Maurice
"Tracey, it's been a while." Tito Adi smiled as Tracey entered the house with two luggage and his parents behind him.
"Ang tangkad mo lalo ah!" Tuwang tuwa si Dada at inabot pa ang buhok nito.
Nakatanaw lang kami mula sa second floor, nakahilig sa railing ng grand staircase. Nasa likod namin ni Aidan si Luffine na pasilip silip lang sa baba, takot na makita ng bagong dating.
"Yan na ba si Noa? Ang laki na ah!" Sinugod ni Tito Jonas ang karga-karga ni Tito Pete na bata.
Nakita ko ang pag-iwas ng tingin ni Luffine ng makitang kinuha ng ama ang anak ni Tracey. Ramdam ko ang halo-halo nyang emosyon, idagdag pa ang pagkuyom ng mga kamao nya.
"Ilang taon na ngani ito? Lima?" Tanong ni Daddy at nakiusyoso rin sa bata na nagising na.
"Yes po, kaka-birthday nya lang last month." Tracey replied, watching the others flock around his son.
Roronoa Amatheus Lym, five years old son of Tracey Millen Lym, son of Tito Ian and Tito Pete who lives at Palawan after being banned by Luffine for almost five years.
He's four years older than us, and had the baby when he's second year college at the age of twenty. Grade ten kami nong umalis sya at sa isla na nagpatuloy ng pag-aaral.
He's now an Engineer at Palawan, I heard he's doing good and doing big projects too. Halos puro resorts daw ang mga projects nya sabi nina Tito Pete noon. May sarili rin syang Engineering firm.
"So cute." Bulong ni Aidan habang pinapanood ang mga ama nyang pinagdadamot si Noa sa iba.
I glanced at Luff to check on him. He's just watching the people downstairs with blank expression. When he's like this, he is the hardest person to read.
"Do you want to go down?" I carefully asked.
"Where? In hell?" Sarkastikong sagot nya.
"Downstairs." Pagtatama ko, ayaw patulan ang pangbabara nya.
"Asan na yung tatlo? Si Luff?" Dinig naming tanong ni Tito Ian.
Napaismid si Luffine ng madinig ng pangalan nya. Mukang ilang araw na naman kaming magtitiis sa pagiging maldito nya, hanggang sa nandito ang mag-ama, hindi ito kakalma.
"Where's the birthday boy? I have presents for him." It was Tracey.
Parang tumaas ang tenga ni Aidan ng madinig ang sinabi ni Tracey. Hindi nya alam kung ipapaalam nya na nandito kami sa taas na nanonood o ano. Iniisip nya ang magiging reaksyon ni Luff.
"Just go down, Aidan. I don't mind." Buryong sabi ni Luff ng mapansin ito.
Excited na bumaba yung isa, hindi ko na pinigilan dahil alam ko kung gaano nya namiss si Tracey. Ngayon na lang ulit namin nakita ang isang yan dahil lahat ay nakaka alam ng nangyari at nirerespeto ang desisyon ni Luffine.
"Take this as an opportunity to talk and settle things down. Matanda na kayo pareho, sa tingin ko naman ay makakaintindi ka na." Kaswal kong sabi kay Luffine na nanatiling nakadungaw sa ibaba.
"Ayoko, baka saksakin ko lang sya o ihulog sa hagdan." Mapait nyang sabi.
"Stop running away and face him, Luffine. Ilang taon mo ng pinapahirapan ang sarili mo. Tama na." Matigas kong sabi.
His bloodshot eyes met mine. "He fucking cheated on me, Uryss."
He didn't.. but he lied.
"Yan lang ang alam mo, marami ka pang kailangang malaman kaya mag usap kayo. Sa tingin ko naman ay yun din ang gusto ng isang yun." Pagdedesisyon ko.
BINABASA MO ANG
That Boy, Aidan Josh
Teen FictionHe is a jerk, a brat, and a headache. He is Aidan Josh Guirero Zamora.