Chapter 15

8.5K 367 55
                                    

Maurice

"A what?" I asked, gulat na gulat.

Huminto sya sa pangu-nguna at nilingon ako. Tumabingi pa nga ang ulo at nagtataka akong tiningnan.

"Ha?" Tanong nya rin.

"This is a what?" Talagang hindi nagpa-awat ang bibig ko.

"A date." Kaswal nyang sagot, na para bang normal lang yun.

"A what?!" Ulit kong tanong, mas gulat na gulat.

Nanghuhusga nya akong tiningnan. "Mukang tanga. Date sabi ko."

Nagbukas sara ang bibig ko, hindi makapaniwala sa sinabi ng taong ito.

"Oh come on, ikaw kaya ang nagsabi sakin noon na date ang tawag sa panonood ng sine?" He said with his matter of fact tone.

"I said that?" Lutang pa ring tanong ko.

When?! Bakit di ko maalala?

"Oo, mamaw." Inismiran nya ako at iniwan na naman, hindi ko alam kung bakit biglang nairita.

M-Mamaw? Ako? Aba tangina pala nito.

"Hoy! Saglit! Wag ka ngang bida bida dyan, hindi tayo sa Jollibee kakain!" Eskandalosong sigaw ko rito at hinabol.

"But I want Jabi!" He whined when I started pulling him towards the other direction.

"Too crowded. Not safe." I shortly replied while pulling his big form to a restaurant.

Sumimangot ito ng harapin ko, nasa pang dalawahang mesa na kami sa tabi ng malaking glass na wall ng restaurant. Nasa may Lobby lang ito kaya kita ang mga taong naglalakaran sa labas.

Malapit lang din sa exit at Parking. Kung sakali mang may makaabutan syang kaaway dito, mabilis ko syang makaka ladkad palabas at direcho uwi.

"Gusto ko nga ng Jabi!" Naiinis nitong sabi.

Nakahakot na agad sya ng mga taong tumitingin sa direksyon namin. Pag talaga ginustong mag tantrums ay talagang gagawin nya kahit nasaan pa sya. Kahit dito sa isang five star restaurant pa.

"Di nga pwede. Dito na lang, masarap naman dito." Mahinahong sabi ko, ayaw sabayan ang galit nya.

Kasi pag ako ang nagalit, iiwan ko sya dito. Kakain ako sa Jollibee ng mag isa at di sya bibigyan ng take out, freaking spoiled brat.

Nagsisipa pa ito sa ilalim ng mesa, doon na lang ibinubuhos ang inis nya dahil wala na syang magagawa pa. Nang lumapit ang pamilyar na tao, na sya ring may-ari nitong restaurant ay tsaka lang sya huminto at piniling ngumuso.

"Mukang may nauto para lumabas ah." Tito Rob smiled, naka suot ito ng apron at uniform gaya ng sa crew nya.

Ngumiti rin ako. "Yeah, we watched the Cars."

Napa iling na lang ito, marahil ay alam na agad kung sino ang nauto at sino ang nang-uto. Natawa rin ito ng makita ang batang nagta-tantrums sa tapat ko, hindi man lang ngumiti at nanatiling suplado.

"The kitchen's yours, Uryss. Ako na muna ang magbabantay dito." Naka ngiti nitong sabi at inabot ang apron nya sakin.

Tumayo ako at sinulyapan muna si Aidan na mas mahaba na ang nguso. Inabot ko ang cellphone ko rito para yun ang pagka-abalahan habang nagluluto ako ng kakainin namin. Nabura naman ang pagnguso nya at inabala nga ang sarili ron.

"No ice cream, Tito Rob." Paalala ko pa bago tinungo ang private kitchen na si Tito lang ang gumagamit.

Kilala ko na rin 'to e, isa sa mahilig mang-spoiled kay Aidan noong elementary pa lang kami. Palibhasa ay wala pang anak noon, ngayong taon lang yata sila binigyan ng anak. Panganay na anak na ang tingin nila samin kaya todo spoil.

That Boy, Aidan JoshTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon