Chapter 6

8.7K 370 82
                                    

Maurice

"What are you doing, Aidan?" Kunot noong tanong ko sa kanya ng makita syang nagpapa gulong-gulong sa sahig ng sala.

"Shut up. Just ignore me."Masungit nyang asik.

I rolled my eyes and decided to study inside the room. Tutal mas gusto nya yatang maging bulate ngayong araw at hindi magka-kampo sa kwarto. Makaka pag aral ako ng mas maayos kung nandito ako, mas tahimik.

Second week nya dito, last week ko rin para magreview.

Actually ay parehong last week namin sa paghanda para sa finals. Pero bakit parang ni minsan ay hindi ko pa nakikitang magbasa ang isang yun. May dala naman syang school materials, hindi naman sya nagsusulat dahil naka PowerPoint ang klase ng lahat sa school.

Kung hahawakan nya naman ang iPad nya ay para maglaro o di kaya ay bumili online ng kung ano ano. Sigurado akong hindi pa sya nagre-review kahit kailan.

Napailing na lang ako. "Still the same."

As far as I could remember, he's an Accountancy student. Ang alam ko rin ay may exam pa syang kailangang i-take para maka pag move up sa second year. Ganon kahigpit sa course nila.

Hindi man halata ay magaling sa math ang isang 'to, sa mathematics nga lang.

Akala ko noon ay Engineering din ang kukunin nya gaya ni Tito Joshia o di kaya ay Businesses Management gaya ni Tito Adi dahil young businessman sya. Pero wala rin namang masama sa Accountancy, baka gusto nyang maging Accountant ng kompanya ni Tito Adi.

"Aww!" Narinig kong atungal nya.

Napatayo ako at sumilip sa sala. Kumunot ang noo ko ng makita kung gaano sya kalikot sa sahig. Kung kanina ay bulate lang sya, ngayon ay para syang inasinang bulate.

"Fuck, it hurts!" He whined again, holding his forehead.

Ah, nauntog.

Napailing na lang ako at nilapitan sya. Kinuha ko ang first aid kit sa may estante ng TV at nilapag yun sa center table. Hinigit ko ang balikat nya para paupuin sya. Naka squat ako sa harap nya habang tinatalian ang buhok nyang nakatabon sa noo nya na halata agad ang pamumula.

I stood up to get the ice pack from the freezer. Akala ko ay may cut pero mukang bukol lang ang nakuha nya. Pinahawakan ko yun sa kanya tsaka binalik ang kit. Pinanood ko syang sobra ang pagka simangot habang pinapalamigan ang noo nya.

Inaway pa nga ang sofa.

"Next time if you want to be a worm, do it on the bed, di yung dito sa sala tapos naa-aksidente ka pa." Sermon ko sa kanya.

Kung pwede ko lang syang pitikin, ginawa ko na.

Ngumuso sya. "Nakaharang e."

"At naging kasalanan pa ng sofa?" Naka taas ang kilay na tanong ko.

Sinamaan nya lang ako ng tingin. I just rolled my eyes and went to the fridge again and took out two ice cream bar. Nilapag ko sa tuktok ng ulo nya yung cookies 'n cream ang flavor tsaka sya iniwan sa sala para bumalik sa kwarto at ituloy na ang naudlot kong pagbabasa.

Nasa kalagitnaan na ako ng binabasa ng tumunog ang cellphone ko. Binaba ko ang libro at inayos ang reading glasses na suot tsaka kinuha ang phone para tingnan kung sino ang tumatawag.

Oh, it's Luff.

"What do you need?" Tanong ko agad sa kanya ng sagutin ko ang tawag.

He laughed. [Yun agad? Wala man lang hi o hello?]

Umirap ako at sumandal sa upuan. "Ano nga ang kailangan mo?"

[Well, hindi na tayo nakaka pag laro ulit. Mukang nabusy ka kay Pareng Aidan ah?] Aniya.

That Boy, Aidan JoshTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon