Chapter 24

716 6 0
                                    

Zena Pov

Nag grocery lang ako kasama si Manang ng makita kong may kausap syang babaeng sobrang ganda kasama ang batang babae
Kumabog agad ang puso ko ng mabilis hindi ko alam kong bakit.

Parang bumara ang kutsilyo sa puso ko sa sakit ng marinig ko ang sabi ni Manang.

"Anak, may anak na si Ace," ani naman ni manang kaya lumambot ang tuhod ko ng marinig ang anak.

Hindi sya si Emma?
May anak si Manang na isa pa? May anak din itong babae?
Sino sya?
Ang ganda nya...

"Anika, hindi kana pwedeng pumasok sa buhay ni Ace. May anak na sya, matagal na syang naka move on sayo anak," ani naman ni manang na rinig ko kaya biglang namuo ang mga luha ko.

Anong naka Move on?
Sya ba ang ka relasyon ni Ace noon?
Sya ba ang ibig sabihin ni ate Malena? Na may naging kasintahan si Ace na umabot sa puntong willing syang e buwis ang buhay nya para sa kanya?
She's Anika?
"Wala akong paki, e babalik ko si Ace sakin. At sa kin sya babagsak, may anak sya sa akin" ani naman nang babae kaya halos mapa luhod ako sa pinag tataguan ko habang naka takip ang dalawang kamay ko sa bibig ko para di maka pag ingay.

M-may anak sila?
No please pano ako?
May anak kami ni Ace, alam kong sakanya sya babagsak alam kong sya ang mag wawagi.
Alam kong sa kanya uuwi si Ace.
"Kahit na anong sabihin mo mama, wala akong paki" ani nya bago sumakay sa kotse kaya agad akong nag ayos at tumakbo sa entrance dala dala ang mga gamit.
"Oh hija pasensya natagalan ako sa pag cr" ani naman ni manang sakin na kinuha ang mga gamit na dala ko.
Talaga manang?
Cr talaga o sa anak mo?

"Manang may tanong ako?" Ani ko na nasa harap si manang habang ako nasa likoran
"Sige hija ano yon?" Tanong ni manang sa akin na humarap pa
"Gusto kong maging honest ka sa akin" ani ko naman na ngumiti sa kanya
Napa lunok sya kaya natawa ako para naman di mahalata ni manang.
"Ano yon?" Ani naman nya kaya ngumiti ako bago sumagot
"Manang gano katagal naging relasyon ni Ace si Anika?" Deritsong sagot ko.
Kinabahan sya at umiwas ng tingin sakin humarap sya sa bintana at sunod na napa lunok kaya natawa ako.
"H-hija?" Ani naman nya kaya mas natawa ako
"Bakit po manang? May problema po ba?" Ani ko naman na tumingin sa kanya.
Hanggang sa hindi sya nag pakita kay Ace ilalayo ko sya.
Ayaw kong iwan nyako.
Ayaw kong sa kanya sya babagsak sa kanya sya uuwi.
"You don't need to hide the truth manang" ani ko naman na tumingin sa bintana

"Walang lihim na natatago habang buhay" dagdag ko ulit kaya tumulo ang luha nya
"Hija pasensya na" ani nya kaya tumango ako
"Rinig ko at nakita yong totoo. Wala na kayong itago pa sa akin maliban nalang kay Ace. Alam kong hindi nya ito nalaman at hindi nya malalaman" sagot ko naman at bumaba ng sasakyan ng maka rating na kami.
Agad akong pumasok sa kwarto at umiyak.

Hating gabi na tulog na tulog si Ace kaya lumabas ako ng bahay.
Iniwan ko ang mga gamit ko maliban sa pera ko.
Pumara ako ng cab papuntang convenience store nagutom ako pero ayaw kong kumain sa bahay ni Ace.
Wala akong gana sa lahat simula nong malaman ko ang totoo.
Tahimik akong kumain habang naka harap sa daan kong san unti lang ang dumadaang mga sasakyan.
"Matagal na kayong nag sama" boses ng babae na narinig kona bago palang kaya tumingin ako sa kanya.
It's Anika...

To Be Continued

Accidentally Pregnant With A Billionaire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon