Maurice
"What are you doing?" His head tilted, curious.
Imbis na sagutin ay nilapag ko ang Accountancy books nya at ang laptop ko sa center table at naupo sa gilid nya. Inabot ko ang remote sa kanya, pinapa-patay ang TV. Pag kasi ako ang nagpatay sa TV, aawayin nya lang ako, kesyo nanonood daw sya.
So it's better to let him do it, walang samaan ng loob kasi sya naman ang gagawa.
"I'll help you review, may dalawang araw ka pa para mag aral." Simpleng sabi ko.
April 2 ngayon, Tuesday, at sa Friday ang exam nila, which is April 5. Kahit sabihin nyang tatlong subjects lang ang meron silang exam ay puro majors naman, kaya hindi rin sya pwedeng papetiks petiks lang dahil paniguradong mahihirap yun.
Sumimangot ito. "You're treating me like a grade 7."
Hindi ko pinansin ang sinabi nya. "Wash your hands first, I'll prepare your materials."
Umismid ito pero sumunod din. Sya yung tipong puro reklamo at dabog pero kikilos din, hindi lang talaga magawa ng hindi nagpapa-pansin na masama ang loob.
Kinuha nya rin pati ang mga basurang nasa mesa at dinala sa kusina. Gaya ng sabi ko ay ako ang naghanda ng mga materials nya to review. From printed lessons to books with highlights, which I did earlier before cooking dinner.
Alas otso pa lang naman, kahit dalawang oras lang ng review ay ayos na. Isang subject lang muna ngayong gabi, bukas ng umaga hanggang before lunch ay yung isa pang subject, tapos after dinner bukas ng gabi naman yung isa pa.
"You didn't even dry them." Sinamaan ko sya ng tingin ng makitang basa pa ang mga kamay.
Padabog akong kumuha ng tissue sa ilalim ng center table at binira ang mga kamay nya. Binalot ko ng tissue ang mga kamay nya at piniga para maalis ang basa, ayaw nya kasi ng kinukuskus ang tissue, kakalat daw ang germs at mag iiwan ng shredded pieces ang tissue.
Mas ayaw nya ring gumamit ng towel dahil nalilipat daw ang germs dito tapos gagamitin ng ilang beses. Kaya marami akong stocks ng tissue at wet wipes simula nong tumira ako mag isa dahil parang may bumubulong sakin pag towel ang gamit ko.
"What the fuck is that?" Exaggerated nyang singhap ng makita ang mga papel sa mesa.
"Reviewer." I replied and handed him a ten pages, back to back, reviewer of his one subject.
"Read that for twenty minutes, then answer this quiz paper, then continue reading again for twenty minutes, and answer the next page of the quiz. Repeat it until you finish reading and answering them." Utos ko sa kanya.
It's an easy way to memorize them and understanding them at the same time. Yung mga tanong kasi na ginawa ko ay hindi kagaya ng sa babasahin nya kundi kung paano ko ito naintindihan nong una kong basahin ang lessons nila.
He only scoffed and picked up the reviewer. Sumandal pa ito sa sofa at nanahimik. Kinuha ko naman ang libro nya at nagbasa basa, pinakita nya sakin kanina ang pointers to review nila at halos lahat ng pinag aralan nila ay sakop ng final exam, madami dami rin.
"Aidan, what's the difference between an asset and a liability?" I suddenly asked out of nowhere.
"Assets are defined as th-" He instantly became a talking dictionary.
"I want to hear your own explanation, your own understanding." Putol ko rito.
Umirap sya. "Assets are useful things that make more money while liabilities are utang that took away money."
I stifled a small smile when I heard him say utang when he could say debt instead. His rich ass kicking again, napaka conyo.
"What's owner's equity?" I asked again.
BINABASA MO ANG
That Boy, Aidan Josh
Teen FictionHe is a jerk, a brat, and a headache. He is Aidan Josh Guirero Zamora.