Chapter 40

883 10 2
                                    

Zena Pov

"Ale" sambit ko naman kay ale ng makita ko syang nag aayos ng mga gamit nya sa kwarto nya kaya pumasok nako at sinara ang pinto baka sakaling may maka kita sa amin.

"Z-zena" kabadong sambit nito sa akin kaya huminga muna ako saka dahan dahan lumapit sa kanya.

"Aalis kana po ba?" tanong ko sa kanya, nag iwas sya ng tingin sa akin, at nag patuloy lang sa pag lalagay ng mga damit sa malaking maleta nya.

"Ale" mahinang boses ko at umupo sa tabi nya, pansin kong tumulo ang luha nya kaya napa tikom nalang ako ng bibig.

Ayaw ko po kayong makitang nasasaktan, pero mas masakit ho sa akin makita ang mama ko na nasasaktan... ale, ikaw po ang kasama ko sa mga panahong walang wala ako. Maraming salamat sa lahat ale.

"N-na naasikaso kona pala ang inutos nya sa akin, about sa kasal ng mama mo" ani naman nya na di tumitingin sa akin.

Napa lunok nalang ako, at hinakawakan sya sa balikat.

"P-pasensya kana ale" ani ko at nag pigil ng luha, alam kong ano mang oras papatak nato.

"Ako dapat ang humingi ng pasensya sa inyo Zen" ani naman nya na tumingin sa akin, malungkot ang boses nya.

"Dahil di ako naging ma ingat, pasensya kana" mahinang sabi nya at sinirado ang maleta nya saka tumayo.

"Wag kang mag alala zena, aalagaan ko ang batang to. Sisiguradohin kong hindi sya makaka disturbo sa inyo" ngumiting sagot nya, alam kong pilit lang ang ngiting yon

"Ale" pag tawag ko at tumayo nadin, pinanood ko syang nag ayos ng iba pa nyang mga gamit para ilagay sa ibang maleta

"Ale ihatid ko po kayo sa airport" ani ko naman, para naman maka bawi din kahit unti lang.

"Nako hija, kaya namin ng anak ko salamat" ani nya, nadurog agad ako sa sinabi nya.

Napakagat nalang ako ng labi at nag pigil ng luha,pero diko kinaya.

Lumapit ako kay ate malena at niyakap sya, saka kuna binuhod ang mga luhang kanina ko pa pinigilan.

"Ale I'm sorry" luhang sambit ko kay ale at niyakap ng mahigpit.

"Pasensya po kong lalaki ang anak nyo ng wala ang ama nya, na wala sa tabi nya si papa" ani ko at hinawakan ang mukha nya.

"I'm sorry" ani ko naman at halos lumuhod na.

"A-ano kaba zena, ayos lang" ani naman nya at tinulungan akong tumayo pero nag mamatigas ako.

"Ale" bulong ko at umupo na sa malambot na kama.

"Kaya kong alagaan to okay" ani nya at niyakap ako kaya niyakap ko nalang din sya.

I'm sorry ale, alam kong kailangan ng ama ang anak mo. Kailangan din namin si papa eh. Kailangan ko din sya, kailangan namin sya anak nya din kami.

"Maraming salamat sa lahat ale" sambit ko at pilit na ngiti lang ang binigay sa kanya.

𐙚 ‧₊ 🧸: ✨️ : ও ₊˚.

"Aalis po muna ako pa, ma" ani ko, naman habang bumaba ng hagdan.

Ngayon ang flight ni ale pauwi ng luzon nag volunteer akong ihahatid sya sa airport, sinigurado kong walang makaka alam.

"San ka pupunta?" ani naman ni Ace, huminga muna ako bago humarap sa kanila.

"Ihahatid ko ang kaibigan ko sa airport" sagot ko at umiwas nang tingin sa kanya.

Accidentally Pregnant With A Billionaire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon