Chapter 44

5.8K 377 100
                                    

Maurice

"Months passed in a blur
  A day without you is torture.
  Rain kept on pouring,
  Roses kept on blooming.
  Your smell that I missed,
  Making me so pissed.
  Everyday here is hell,
  A pond shaped like a well.
  I almost forgot how to live,
  Damn this cell, I wanna leave.
  Another crime that I commit,
  No stopping, it's like a habit.
  Just when I'm about to be good,
  Other guys chose to ruin my mood.
  Sweet feeling of agony,
  Hello again, deputy."

Before I leave the prison, I got my back tattooed with the poem I wrote after a month of being jailed for the first time. It was a hell of an experience, painful yet so thrilling.

The idea of Aidan, reading it, made me nervous as fuck.

Cringe it may sound but it's obviously a fucking confession message. And my plan is to make him read it the day before my fourth year starts, dahil sasampa na ako ng barko sa loob ng isang buong taon.

Pero wala namang masama kung malaman nya kasi nga para naman sa kanya. Ang masama ay sa ganoong sitwasyon nya pa nalaman.

Imagining what his reaction at that time could be pains me.

Sigurado akong natakot sya. Alam ko ang takbo ng utak ng isang yun. Hindi man ako namatay pero alam kong kinakatakutan nyang mawala ako matapos mabasa ang nasa likod ko.

Buti na lang masamang damo ako.

"Sigurado ka ba sa desisyon mo, Maurice?" Kalmadong tanong ni Tito Joshia habang pareho naming pinapanood ang binabake naming cupcakes.

Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako ninerbyos ng ganito.

"Opo, sobra." Desididong sagot ko, tinatago ang kaba.

I swallowed my fear and decided to ask Tito Joshia for his son. Sinabi ko ang plano ko. Sinabi ko ang nararamdaman ko at pinatunayan kong seryoso ako sa gusto ko.

Sumilip ang ngiti sa sulok ng labi ni Tito. "Alam naman naming sa ganito rin kayo mahahantong, ang sarap lang sa pakiramdam na nagkatotoo nga."

Parang may humaplos sa puso ko ng madinig yun. Hindi naman ako tanga para hindi mapansin na noon pa man ay binibenta na nila ang unico ijo sakin kahit mga bata pa lang kami.

Halos araw-araw akong nasa kanila para alagaan si Aidan Josh. Noong una natakot ako kasi baka ang isipin ni Aj ay pinapaubaya na ang pag-alaga sa kanya, baka maisip nyang pinapabayaan na sya pero mabuti na lang at hindi.

Bata pa lang kami ay abala na ang mga magulang naming pareho pero hindi naman nila pinaparamdam na hindi na kami mahalaga at hindi na kami kailangang bigyan ng oras at atensyon.

Sadyang nakiusap lang ako sa mga magulang ko ng mag senior high school ako na hayaan akong mabuhay ng mag-isa. Kaya rin hindi na ako umaasa sa kanila ngunit ni minsan ay hindi nila ako nakakalimutang tawagan.

Ganoon din kay Aj. Nasanay kaming dalawa na wala ang mga magulang namin dahil pareho naming desisyon na sanayin kaming maging independent na tao, lalo pa at mga lalaki kami.

Kaya hindi ko kinakahiyang sabihin na ako ang nagpalaki kay Aidan Josh sa loob ng halos pitong taon mula ng maging magkaibigan kaming dalawa dahil desisyon kong alagaan sya at pinangakong papanindigan yun habang buhay.

"Malaki ang tiwala namin sayo na hindi mo hahayaang pagdaanan ninyo ni Aj ang mga dinanas namin noon dahil sa pareho kaming lalaki, gaya na rin ng mga magulang mo. Noong unang araw na makita ka namin, alam na agad naming mapupunta sa tamang tao si Aidan Josh." Tito Joshia chuckled.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 6 days ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

That Boy, Aidan JoshTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon