Chapter 38

10.1K 423 173
                                    

Maurice

"'Nak, can you get the boxes outside? Nandon yung ibang ingredients." Sabi ni Dada habang nagluluto sa kusina.

Everyone's so busy today coz it's Aidan's birthday.

Nasa bahay nila kami ngayon, nagluluto at nag aasikaso. The original plan is to eat outside but since kakauwi lang ng mga magulang namin ay ginusto nong isa na sa bahay na lang.

Kinuha ko ang mga natirang kahon sa garahe at dinala sa loob. Kami lang ang nandito, wala yung kumag at si Luffine. Hindi ko alam kung saan nagpunta at hindi ko na inalam pa.

Lagi naman kasing nawawala ang dalawang yun twing birthday ng isa't isa. Siguro ay nagbo-bonding o nililibre nong isa kung sino ang may birthday.

Sila lang dalawa ang nagkaka intindihan kaya hinayaan ko na lang.

Hindi rin naman sila kakatulong at mag bubulawlaw lang dito sa bahay kaya mabuti na yung wala sila. Baka imbis na matapos before dinner ay pare-pareho kaming mamatay sa gutom.

Tumulong na ako sa pagluto ng ibang putahe. Sina Dada ang nakatuka sa mga ulam, si Tito Joshia sa pastas, at si Tito Jonas at Rocco naman sa mga dessert.

Maaga kaming nagluto dahil ang ibang putahe ay matagal lutuin.

Puro kakanin ang hiniling nong isa kayo kakaunti lang nag dessert na binake. Si Tito Adi naman sa drinks, halo kung halo sa tatlong glass container na malalaki.

"Why don't you cook the baby back ribs, Uryss? Para matuwa lalo ang boyfriend mo." Dada teased.

Sinimangutan ko ito pero sumunod din. Kinuha ko ang mga kailangan sa ref at nagsimulang magluto. Isa sa pinaka gusto ko sa bahay nina Tito Adi ay napaka lawak ng kusina.

"Nasaan na ba yung boyfriend mo, Uryss?" Sumegunda na si Daddy na naka upo na sa high stool.

Umingos lang ako lalo pa ng bumungisngis sina Tito Jonas. Pangatlong araw na nila itong araw na ito sa pang aasar sakin dahil sa sinabi ni Aidan Josh nong sinundo namin sila sa Airport.

Ang hayop na yun, kung ano-ano ang pinagsasabi e alam ng mga ma-issue ang pare-pareho naming mga magulang. Hindi na tuloy ako tinantanan hanggang ngayon.

Hindi ka marunong maghintay ha, wala kang singsing mamayang gabi na bwisit ka.

Ako ang nagluto ng baby back ribs at braised pork. Malapit ng maglunch at dapat naka uwi na ang dalawa pero hanggang ngayon ay mga wala pa rin.

"Tawagan mo na nga, 'nak. Nang makakain na tayo." Utos ni Daddy ng makapag hain na ng uulamin ngayong tanghalian.

Umingos ako ulit at naghugas ng kamay. Kinuha ko ang cellphone sa sala at tinawagan si Luff dahil alam kong sya lang ang sasagot sa tawag sa kanilang dalawa.

Wala kasing cellphone na dala yung isa, camera at wallet lang ang dinala. Kaya pag may kailangang tawagan ay si Luff lang ang tinatawagan ko dahil sya lang naman ang may cellphone at sya lang din ang marunong sumagot sa tawag.

"Where are you?" Bungad ko ng sumagot ito.

[On our way, gutom na raw sya e.] He replied.

"Okay." Tipid kong sagot.

He chuckled. [So that's why he's so grumpy, ang cold mo nga naman.]

I frowned. "What?"

[He's been complaining about how cold you are to him. Nong isang araw mo pa nga raw sya iniiwasan. Ako tuloy ang binubulabog.] He said.

I scowled. So he noticed. Mabuti naman, talagang pinaparamdam ko sa kanya na iniiwasan ko sya. Gusto kong marealize nya na hindi ganoon dapat ang naging kilos nya.

That Boy, Aidan JoshTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon