Zena Pov
Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko dahil sa tingin nang batang lalaki sa akin.
May kong anong kirot, saya at sakit akong naramdaman habang naka tingin din sa bata.
"Okay lang po ako," masayang sambit nang bata habang dahan dahan tumayo kaya tinulungan kona.
He looks like Khairo... kumusta na kaya sya buhay pa kaya sya?
Ang cute nang batang to, ang gaan sa feeling.
"May sugat ka, halika gamutin natin yan malapit lang naman kotse ko rito," mahinang boses ko sa bata.
"Okay po," sagot nang bata sa akin syaka sumunod sa pag dampot ng gamit ko na nahulog
Ang cute...
Tinulungan akong mag pulot at ipasok sa paper bag na dala ko ang maliit ay binuhat nya at ang dalawang malalaki ay binuhat ko din.
Pinasok ko din agad sa likoran nang kotse ko ang mga binili ko.
Di pa ako nag sasalita nang pumasok ang bata sa backseat nang kotse.
Natawa naman ako dahil ang cute nya tignan nang buksan nya ang pintoan.
Kaninong anak to? Bat ang cute... oh god please.
Pumasok din agad ako sa backseat para gamutin ang batang lalaki.
"Ano pong pangalan nyo?" mahinang tanong nya.
Tumingin naman ako sa kanya at napa ngiti hindi ko alam kong bakit.
"I'm Zena Montefalco" mahinang sagot ko sa bata.
"Ang ganda po nang name nyo," ani nya na ngumiti pa sa akin.
Hindi ko alam pero sobrang gaan nang feeling ko sa kanya, lumambot ang puso ko sa batang to. Ang saya ko kapag kasama to kanina lang malungkot ako kakaisip kay Khairo pero ngayon, bakit tila naka limutan ko lahat yon.
"Ikaw ano bang name mo?" tanong ko sa kanya sabay ngiti.
"Ako naman po si Ruru, 5 years old po," ani naman nya sabay kindat kaya natawa ako.
Matapos kong lagyan nang band aid ang sugat nya agad ko namang binuksan ang sasakyan.
"Nasan ang mga magulang mo?" tanong ko sa bata diko na mapigilang sagutin pa dahil diko alam pano napadpad ang batang to don sa parking lot.
Binubully pa talaga.
"Ayaw ko pong balikan sila, masama po sila," ani naman ng bata ang nalungkot.
Yumuko naman ang bata, biglang kumirot ang puso ko nang makitang lumuha na pala sya.
Halatang na trauma, di ko alam kong bakit kumuyom ang kamao ko pero sa huli bumuntong hininga nalang ako.
"Palagi po kasi kaming binugbug nang kapatid kong babae, pag nasa public place kami ang bait nila pero kapag nasa bahay naman kami ang sasama nila," ani naman ni Ruru.
"Ate isama nyo po ako please parang awa mo na," sambit nang bata sabay hawak sa kamay ko.
Ang lambot ang cute ng kamay nya, parang si Ace lang pero mini version.
"Di ako maka sigurado Ruru, pero sige gagawin ko kong yan ang gusto mo," ani ko naman na malambot na boses.
Biglang niyakap ako ng bata, parang batong matigas akong naka tingin sa bata.
Saka sunod sunod ang pag lunok pero nawala rin iyon, sobrang lambot at gaan nang feeling ko.
Sa huli niyakap ko din ang bata.
Habang tinignan ko ang labas nang bintana may natanaw akong batang babae sa tumakbo mula sa malayo papunta sa isang kotse di pa naman yon naabutan ng lalaking may hawak na kotsilyo kilala kona agad.
"Kesha!?" bulong ko saka tumakbo agad, binaba ko ng dahan dahan ang bata at lumabas agad nang sasakyan.
"Kesha!" sigaw ko, agad dinampot nang lalaki si Kesha pero bago paman nya yon mabuhat sinipa ko na agad ang ulo nya kaya nabitawan ang si Kesha.
"Paki alamera ka!" sigaw nya at binato ang kotsilyo pero nailagan ko iyon.
Binunot ko ang baril ko sa nakatagong dress ko.
Umatras naman sya kaya agad kong binaril sya buti Silencer ang dala kong baril kaya hindi yon nag ingay.
Walang buhay na nakatihaya sya sa lupa kaya bumaling ang tingin ko kay Kesha.
"Ruru!" sigaw ni Kesha sa lalaking...
"Ruru..." bulong ko nang mahina na naka tingin sa bata.
"AHHH!" may kalasang sigaw nang matamaan ako ng bala sa binti ko.
"Bwisit!" sigaw ko sa lalaki at inagaw sa kanya ang baril bago sya pinutukan nang pangalawa.
"Tita Zena!" sigaw ni Kesha sa akin kaya napa tingin ako sa kanya.
Niyakap nya naman agad ako kaya gumaan ang paki ramdam ko.
Inalalayan ako ng dalawang bata papuntang kotse.
"Tita ayos lang po kayo?" tanong ni Kesha sa akin kaya tumango ako habang hawak hawak ang binti ko dahil dumudugo.
"Kesh hand me the phone," ani ko kag kesha habang tinuro ang passenger seat.
Mabilis nya naman iyon kinuha at binigay sa akin.
Tinawagan ko agad si Zein na agad naman nyang sinagot.
"Oh bakit nanaman ba!" iritang sambit nya.
"Help me," mahinang sambit ko kay Zein.
Halatang lumambot ang puso nya ng marinig ang hinihingal kong boses at may daing na mahina.
"Ate anong nangyari? Saan ka? Ayos kalang ba? Pupuntahan kita ate... teka lang," ani naman ni Zein na sunod sunod ang tanong sa akin.
"Track my location," ani ko na pumilipit pa sa sakit.
Diko nasabing nandito si Kesha dahil e surprised ko lang sya pag ka rating pero...
"Kayong dalawa Ruru! Sumunod kayo sa akin!" sigaw nang babae na binuksan ang sasakyan saka hinila si Ruru at si Kesha.
"What the!" iritang sambit ko na halos kaladkarin nya si Ruru.
"Khairo," may kalakasang boses ko pero napa hinto naman agad ako ng masambit ko iyon.
What the? Ano bang tinatawag ko haytss.
Agad kong tinakbo ang babae na kinaladkad ng hawak sina Kesha at Ruru.
"Bitawan mo sila!" malakas na boses ko saka hinila ang buhok ng babae.
Nabitawan nya naman agad si Ruru at Kesha.
Sumalpak si Ruru sa sahig kaya sa galit ko sinipa ko ang babae.
Tumama naman ang ulo nya sa side mirror na isang sasakyan.
"Mom!" boses ng isang batang lalaki na agad tinakbo ang ina nyang dumudugo ang likoran ng ulo unti.
"Kesha ayos kalang ba? Ruru ikaw okay kalang ba? Gusto mong dalhin kita sa hospital? Baby mag salita ka..." mangiyak iyak kong boses na tanong ko sa batang lalaki.
Hindi ko alam kong bakit.
"AHHH!" daing ko naman at bumagsak ang katawan ko sa lupa dahil sa balang tumama sa kabilang binti ko.
"Tita!" tinulungan naman agad ako ni Kesha.
"Hayop ka!" sigaw nang babae na kumaladkad kay Ruru at Kesha.
"Don't you dare!" boses ng babae sa likoran at kilala ko yon.
To Be Continued
BINABASA MO ANG
Accidentally Pregnant With A Billionaire (COMPLETED)
RomanceISANG BABAENG TUMULONG LANG SA LALAKI NA DALHIN SA HOTEL ROOM PERO DI INASAHAN ANG NANGYARI SA KANILA SA LOOB NG KWARTO.