Chapter 23

8.3K 335 66
                                    

Maurice

"Aidan, move faster. Kumain na tayo para makalakad na." Sabi ko habang kinakatok sya sa banyo.

Mabilis lang ang pagdaan ng weekends at Lunes na ulit. Ngayon ang balik ko sa training kaya pupunta kami ng Mall. Alas otso na at kailangang alas nuebe ay nandon na ako. Nakabihis naman na ako, nakapag luto na rin ng agahan.

Lumabas sya ng banyo ng nakabihis na rin. Puting polo shirt, itim na pants at puting sneakers. Naka simangot na naman ito at nilampasan lang ako at naunang lumabas ng kwarto. Napa iling na lang ako at sinundan sya sa kusina.

Sa dalawang araw ng weekends ay napansin ko ang pagbabago nito. Bumalik ito sa pagiging brat at laging pinapasakit ang ulo ko. Hindi na naman nagkukusa at panay pa ang pasiring sakin twing titingnan ko.

Hindi ko na binig deal dahil nasanay na rin ako. Ang kaso nga lang ay may mga pagkakataong umiinit na rin ang ulo ko dahil sa kinikilos nya. Hindi pa maka-usap ng maayos at laging nagdadabog.

Pinagsandok ko ito at nilagyan ng gatas ang baso. Nilagyan ko rin ng napkin ang leegan nya dahil nakaputi ito, baka marumihan ang damit nya, may ketchup pa naman ang ulam nyang tocino.

Nagdasal muna sya bago kumain. Kumain na rin ako at hindi na ininda ang nakaka binging katahimikan. Hinayaan ko syang umakto ng ganoon dahil hindi na rin bago para sakin. Sinusubukan ko syang intindihin hanggang kaya ko.

"Tapos ka na? O kakain ka pa?" Marahang tanong ko ng makitang wala ng laman ang pinggan nya.

Hindi ako nito sinagot at basta na lang iniwan sa kusina at pumasok ng kwarto. Pinaglapat ko ang mga labi at nagsimulang maglinis ng mesa kahit hindi pa ako tapos kumain. Gusto ko pa sanang kumain kaso baka mainip ito sa pag-iintay sakin.

Dalawang gabi na akong hindi makakain ng maayos kaya laging gutom sa umaga. Sa sala na rin ako ulit natutulog dahil lagi nyang pinagsasarhan ng pinto twing gabi. Hindi man nya nilolock ay ayaw ko pa ring ipilit ang sarili dahil alam kong ayaw nya.

Hindi ko nga alam kung gusto nyang sumama sakin ngayon o napipilitan lang. Hindi naman sya sumasagot pag tinatanong ko kaya isasama ko na lang din kaysa iwan sya rito mag-isa. Maghapon pa naman ang training ko.

Nilampasan ako nito at naunang lumabas ng unit. Bumuntong hininga na lang ako at sumunod sa kanya dala ng gym bag ko. Nilock ko ang unit at sinundan sya sa may elevator. Ako ang nagbukas at nagpinto ng floor button tsaka tumabi sa kanya.

Biglang lumipad ang iPad nito at muntik ko ng hindi masalo. Tumikhim ako at nilagay yun sa gym bag ko kasama ng mga gamit ko at mga pagkain nyang baon. Nauna itong lumabas ng lift at nagtungo sa Parking kung nasaan ang kotse ko.

Nag-intay sya sa tabi ng passenger's na para bang bagot na bagot. Dali dali naman akong kumilos para pagbuksan sya ng pintuan. Nilagyan ko rin sya ng seatbelt at tsaka pumasok ng driver's. Nilagay ko sa likod ang gym bag na dala.

Dahil Lunes ay sobrang traffic sa daan. Panay ang pindot nya sa screen ng kotse ko at kung ano ano ang tinitingnan. Kinuha ko ang iPad nya sa likod para yun ang kutingtingin nya pero tinaboy nya lang ang kamay ko at patuloy sa ginagawa.

I sighed, trying to calm myself down. Ayaw kong sabayan ang topak nya dahil baka hindi ako makapag training ng maayos. Ayaw ko ring makarinig ng kung ano anong sumpa mula sa kanya.

Subok na subok ang pasensya ko sa taong ito.

Hindi ko alam kung anong problema nya. Bigla na lang syang naging ganito sakin ulit. Kahit tanungin ko naman ay hindi ako papansinin at minsan pa ay iirapan.

Para syang may sapi, tangina.

Bigla nyang pinindot ng paulit ulit ang busina kaya bumusina na rin ang kotse sa harapan. Mabilis kong hinuli ang mga kamay nya para pigilan sya sa akma nyang pagpatol sa bumusina samin pabalik.

That Boy, Aidan JoshTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon