Chapter 11

7.5K 333 79
                                    

Maurice

"You said you need to sleep early, but here you are, wide awake at 1 am, Maurice." Sarkastikong sabi ko sa sarili.

Hindi man lang ako dapuan ng antok kahit komportable na akong naka higa sa sofa. Ilang oras na akong nakiki pag titigan sa kisame ng unit ko pero hindi man lang ako humihikab o makaramdam ng antok at kagustuhang matulog.

I put my hand over my chest to feel my heart. It has calmed down now. But my brain hasn't.

"What's wrong with me?" I asked the ceiling, hoping for an answer.

I sighed when I didn't receive any response. Natawa na lang ako sa sariling kalokohan at tumingin sa pinto ng kwarto. It's open, like always, kita ko ang study table ko na nasa side ng pintuan. Naka patay na ang ilaw, he's probably sleeping now.

"How can you sleep there after shaking my whole existence. You're so bad for my heart, Aidan Josh." I whispered, confused of my own emotions.

After few more minutes, iritable akong tumayo at nagpunta ng kusina. I took a bottle of mogu mogu and chugged it all down. Napaubo ako ng bumara ang ilang coco cubes sa lalamunan ko, paubo ubo kong hinahampas ang dibdib.

"What happened to you?"

"Sus maryosep!" Napa igtad ako sa gulat ng may taong nakatayo sa likod ko ng umikot ko.

Nanindig ang mga balahibo ko ng bumungad ang maputi nitong muka at naglalakihang mata at bibig. Napasapo ako sa dibdib na sobrang bilis ng tibok ng puso, yung tipong ang sakit na sa pakiramdam.

"Yah! Breathe, you moron!" It was Aidan's voice while gently patting my back.

I moved away from him, calming myself down. I glared at him when I realized that he's only wearing a facial mask.

"What the hell are you doing at this hour, Aidan Josh?" Pagalit kong sabi.

Sumimangot ito. "I'm thirsty, I was about to grab some water."

Napasinghap ako sa inis at tinapon ang bote sa basurahan tsaka kumuha ng isang bote ng Pokari sa ref at binuksan muna bago inabot sa kanya. Tinanggap nya yun at tinungga, halos magkalahati ito ng ibaba nya.

"Why are you still up? You have exams tomo--no, later, you have exams later." He pointed out.

Ako naman ang napasimangot. Kasalanan mo, bwisit ka.

"I'm thirsty too." Simpleng sagot ko at tumikhim.

Nangkit ang mga mata nya, madilim dito sa labas kasi sigurado akong hindi nya makikita na nagsisinungaling ako.

"Matulog ka na ron, Aidan Josh." Utos ko at tinalikod sya.

"Di ako makatulog." Ungot nya.

Natigilan naman ako, sya rin pala? E ano namang pakialam ko?

"Pumikit ka. Kaya mo yan, tulog na ron." Pang uuto ko pa dito habang tinutulak sya papasok ng kwarto.

Naka simangot pa rin itong humiga sa kama, hindi nga rin yata talaga inaantok.

"Iniisip mo siguro ako ano?" Pag akusa nito.

Kumibo ang mga tenga ko sa sinabi nya. Hindi ko alam kung anong sasabihin. Bigla akong kinabahan at hind mapirma ang mga mata. 

I mean, hindi ko naman sya iniisip, bakit ako ba ang sinisisi nya?!

"I really want to sleep noww!!" He whined.

I sighed. "Pareho tayong mapupuyat at malalate ng gising nito, Aidan Josh. Matulog ka na, sasabayan kitang kumain ng agahan mamaya."

Ngumuso naman ito, kita dahil sa liwanag ng night lamp ang mapungay nyang mga mata at naka ngusong labi. Magulo na ang buhok at halata ang pagod sa muka pero parang gaya ko ay hindi rin madapuan ng antok.

That Boy, Aidan JoshTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon