Chapter 18

8.8K 353 146
                                    

Maurice

"Uryss, still mad?" Nadinig ko ang boses ni Aidan at ang pagbukas ng pintuan.

Lambing ng boses ah, parang di ako tinarantado.

Nakatulog pala ako dahil sa sama ng loob. Nagising lang ako ng makaramdam ng lamig. Nakadapa ako at mas exposed ang likod sa lamig kaya nanginginig ito. Gustong gusto ko ng gumalaw pero tulog nga pala ako.

"Ay.. tulog pa." Dismayado nyang sabi.

Oo, Aidan. Tulog pa ako, ako 'to yung dinilaan mo sa leeg na punyeta ka.

"Gutom na 'ko e." Malungkot na sabi nito.

Nahabag naman ako agad. Gusto ko na sanang tumihaya at gumalaw para maipag luto na sya kaso narinig ko sya ulit.

"Pero sige, tabihan na lang kita. Cu-cuddle tayo, bff." Matunog itong ngumisi at naramadaman ko sa kama.

Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na gumulong patihaya. Saktong bumagsak ang katawan nya sa pwesto ko kanina, nakadipa pa ang mga braso. Una ang muka nya sa kama, gayang gaya ang posisyon ko kanina.

Sabi ko na nga ba at tatalunan ako nito para dag-anan. Mabuti na lang at nahulaan ko, kundi yurit sana ako, tanginang Titan ito.

"I hate you, Uryss." Naka simangot na ito ng tumihaya.

Sinamaan ko sya ng tingin at hinampas ng unan sa muka. Hindi ko alam pero nakaka irita ang pagmumuka nya ngayon. Parang may nagbago sa paraan nya ng pagtingin o dahil kakagising ko lang kaya medyo malabo ang mga mata.

O baka naman dahil sa kakacellphone ko 'to?

Pinasadahan ko ng tingin ang buong muka nya. Ganoon pa rin naman. Maputi. Makinis. Matangos ang ilong. Makapal ang kilay na laging nakasalubong. Pisngi na tumataba pag kumakain. Mata na mas sumingkit o duling lang ako?

And his lips.. bakit ganyan itsura nyan? Kulay pink. Parang basa. At bakit naka awang yan? Gutom ba yan? Bakit ngayon ko lang napansin na ganyan na nguso nya? Kaka-lip balm nya siguro.

"Kamusta muka ko? Pogi pa rin ba?" Itinaas baba nito ng kilay.

Napasimangot naman ako at akmang hahampasin sya ulit ng unan kaso nga lang ay tinapon nya lahat ng unan sa sahig.

"Tarantado, marurumihan!" At kamay ko na mismo ang himapas ko sa kanya, sa muka mismo, nakaka irita e.

"Aray! Sakit ha!" Reklamo nya at gaganti pa sana.

"Subukan mo, lalagyan kita ng punda." Banta ko at bumangon na para kunin ang mga unan.

"Maya!" Pigil nito at hinigit ako sa paa.

Muntik na tuloy akong mahulog sa sahig kung hindi nya lang ako binira. Walang kahirap hirap akong ibinalik sa tabi nya at nginitian ng malapad.

"Punyeta ka, Aidan Josh. Muntik ng mabasag ang bungo ko!" Gigil na asik ko.

Malapit lapit ko na syang kurutin sa utong. Papaiyakin ko na talaga itong tarantadong ito, konti na lang talaga.

Ngumiti lang ito ng mas malawak. "Higa ka kasi muna."

"Bakit ba? Akala ko nagugutom ka?" Kunot noong tanong ko.

Lumabi ito at walang kahirap hirap na naman akong hinigit para madikit sa kanya. Pinatong nya ang binti sa mga hita ko kaya hindi ko magawang maigalaw ang pang ibabang katawan.

Naknampucha, nainitan na naman ako!

"Mamaya na, magcu-cuddle pa nga tayo diba." Nandyan na naman ang ngisi nya.

That Boy, Aidan JoshTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon