Chapter 16

8.4K 376 136
                                    

Maurice

"Bilhan mo na lang ako toys, Uryss. Damot damot nong machine, ang takaw pa." Naka ngusong sabi nito.

Bumuga ako ng hangin at umikot ang mata. Inilabas ko sya agad mula ron sa Time Zone bago pa kami paalisin ng guard dahil sa kanya. May mga magulang na rin kasing nag complain dahil sa ginawa nya, marami syang napa iyak na mga bata.

Ngayon ay naka pila kami sa bilihan ng ice cream. Kailangang pasakan ang bibig nito kundi hindi titigil sa kakadaldal at kakaturo kung saan saan.

Ala una na rin naman ng hapon, dapat nga sigurong mag punta na kami sa Daiso para maka-uwi na rin. Wala sa plano ko ang maghapon na maglibot dito sa Mall. Nahihilo na ako sa samu't saring amoy ng mga bagay at ng mga tao.

At dahil ngayon na lang ulit nakagala ng matagal ay mabilis na sumakit ang mga paa ko, pati ulo ko sobrang sakit na rin. Pero itong kasama ko ay parang di man lang makaramdam ng pagod.

"2 jumbo cup Cookies 'n Cream please." Sabi ko sa cashier at naglabas ng card.

Naubos ang cash ko dahil sa tokens ni Aidan, wala rin naman syang napala dahil hindi naman sya marunong, nagsayang lang ng tokens.

"Daiso tayo ha?" Ulit nya pa, naka upo habang nagi-intay ng ice cream, nakatayo lang ako sa may gilid nya.

"Oo na, wag ka ng maingay." Sabi ko para matahimik na sya.

Lumawak ang pagkaka ngiti nito at hiningi ang phone ko para mag laro. Wala kasing games ang cellphone nya, nasa iPad nya lahat. Hindi naman sya naglalagay dahil hindi rin sya mahilig gumamit ng cellphone, pag lumalabas lang.

Hindi ko alam kung ganoon pa rin sya pero ganoon sya nong bata pa lang kami at mukang nadala nya hanggang pagtanda kasi puro iPad sya sa unit ko, nagce-cellphone lang ay pag may tatawagan o kailangang gumamit ng messenger.

"Two jumbo cup CnC for Aj and Mj!" Sigaw ng cashier after ilang minuto.

Binawi ko ang kamay kay Aidan, daliri ko ang ginagamit na pangtouch don sa screen, akala yata ay stylus pen ang daliri ko. Tumayo ako para kunin ang ice cream, sumenyas na rin ako na tumayo na sya dahil pupunta na kami ng Daiso.

"Give me my phone, kainin mo 'to bago matunaw." Kinuha ko ang phone sa kanya at binigay ang isang cup.

"Daiso na tayo ha? Bibili mo na 'ko." Ayan na naman ang pangungulit nya.

"Oo nga sabi, kaya kainin mo na yan para pagdating natin don bibili ka na." Utos ko.

Hindi naman mahirap sa kanya ang kumain ng mabilis dahil don sya magaling. Paborito nya rin naman kasi ang ice cream kaya ganado talagang kumain.

Yun nga lang ay may kakalatan itong kumain kaya nilagyan ko pa ng panyo sa dibdib at nakabantay ang tissue sa kamay ko. Naka puti pa naman kami pareho, ayokong umuwi na may ice cream sa damit, masyadong malagkit.

"Daiso na, Daiso na." Niyugyog ako nito ng matapos sya sa pag kain.

Kahit yung ice cream ko ay binigay ko na sa kanya. Puro ice cream na rin ang panyo ko at halos mangalahati ang tissue na dala ko. Binilhan ko muna ito ng tubig bago ako nagpahila papunta ng Daiso para makabili na sya, ang kulit na ay.

Tuwang tuwa ito ng makapasok kami ng Daiso. Sa kanya ko tinali ang lobo na nasa braso ko pa rin pala. Sa etikita ng damit nya sa may batok ko itinali para siguradong makikita ko sya.

Nagtataasan kasi ang mga aisle dito, may habit pa naman syang umupo sa sahig para paglaruan ang gusto nyang bilhin na stuff toys, mahihirapan akong makita sya pag ganon. Ang mahirap pa ay hindi sumasagot pag tatawagin mo.

That Boy, Aidan JoshTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon