Chapter 43

7.4K 381 68
                                    

Maurice

"What are you doing here?" Masungit nyang tanong ng lumabas ako sa banyo na bagong ligo.

Pagkatapos nya kasing maligo at bumaba para uminom ng gatas ay pumasok ako at naligo na rin dahil pagod na ang katawan ko at gusto ko na namang matulog.

Sobrang dami agad ng nangyari ngayong araw at sobrang dami ko na ring nakain. Buong araw nya rin akong hindi pinapansin pero halos oras-oras akong sisiringan at talagang ipapakita na galit ito sakin.

Si Luffine naman ay mabilis lang suyuin. Maikling sorry at konting paliwanag lang ay napatawad na ako nito agad at inagaw na si Noa sakin. Kahit malaki ang galit nya kay Tracey ay hindi nya dinadamay ang bata.

Ito ang unang beses na hindi ko makakatabi matulog si Noa, bagkus ay ibang bata ang makakatabi ko.

"Sleep." Maikling sagot ko at nagdirecho sa kama.

"Who told you that you can sleep here?" I can sense the annoyance in his voice.

"This is my room, dummy." I mumbled.

He scoffed. "Dito rin ako natutulog so scoot, motherfucker. Don ka sa dulo, wag kang didikit sakin."

Natawa pa ako pero gumulong din papunta sa kabilang dulo ng kama ko. My bed's huge so there's a big space between us. Sapat na siguro yun para hindi sya kamo madikit sakin.

Ilang minuto lang ang lumipas at malapit na akong mapuno dahil panay ang ikot nito sa kama, nahihirapan yatang matulog.

"Ah, kainis." Iritableng bulong nito.

"Can you stop moving? Ang galaw mo, natutulog yung tao oh." Inis na ring sabi ko pero hindi sya nililingon.

"Kasalanan mo 'to. Bakit ka pa kasi rito natulog. Pagod na 'ko pero dahil sayo hindi ko man lang maipagpahinga ang katawan ko." Paninisi nito.

Umikot ang mga mata ko. "Wag ka ngang maarte, Aidan Josh."

Kung makareklamo ka dyan parang hindi yumayapos sakin dati ah.

"Umalis ka nga! Ron ka sa kabila matulog!" Bigla akong sinipa nito.

Nagpapa-bebe ka lang e.

"Kwarto ko 'to, ang kapal ng muka mong paalisin ako rito e sakin 'to." Sabi ko at umikot paharap sa kanya.

Grabe ang pagkasimangot nito, nagiisang linya na ang kilay. Ang pangit nya.

"I don't care! Leave will you? Tutal magaling ka naman don." Galit nyang sabi at tinalikuran ako.

Hindi ako umimik at nakatitig lang sa likod nya. Nilunok ko ang bumarang hangin sa lalamunan ko at dahan-dahang lumapit sa kanya.

"How hard it is to say that you missed me, hmm? Aidan Josh?" Bulong ko sa tainga nya.

"Ang kapal ng muka!" Inis nyang singhal.

"It's obvious, Aidan. Pwede ka namang yumakap e, hindi kita pagbabawalan." I teased.

Gumalaw-galaw ang balikat nito at biglang humarap. Naramdaman ko na lang ang pagsuntok nya sa muka ko na nagpaikot sakin sa kama.

"Aww!" I groaned and held my nose.

Fuck, baka hindi nga yata ako namiss.

"Ang o-oa mo!" Singhal nito pero naramdaman ko namang lumapit sakin.

"Patingin nga ako!" Hinablot nya ang kamay ko para makita ang ilong ko.

Ngumuso ng konti ang labi nya habang nakatingin sa ilong ko na alam kong namumula nang masyado. Dumaan ang guilt sa muka nito at pag-aalala.

That Boy, Aidan JoshTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon