Maurice
"Tinawagan ko po ang Dean ng Department nila, unfortunately, hindi po sya pwedeng magtake ng exam dito sa unit. Wala raw pong ganoong consideration dahil naging malaking issue rin daw po para sa school ang nangyari." Sabi ko kay Tito Adi ng tumawag.
Exam na kasi namin bukas, Monday, April 1.
Naalala ko ang kalagayan ng brat kaya tumawag ako sa Dean ng Accountancy para itanong kung ano ang magiging mode ng exam nya. Akala ko ay papayagan syang mag virtual o mag off site exam with proctor, kaso hindi.
[Naknampucha naman. E buhay ng anak ko ang ilalagay nila sa peligro nyan?!] Galit na sabi ni Tito Adi.
Medyo nakaka dismaya ang desisyon ng school tungkol don. Porke estudyante rin doon ang naka away ni Aidan, anak pa ng Gobernador, ay hindi na nila iisipin ang kalagayan nya. Napaka delikado kung papasok sya para mag exam.
"They only offered to allow personal securities for Aidan daw po, kung meron." Imporma ko pa sa kanya.
Napamura si Tito Adi. [Hayop yan? E kaya nga sayo ko pinabantayan kasi ikaw lang pinagkaka tiwalaan namin?]
Hindi ako umimik at hinayaan na lang si Tito na magmura. Naririnig ko rin ang boses ni Tito Joshia na binibigyan sya ng magagandang suggestion para kumalma ang galit nya. Kapag ganitong galit si Tito Adi ay nakikita ko si Aidan sa kanya.
Pag nagta-tantrums.
"Nagi-inarte rin po ang anak nyo, ayaw pong pumayag na hindi sa school mage-exam. Pabor daw po sya sa desisyon ng Dean." Sabi ko ng maalala ang mayabang na muka ni Aidan.
[Ay pota, hambog talaga yang batang yan.] Nakikita ko ang paghampas ni Tito Adi sa noo nya dahil sa kunsomisyon.
[Ano ng gagawin nyo? E diba may exam ka rin?] Problemado nitong tanong.
I bit my lower lip, naiirita na 'ko. Sabi ko na nga ba at mas mamomoblema ako kaysa sa anak nila na masayang kumakain ng jelly ace sa kwarto nya. Naalala ko pa ang maingay nyang pagkanta, para bang kinukutya ako kanina
"Hindi ko pa po napapag isipan. Sabay po kasi ang exam schedule naming lahat." I sighed.
Masyadong delikado kung hahayaan ko syang mag exam ng mag isa. Pero hindi ko naman alam kung paano ako makakapag exam habang binabantayan sya. Mas mahigpit ang exam ngayon dahil finals na. Professors na ang proctor, hindi na PTs.
Hindi ko rin alam kung anong course ng naka away nya. Baka pala malapit lang sa Department nila, madali lang ipabulagta ang lalaking yun kung gugustuhin nya.
"What the fuck are you thinking, Maurice?" Pag away ko sa sarili, ako lang ang kumirot ang puso sa iniisip.
Naka upo na ako ngayon sa sofa habang nagi-isip ng pwedeng solusyon. Kanina pa nagpa alam si Tito Adi na may meeting sila kasama ang mga magulang ko, tatawag na lang daw sya ulit kapag tapos na sila. Sinabihan pa akong galingan ko raw mag isip.
"Oy, may lunch na ba?" Dumungaw ang ulo ni Aidan mula sa pinto ng kwarto.
Tumibok ang sentido ko ng marinig ang tanong nya. Gustong gusto ko syang awayin dahil parang wala syang problema sa buhay, na para bang hindi sya nagtatago ngayon kaya sya nandito, na para bang walang anak ng Gobernador ang humahunting sa kanya.
Ah, nasa akin na nga pala ang mga problema nya.
"Wala pa, magluluto pa lang ako." Tipid kong sagot at tumayo.
Mamaya ko na siguro itutuloy ang pag torture sa sarili ko para mag isip ng paraan kung paano sya mapapa natiling buhay habang nage-exam. Magluluto muna ako ng pagkain namin dahil baka sa gutom sya mangisay at maagang mamatay.
BINABASA MO ANG
That Boy, Aidan Josh
Teen FictionHe is a jerk, a brat, and a headache. He is Aidan Josh Guirero Zamora.