali nyang paglalakad.

"You look so handsome naman kasi po. They keep on looking at you tuloy." Tila malungkot nyang sabi.

Tanga ka, Aidan Josh.

"Nakikilala ka siguro nila. Siguro iniisip nila yung nakahubad nong picture." Maasim ang muka nyang sabi.

Namangha ako ng sabihin nya ito. Noong isang taon pa ang magazine na yun kung saan nagendorse ako ng bagong pants ng Calvin Klein at kailangang maemphasize ang pants kaya pinag topless ako.

"Bida bida ka." Pahabol pa nya, nakasimangot na.

Aba't! Ako pa ang bida bida?!

"Ikaw nga nanghalik ng bola last year." Pairap kong sabi pabalik.

That Boy, Aidan JoshTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon