Chapter 19

8.9K 377 115
                                    

Maurice

"Oy, sorry na." Tinusok ulit nito ang braso ko pero nanatili akong nakatalikod.

Matapos nya akong tawanan ng ilang minuto ay tinalikuran ko na ito dahil sa inis. Kahit pa kalahating oras pa bago ang exam nya ay nagpunta na kami sa building nila. Wala rin naman kaming ibang gagawin sa labas, mas mabuti ng maaga ron.

At nabubwisit ako sa pagmumuka nya. Malapit ko na syang yayain makipag suntukan dahil sa ginawa nya. Akala siguro ay nakakatuwa, pero hindi! Punyeta talaga ito.

Kaya gusto kong may ginagawa para tigilan nya na sa panggugulo. Siguro naman ay makakaramdam ng hiya ito at hindi mage-eskandalo sa classroom nila mismo. Sabi nya rin naman ay may mga kaklase na sya ron.

"Are you really planning to ignore me for the whole day, Uryss?" Nakikita ko na agad ang paglabi nito kahit nakatalikod ako.

Wag kang papauto, Uryss. May kasalanan na naman sayo yan.

"Urysss." Parang batang tawag nito.

Hindi. Wag. Bawal. Walang papauto.

"Jaxy." He called in very fucking sweet way.

"Oh fuck you!" Inis na singhal ko at hinigit sya sa braso para itabi sakin sa paglalakad.

Matunog itong ngumiti, pinaparating na sya ang nanalo. Talagang binalik pa nito ang bag sakin para ako ang magdala at tsaka kinuha ang tote bag ko. Pinagpalit nya lang ang mga gamit namin, sakin pa napunta ang mas mabigat, putangina nya talaga.

"Sa third floor po ako, baby." Malambing nitong sabi.

Sinamaan ko sya ng tingin at akmang babawiin ang kamay na nakahawak sa kanya ng unahan nya ako at hinawakan sa pulso. Labas ngipin itong ngumiti at sumenyas pa na ititigil na ang kalokohan bago kami makasakay ng elevator.

"Bab-" Akmang tatawagin na naman ako nito ng iharap ko ang kamao sa kanya.

"--Ryss." Pagtatama nito.

Inirapan ko sya at binaba ang kamao. Mabuti na lang at wala kaming kasabay ngayon kaya walang makaka-kita ng kahihiyang pinag gagawa nitong hayop na ito.

"May baon kang foods? Gugutom na 'ko." Ayon at bumalik na ang tonong pambata.

Sinapian na sya ulit, Uryss. Kawawa ka na naman.

"Meron, nandito sa bag mo." Ibinangga ko pa ng sadya ang bag sa gilid nya.

"Kukuha ako, pwede?" Tanong nya, sumilip pa sa muka ko.

Tinulak ko ang muka nya palayo at nilagay sa harapan ang bag para makuhanan sya ng pagkain. Hindi pa nga nagsisimula ang exam nya ay may bawas na agad ang madami nyang baong pagkain. Puro chips, chocolates, at cream breads.

May dala rin akong Hydro flask na may lamang iced coke at yung isa ay mogu-mogu, at syempre para sakin yun. Hindi naman pwedeng sya lang ang busog, dapat ako rin.

"Itong cream puff na lang, don na sa room yung chips." Inabutan ko sya ng CnC na cream puff.

Sa sobrang tamad nya ay ako na ang nagbukas at nagsubo sa kanya ng tinapay. Saktong bukas naman ng elevator at may mga estudyante na naka abang sa labas. Automatic na napunta sakin ang mga tingin nila, lalo na ang mga babae.

"OH MY GOD!" Biglang tili ng mga ito na nagpa igtad sakin sa gulat..

What the fuck? Lahat ba ng Accountancy students ay oa?

"M-Maurice Davids?" Utal na sabi ng isa, nakaturo pa sakin.

Hindi ko naman alam ang isasagot at napatango na lang. Bumaba ang tingin ko sa dala dala nyang iPad na may muka ko sa likod ng case. Pasimple akong napangiwi at napaatras, kamuntikan ng tumago sa malaking likod ni Aidan.

That Boy, Aidan JoshTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon