Maurice
"Ryss, tumakas ka na naman?"
Hindi ko nilingon ang kapatid ko at nanatiling nakatanaw sa malawak na dagat sa harap ko. I watched how the sky turns pink, purple, and orange.
"I was worried, hindi ka man lang nagpaalam na pupunta ka rito." Sermon na naman nito.
You're ruining the peace, brother.
"Balik na tayo ron, you need to rest. Maaga raw tayong susunduin nina Kuya bukas." Hinigit nito ang damit ko.
Uuwi na 'ko. Apat na buwan na rin.
"Sige na, Rys. Wag nang makulit." Huminahon na ito at sa pulso na ako hinigit.
Sumunod lang ako sa kanya dahil wala akong ganang makipag matigasan pa. Napanood ko na rin naman ang pinunta ko rito sa dalampasigan, gusto ko lang ulit panoorin ang paglubog ng araw sa huling pagkakataon.
Pagbalik ko sa syudad, puro buildings na maman ang makikita ko pag titingala ako. Imbis na puting ulap ay usok na hugis ulap ang makikita ko. At imbis na ingay ng mga bangka ay ingay na naman ng mga sasakyan ang madidinig ko.
I don't want to leave. But I miss him.
"Magpahinga ka na muna, magluluto lang ako ng hapunan. Natutulog din ang anak ko, pwede mo namang tabihan." Ani nito ng makapasok kami sa bahay.
Hindi pa rin ako masanay-sanay sa bahay nya. Alam mong Engineer ang may ari kasi bukod sa malaki ay nakakawindang din ang design. Nasa isla pero pang village ang bahay e.
"Stop judging my house." He face palmed.
I shrugged and went upstairs to rest like what he said. Nakakaramdam na rin naman na ako ng pagod kaya mas mabuti ngang umidlip muna habang iniintay ang hapunan.
I silently walked inside the masters bedroom because the kid is sleeping. Nakadapa ito at pinalilibutan ng malalaking mga unan. Inalis ko ang nasa kabilang side nya at don nahiga para hindi sya mahulog kung sakali.
Hinubad ko ang shirt na suot at dumapa rin ng higa at pumikit. Sleeping became my habit for four months because I was refrained on doing any activities because of my injuries, even though some of them already healed.
But my brothers keeps on saying that my broken ribs can not be forced yet by aggressive movements because it may break again and will cause worser problems and longer rehabilitation for me.
Which, of course, I don't fucking want. Tatanda ako ng maaga sa islang ito.
"Wake up, Ryss. Dinner's ready." I felt a gentle nudge on my face by a small hand while my brother's voice is ringing.
I slightly opened my eyes to look at my nephew who's staring at me with his green eyes, identical to mine. I can't help but to smile when his small growing teeth was shown when he smiled cutely.
"Come on, move. Iinom ka pa ng gamot." Sabi ng kapatid ko at kinarga ang anak.
Bumangon ako agad at sumunod sa kanila pababa. I was playing with my nephew while his dad's serving my food. He just keeps on giggling and that reminds me of someone.
"Don't forget your fruits, Ryss." Paalala na naman nito ng patapos na akong kumain.
Ganito pala ang pakiramdam ng inaasikaso. Hindi ko alam kung bakit tuwang tuwa yung isa samantalang nakakabwisit sa pakiramdam dahil ginagawa akong baldado.
Cause you are, baldado, Uryss.
I rolled my eyes and started eating the cherries he prepared. Pinanood ko silang magtatay na kumain. The kid's a lousy eater pero marunong na itong sumubo at humawak ng utensils ng mag isa.
BINABASA MO ANG
That Boy, Aidan Josh
Teen FictionHe is a jerk, a brat, and a headache. He is Aidan Josh Guirero Zamora.