Chapter 26

9.4K 431 307
                                    

Maurice

"Hey, what's wrong?" Tanong pa ulit nito.

Kanina ko pa minumura ang sarili. Pinipilit kong patigilin ang mata sa pag-iyak pero hindi mahinto hinto. Dire-direcho lang ang mga luha ko na binabasa na ang damit ko.

What the hell is wrong with you, Maurice?

"Uryss.." Naga-alalang tawag nito.

Not now, Aidan Josh. Don't use that soft voice on me.

"Come here." Sabi nya.

Ayoko, baka bumigay ako.

Naramdaman ko na lang ang masuyong paghigit nito sakin sa braso. Nanatili akong naka pikit. Naramdaman ang sarili sa pagitan ng mga braso nito, naka sandal ang aking ulo sa dibdib nya.

Fuck this, para kang bading, Uryss.

Ay, di b--puta, nevermind.

"Why are you crying, baby, hmm?" He asked in soft voice and started caressing my hair gently.

Para akong nanlambot sa tono ng pananalita nito at sa marahang paghaplos. Para bang ginagaya nya ang paraan ko kung paano sya pakalmahin twing natatakot ito o punong puno ng isipin ang utak at hirap maka tulog.

Kailan ba noong huling ginanito ako ng isang ito? Ilang taon na ba? Pito? Sampu?

"I told you, don't call me baby." I still managed to groaned because of his endearment.

He chuckled and let out a relieved sigh. Para bang nabunutan ito ng tinik sa lalamunan dahil umimik na ako.

Hindi ko rin alam, huminto na lang bigla ang mga luha ko. Hindi naman kasi talaga ako iyakin. Hindi gaya nito. Hindi ko rin alam kung bakit ako naiyak bigla samantalang kinantahan lang naman ako nito.

Gusto nya lang salubungin ang kaarawan ko gaya noon. Pagsapit mismo ng April 12, saktong alas dose ng hating gabi, babatiin nya ako, at ganon din ako twing birthday nya.

"Sobrang saya mo ba na ako ang unang bumati sayo kaya naiyak ka? Sabagay, best friend mo na 'to oh." Bumungisngis ito.

Nadala ako sa bungisngis nito at natawa ng mahina. Naging kalmado na lang bigla ang sistema ko matapos nya akong yakapin at ihilig sa dibdib nya at masuyong haplusin sa buhok.

Pakiramdam ko ay napaka espesyal ko.

"Ay oo nga pala, blow your candle na muna!" Anito ng may maalala.

Hindi ko alam pero naka ramdam ako ng pagtutol ng marahan itong humiwalay sakin at may inabot sa mesa. Pinanood ko syang sindihan ang maliit na kandila sa ibabaw ng Chocotops.

Malawak ang ngiti nitong binuhat yun at hinarap sakin. Parang puso ko ang sinindihan dahil sa mainit na pakiramdam na animo'y humahaplos dito.

Bakit ba ako natutuwa ng ganito? Dahil sa Chocotops?

"Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday, happy birthday, happy birthday.." Mahina nyang kanta at sinasayaw pa ng cupcake.

Ginawa naman ako nitong bata. Ginaya pa ang ginagawa ko pag birthday nya.

"To you.." Hininto nya ito sa tapat ng muka ko at ngumiti na ikinawala ng mga mata nya.

"Happy birthday! Make a wish na!" Excited na sabi nito.

Nahahawa ako sa tuwa nya at sumunod na lang. Pinikit ko ang mga mata para humiling.

Iisa lang naman ang palagi kong hiling noon, ang maging masaya lahat ng tao sa mundo, lalo na ang lalaking nasa harap ko. Pero ngayon, may dagdag na.

That Boy, Aidan JoshTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon