Chapter 22

7.6K 347 77
                                    

Maurice

"Ryss.." He called.

After feeding him, I dressed him up with some sweatpants and tucked him to bed. Tinabihan ko sya dahil ramdam ko na ayaw nyang mapag isa ngayon. Now he's laying his half body on me while we're both covered with my comforter.

"Hmm?" I hummed as a reponse while caressing his hair.

Before, when he's acting like this, I will also do this. Gustong gusto nyang hinahaplos sya sa buhok at nakaka ramdam ng init ng katawan ng ibang tao. Ganon kasi sya pinalaki nina Tito Joshia dahil sensitive sya noong bata pa lang.

Binibiro nga syang sisiw nina Ninong Ian na kailangang limliman para makatulog.

Kaya noong dumating ako ay ako na ang gumagawa non sa kanya dahil mas madalas na kaming magka sama kaysa sa mga magulang nya. Hindi na nga ako halos nakakasama ng mga magulang dahil lagi akong nasa kanila.

"I missed them." Mahina nyang sabi.

Kaya siguro ito ganito dahil nakakaramdam ng pangungulila kina Tito. Hindi pa rin kasi tumatawag ang mga ito, kahit ang mga magulang ko. Kahapon ay nalaman ko na sina Tito Jonas ang nag-aasikaso ng kaso ni Aidan at hindi pala sina Tito Adi.

Sila ang umaattend ng mga hearing at naglalakad ng mga kailangang papeles. May mga pruweba naman na naprovoke lang si Aidan kaya nya nabugbog ang isang yun. Tinutulungan din sila nina Tito Ian sa mga ebidensya.

Sa Meteorite kasi nangyari, e kina Tito Ian yun.

Yun nga lang ay sa video pa lang ay makikita agad na si Aidan ang unang sumuntok kaya hindi na ito maco-consider na self defense. Di gaya nong mga unang gulo nya na nalusutan nya dahil hindi sya ang unang sumusugod.

Kaso sya ang mas madami ang nababaling buto dahil sa bigat nyang sumuntok. Kaya sa huli ay mas muka syang suspek kaysa biktima.

"I want my Dada." Aniya at sumiksik pa sa leeg ko.

Hirap akong makahanap ng irarason dahil maging ako ay walang alam kung nasaan at kung ano ba talaga ang ginagawa nila.
Hindi ko naman pwedeng sabihin na busy ang mga ito dahil paniguradong iiyak ang isang ito.

Ayaw nyang walang panahon ang mga magulang nya sa kanya. Maging sino man na malapit sa kanya. He doesn't like the feeling of being unwanted or unimportant.

Kaya nga spoiled na spoiled.

Kung dati ay ayos lang na wala sila, ngayon ay hindi na. Hindi ko rin naman inaasahan na magiging sapat ang presensya ko dahil pitong taon din kaming walang koneksyon sa isa't isa at alam kong magulang nya lang ang meron sya.

Paano ba naman kasi, laging inaaway si Luffine.

"Ako muna sa ngayon, malapit naman na silang umuwi. Konting tulog na lang tapos nandyan na sila." Yun na lang ang sinabi ko.

"Busy sila?" Malungkot nyang tanong.

Sinubsob ko ito sa leeg ko ng marinig yun. Di ko nga sinabi, sya naman itong naka isip.

"Nope. They're just doing something." Rason ko.

"So busy nga sila?" Mas lumungkot ang boses nito.

Hindi ko na napigilan ang sarili at pinatong na sya sa ibabaw ko. Nagulat naman ito dahil naramdaman ko ang pagflinch nya. Bale wala ang bigat nya pag ganito sya umaakto. Bumabalik sya sa pagiging bata sa paningin ko.

"Hindi nga sabi. May ginagawa lang." Kunot noong sabi ko.

"M-Mabigat ako, Ryss. O-Okay na 'ko ron sa kanina." Namamaos nyang sabi.

That Boy, Aidan JoshTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon