Maurice
"I won't be here tomorrow, I'm going to school." I casually informed him as I prepare our lunch.
Isa sa bagay na hindi ko na pwedeng gawin ay ang umorder lang ng lunch pag tinatamad akong magluto. Maarte 'tong lalaking 'to pagdating sa pagkain. Kailangan home cooked ang kakainin o hindi na lang sya kakain buong araw.
Mas pipiliin nyang mamatay kaysa kumain ng pagkain na luto ng iba. Pagka arte arte, hindi naman marunong magluto.
He just snorted, busy watching on his iPad. I rolled my eyes and turned my back at him. Makita ko lang sya, sumasakit na ang ulo ko. Tapos ganyan pa ang ugali, baka sya pa ang igisa ko.
Tinapos ko na ang pagluluto, buttered garlic shrimp, steak, mashed potatoes, and conve rice. Fortunately, we both like convenience store rice. Kumuha ako ng dalawang canned soda at nilapag yun sa harap.
I prepared the table while he's just sitting there, still watching on his iPad but I could feel his smugness, ngumingisi pa. Pinipigilan ko ang sarili na magdabog dahil imbis na umayos, sasabayan pa nya ang init ng ulo ko.
"Put your iPad down, lunch's ready." I told him.
Okay, I'm a hypocrite. I use gadgets most of the time while eating. Pero sya, hindi pwede. Pag 'to nasanay, mahirap ng patinuin ulit.
"Whatever." He even rolled his eyes before putting his iPad down.
"Brat." I spatted silently.
"Where's my food?" Tinaasan nya ako ng kilay.
I frowned. "Nasa harap mo."
Humalukipkip sya at sumandal sa sandalan ng high stool, nakakrus pa ang mga braso at tamad na nakatingin sa pinggan nya na wala pang laman. I scoffed, trying my best to control my temper.
For Jesus' sake, this brat!
"Hindi kita ipagsasandok ng pagkain. Hindi mo 'ko katulong." Matigas kong sabi.
Nagpanggap syang walang naririnig, kung saan saan pa tumitingin. I pressed my lips together, nangigigil na.
"Stop being a brat and eat, Zamora. Wala ka sa bahay nyo." Malapit ng mapikon na sabi ko.
"I'm not hungry." Sabi nya, nakikipag mataasan ng pride.
Aapila na sana ako, malapit na syang bigwasan ng tumunog ang tyan nya. Imbis na mahiya ay mas humambog pa ang ekspresyon nya, para bang sinasabi nyang kasalanan ko kung bakit kumukulo ang tyan nya kaya dapat ko syang paghainan na ng pagkain.
I closed my eyes tightly. I could feel my temple beating erratically. Subok na subok ang anger issue ko kapag itong taong 'to ang kasama ko.
Kahit gusto ko syang pabayaan at makipag matigasan sa kanya ay hindi pwede dahil paniguradong mas pipiliin nyang mamatay sa gutom kaysa magpatalo sakin. Mas sakitin pa naman pa naman ang isang 'to, mas delikado kapag nagkasakit.
Ayokong magdabog lalo na at nasa harap kami ng pagkain kaya kahit nabwibwisit na ay pinagsandok ko pa din sya. 'Tong brat kasi na 'to, pag may nakitang bawal na ginagawa mo, matik na gagayahin, idadahilan e inunahan mong gawin.
"Now, eat." Madiing kong sabi.
Malapad ang ngisi syang umabante at nagsimulang kumain. Nag sign of the cross pa muna sya tsaka ganadong sumubo. I could only sigh and eat my own food. Pag kumakain lang talaga tahimik at matino ang isang ito.
Patay gutom.
My phone suddenly beeped while we're eating. Napasulyap ako sa kanya bago kinuha ang phone.
BINABASA MO ANG
That Boy, Aidan Josh
Teen FictionHe is a jerk, a brat, and a headache. He is Aidan Josh Guirero Zamora.