Maurice
"Anong ginagawa nyan dito?!" Umalingawngaw ang boses ni Aidan sa hallway ng building namin.
Galit na galit agad ito ng makita si Luffine na pinapunta ko talaga. Kami na kasi ang magpre-present at hindi sya pwedeng pumasok sa Accreditation Room kung saan kami magpre-present. Hindi ko rin naman sya pwedeng iwan ng mag isa.
"He'll accompany you while I'm inside, Aidan." Kalmadong sabi ko.
"Ayoko!" Tanggi agad nito.
Alam ko namang hinding hindi sya papayag. Pero mas hindi naman ako papayag na iwan syang mag isa rito sa labas. Baka kung ano pa ang mangyari, lapitin pa naman ito ng mga taong nagpapa kulo sa dugo nya.
Tapos gagawa agad ang away. Diba ang galing?
"I can handle myself, Uryss. Hindi ko kailangan ng bantay." Giit pa nito.
Hindi, hindi mo kaya. Kaya nga ako nandito e.
"Mabilis lang naman ang presentation, wala pang kalahating oras." Sabi ko habang sinasapinan sya sa likod.
Hindi pa rin kasi ito nagpapalit ng damit. Pag uwi na raw kasi maliligo rin sya. Hindi ko na rin pinilit.
"Uryss." He whined again.
Pinisi ko ang dulo ng ilong nya at tinanguan si Luffine na manghang manghang pinapanood kaming dalawa. Sinamaan ko sya ng tingin kaya sumeryoso ito.
"Bantayan mo, hayaan mong awayin ka." Bilin ko pa.
"Oo naman, di ko gagasgasan kahit bugbog sarado na ako." Nakangiti pang sabi nya, wala na naman ang mga mata.
"Bubungiin kita, Luffine." Banta ni Aidan ng makita ang ngiti nito.
I sighed. "Sige na, papasok na 'ko."
Ngumuso naman ito at tumango. "Good luck."
Maliit akong ngumiti at ginulo ang buhok nya. Pumasok ako ng AR at lumapit sa mga kagrupo ko na sini-set up ang presentation namin. Nandon na rin ang prototype na ginawa namin.
Dinistribute ko ang mga printed copies ng paper namin sa tatlong panelist. Si Mav ang nago-operate ng PPT at kami ni Alex ang mag e-explain while the rest will show them the parts and functions of our prototype.
"Wow, wala akong mapuna sa paper ninyo. Maging sa prototype nyo mismo." Overwhelmed na komento ng Dean ng College of Marine Transportation, isa sa panel namin.
Dahil nalamangan namin ang standards na meron sila ay mabilis kaming natapos. Kadalasan kasi ay maraming side comments, mga tanong, at mga recommendations ang mga panelist pag ganitong presentation.
Pina-iwan ang prototype namin dahil gustong pag-aralan pa ni Dean. Ang sabi ng Prof namin ay baka raw ilagay sa Hall of Marines ang prototype namin. Tuwang tuwa naman ang mga kagrupo ko kasi isang malaking karangalan yun.
"Grabe! Ang galing natin!" Tuwang tuwang sabi ng kagrupo ko.
"Nomi tayo? Sagot ko!" Alok ni Mav.
Pumayag agad ang mga ito maliban sakin. Tinuro ko ang dalawang kumag sa di kalayuang bench na hindi ko alam kung pareho pa bang humihinga dahil mga hindi na gumagalaw. Pinaliwanag ko na kailangan ko itong mga asikasuhin at iuwi yung isa.
"Alright, bawi ka next time ha?" Tinapik pa ni Mav ang balikat ko bago sila umalis.
Bumuntong hininga muna ako bago lapitan ang dalawang kumag. Kumunot agad ang noo ko ng mapansing nagbubulungan ang mga ito at parang nagtatalo.
Hindi na bago sakin na nagtatalo sila pero ang makitang nagbubulungan ang mga ito at yun ang nakaka gulat.
"Just shut up okay? Hindi nya kailangang malaman." Aidan whispered in an angry way.
BINABASA MO ANG
That Boy, Aidan Josh
Teen FictionHe is a jerk, a brat, and a headache. He is Aidan Josh Guirero Zamora.