Chapter 29

8.4K 392 231
                                    

Maurice

"Aidan Josh Guirero Zamora." Matigas kong bigkas.

He flinched and starting fidgeting with his fingers. Nandito kami ngayon sa Security Office ng Tom's World dahil may inaway na naman syang bata. Nalingat lang ako saglit tapos pinatawag na ako rito.

Ngumuso ito ng sipain ko sa sapatos at nahihiyang tumingala sakin. Napahilamos na lang ako sa muka at tumingin sa nagreklamo sa kanya na Ginang.

Halatang mataray ito dahil kanina pa nakataas ang kilay. Nasa tabi nya ang anak nyang babae na bakas sa muka ang luha, mapula pa nga ang ilong.

"Ikaw ba ang guardian nyan or whatever?" Mataray na tanong ng Ginang sakin.

Tumango naman ako. "Yes po. Kaibigan ko po sya."

"Pwes pakisabihan naman yang kaibigan mo na ayusin ang ugali nya. Ang tanda tanda na nya tapos nakiki agaw pa sya sa mga bata? Pinaiyak pa nya ang anak ko!" Galit ng sabi nito.

Pumiksi ulit si Aidan dahil sa sigaw nito. Tinabihan ko naman ito na nakaupo sa stool at tumayo sa tabi nya tsaka pinatong ang kanang kamay sa ulo nya para maramdaman nyang nandito ako.

"Godness, talagang hindi nya pa binigay sa anak ko yung laruan? E pangbabae nga yun!" Hindi pa natatapos ang salita ng babae.

Tiningnan nya si Aidan at dinuro. Kamuntikan ko ng abutin at baliin ang daliri nito kung di lang naging mas mabilis si Aidan at hinawakan ang kamay ko at binalik sa ibabaw ng ulo nya.

"Bakla ka ba ha? Ang laki laki mong tao tapos makiki agaw ka sa pink na teddy bear?!" Singhal na naman nito.

Last mo na yan, Ginang.

"Nakakadiri ka. Tingnan mo nga yang itsura mo. Ang tanda tanda mo na tapos nandito ka pa sa lugar para sa mga bata? Gosh, grow up." At umirap pa ito.

Okay, that's it.

"First of all, don't shout at him nor point your goddamn finger at him again, Ma'am." Matigas na sabi ko.

Mukang hindi naman nito inaasahan ang pagmumura ko. Pasensyahan po tayo pero kanina pa ako naiirita sa boses mo, at talagang ininsulto mo pa ang Aidan ko.

"Second, I was told that he got the teddy bear first before your daughter." Dinuro ko rin ang anak nya.

"Third, your goddamn daughter cried because she's a brat. Hindi na kasalanan ng kaibigan ko na iyakin yan porke hindi nakuha ang gusto. Ganyan nyo ba namang palakihin, hindi na nakaka gulat." Sarkastiko kong sabi.

Mukang nainsulto lalo ang babae at niyakap pa ang anak.

"Fourth, you don't have the right to judge people just because they liked a certain color that you fucking believed that only belongs to girls and playing in a place like this." Diniinan ko talaga ang mura sa sinabi ko.

"Uryss.." Aidan tugged my shirt, coaxing me to stop.

No, Aidan Josh. Ako lang ang pwedeng umaway sayo.

"And he's disgusting? Because? What? Kasi mahilig sya sa pink? Kasi mahilig sya sa mga laruan? Ano? Fucking answer me!" My voice rosed.

Everybody flinched but remained silent. Hindi na naka imik pa ang Ginang sa harap ko. Kahit ang guard at Manager na kasama namin dito ay nanatiling mga nakayuko.

"Uryss, enough." Bulong ni Aidan.

No, baby. No fucking way I'll tolerate this motherfucking creature to discriminate and humiliate you.

"If that's what made him disgusting, then your daughter is disgusting too. Lalo na at ikaw ang nanay." Pagpapa tuloy ko.

"H-How dare you?! Don't question me as a mother, you impolite brat!" Tumayo na rin ito, galit na galit.

That Boy, Aidan JoshTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon