Chapter 4

5.2K 208 30
                                    

Maurice

"I'm going. Lock the door and don't let anyone in. I already made your lunch, initin mo na lang." Sabi ko sa kanya habang nakatayo sa gilid ng kama.

Alas otso na pero nakahiga pa rin sya. Hindi naman talaga sya maaga magising pero pag ganitong wala syang makaka sama ay dapat aware sya. Ngayon ay gising na nga sya pero nagce-cellphone lang habang nakahiga pa rin.

"May susi ako kaya hindi ako kakatok. Tumawag ka sa Unit Service kung may kailangan ka na wala dito. Most importantly, wag kang lalabas." Dagdag ko pa.

Nagpatuloy lang sya sa pagscroll sa cellphone nya pero base sa gumagalaw nyang tenga ay nakikinig naman sya.

"Breakfast is ready too, kumain ka na." Sabi ko at pinasadahan sya ng huling tingin bago sya tinalikuran dahil wala naman akong mapapalang sagot sa kanya.

"I'm leaving, Aidan." Medyo nilakasan ko ang boses ng mabuksan ang pinto.

Walang kahit anong sagot gaya ng inaasahan ko, pero kapag hindi naman ako nagpaalam ay mag tantrums na naman ang isang yun. Ako na rin ang naglock ng pintuan kasi mukang makakalimutan nyang gawin.

Cellphone kasi ng cellphone, naghahanap lang naman ng sapatos sa online shop.

Nagmessage ako kay Tito Adi na iiwan ko muna saglit si Aidan para gawin ang school works ko. Sinabi naman nyang tatawagan nya madalas ngayong araw si Aidan para macheck ang lagay nito at para hindi rin daw masyadong mabored.

Papasok na ako ng elevator ng mag vibrate ang cellphone ko. Akala ko pa nong una ay si Tito Adi pero hindi, si Aidan pala. Kumunot naman ang noo ko. Hind sya nagte-text sakin kahit kailan.

Ano naman kayang kailangan nito.

From: Brat

I'm not hungry. I'll eat at dinner.

Mariin akong napapikit at napahawak pa sa pinto ng elevator na unti unti ng sumara dahil walang sumasakay. Naguumpisa ng uminit ang ulo ko pero pinakalma ko ang sarili. I checked my watch and it's almost 8:30, at 9:00 am sharp pa naman ang call time namin.

"Jesus Christ." Pagalit akong bumuga ng hangin at nagsimulang maglakad pabalik ng unit ko.

Padabog kong tinap sa censor ang key card ko at tinulak pabukas ang pinto. Wala ngang Aidan sa kusina, talagang hindi kakain. Nagmarcha ako papunta sa kwarto at nakitang nakadapa na sya habang maingay ang iPad nya.

"Aidan." Mariin kong tawag sa kanya.

"Oh?" Tamad nyang tugon, sumulyap lang ng konti mula sa balikat nya.

"Breakfast. Bumangon ka dyan." Utos ko.

"Psssh." Pagiingay nya habang tamad na tamad na bumabangon.

Naginat inat pa ito sa mismong tapat ko. Naka pajama na oversized at magulo pa ang buhok. May muta pa at bakas ng tulo ng laway sa pisngi. Napapikit ako sa kadugyutan nya.

"I'm not really hungry, but if you insist.." Nagkibit balikat pa ito, akala mo ay pinilit ko.

Napahawak ako sa magkabilang bewang at tumingala. Ano bang kasalanan ko sa Diyos at ganitong parusa ang binigay sakin?

Sukbit ko pa rin pala ang bag sa likod na hanggang sa pag kain ay nandon pa rin. Pinaghain at pinagsandukan ko na rin ng pagkain si Aidan na nanonood lang, may pagalaw galaw pa ng mga paa sa ilalim ng counter.

"Eat. Bilisan mo, may lakad pa ako." Kalmado kong sabi at nagsimula na ring kaumain.

Ayos lang naman sakin ang hindi kumain ng agahan, pero bakit ko nga ba kinalimutan na may kasama akong bata na ang pangalan ay Aidan? Akala ko ay makakalusot ako kaso ay hindi, kahit siguro malate ay uunahin ko pa ring asikasuhin sya.

That Boy, Aidan JoshTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon