Zena Pov
"Dito lang ako kasama si mama," ani naman ni Zein habang kumakain kami.
Napa lunok naman agad ako.
Mas mabuti siguro pag ako nalang mag isa? Kaya ko naman ang sarili ko.
"Dito nalang kayo, ako na ang aalis mas gusto ko din kasing mag isa," ani ko naman kaya umiling si mama nong tiningnan ko sya.
"Sasama ako sayo anak," ani naman ni mama pero umiling din ako sa kanya.
Ano to pasa pasahan?
"Ma kaya ko po ang sarili ko," ani ko na sa pilitang ngumiti.
"Pero?" ani naman ni Zein. Nag iwas nako ng tingin sa kanila ayaw ko kasing pangunahan nila ako nang plano ko.
"I can handle this don't worry," ani ko naman kaya tumango nalang sila pero alam kong labag yon sa kalooban nila.
Pag ka rating ko sa Hacienda na sinabi ni manong driver na nag papa renta daw pinuntahan ko na sa Mexico nagulat ako dahil walang sinabing rentahan daw bagkus ay para daw sa babaeng nag Ngalan na Zena Monteverde at ako yon kaya mas nag taka ako.
Sino ba naman kasing di mag tataka e free? Wala akong babayadan sana all?
Makapag tipid pako nang pera. Para sa kakailanganin ko para sa little baby ko.
Walang pag alinlangang pinapasok ako ng kasambahay na babae, dito sa Hacienda.
Malaki ang Hacienda, kaya mas nag taka ako eh? Driver naman nang cab si manong panong may Hacienda at para pa talaga sakin?
Weird. Weirdooooo
Nag ayos nako ng mga gamit ko sa kwarto sinabi sakin ng aling ley sa akin.
Block ang signal dito maliban nalang kapag pinasabi kong buksan dahil may gagawin ako.
Syala dito dahil lahat nang kailangin ko nandito lahat sa bahay.
...
2 months na ang lumipas, tatlong buwan nadin ang tyan ko halata na yong tyan ko dahil sa bumb nya.
"Ale," ani ko naman kay Aling Malena sya ang taga bantay didto.
"Yes hija?" ani naman nya kaya napa iling nalang ako kahit diko alam kong bakit.
Naaalala ko naman si manang kumusta na kaya sya?
Miss kona sya."May contact po ba kayo sa lalaking nang pa asikaso sakin nang bahay nato?" ani ko kay Ale.
Palagi kong tinatanong sa sarili ko kong sino yong lalaking nasa likod nato pero iniiba ni Ale yong usapan.
Ale ang tinawatag ko kasi mas gusto ko.
"Wag nyo nang ibahin ang usapan, kahit ngalan nya lang po," ani ko naman sa kanya kaya tumango sya, inabangan ko ang pag sasalita nya.
"Lux Montervede po, ay Kent Lewrick po," ani naman ni Ale kaya nanlambot ang tuhod ko dahil sa narinig kong Lux pero nag Kent eh.
"Ale maging honest ka po anong totoong ngalan nya," seryosong sabi ko kay ale kahit naguguluhan ako.
"Lux Monteverde, ang ama mo ang may ari ng Hacienda nato. Ang nag panggap ng driver sa lahat ng oras," ani naman ni Ale kaya nanlambot ang tuhod ko at humalpak ako sa sahig dahil sa narinig.
"H-hindi pwede," ani ko ng mahina.
Sa loob nang mahabang panahon si papa ang kasama ko? Nag jo-joke lang to.
"M-matagal ng pinatay si Papa eh patay na sya wag nyo naman pong ipa alala pa " ani ko na humagulgol at nag panggap na natawa.
Matagal nang patay si papa, matagal na syang naka lamay matagal nang tulog si papa ano bang sinasabi nya?
"Hija," ani naman nya na umupo nadin para yakapin ako pero tinulak ko sya nang malakas.
Sinungaling!
"Patunayan nyong Lux Monteverde talaga yang sinasabi mo dahil matagal nang patay ang papa ko," sigaw ko sa kanya pero umiling sya at pilit lumapit sa akin pero tinutulak ko lang sya.
"She don't need to proved it. I am the one who will proved it," boses ng lalaki sa likoran ko kaya sunod sunod ang pag lunok ko at ang pag tayo ng balahibo ko, ang familiar nyang boses.
Pero hindi impossible matagal nang patay si papa.
Nilingon ko agad yon at laking gulat ko nang makita ang mukha nya, at naka tayo mismo."A-ama?" mahinang bulong ko pero hindi sya yon eh.
"Manong," ani ko naman ng mahina at mag iwas na sana ng tingin.
Nagulat ako ng hubadin nya ang disguise na suot nya.
"P-papa" ani ko na nag si tulo ang mga luha ko ng makita ko ang mukha ni papa, mabilis akong tumakbo para yakapin sya.
"Papaaa." Malakas na sigaw ko at niyakap si papa nang mahigpit.
Humagulgol akong niyakap ng mahigpit si papa.
Akala ko patay na sya, sino ang nasa puntod kong ganon.
"Ang daya mo papa ang daya mo," ani ko naman ng mag bitaw ang yakap namin at tumulo ng tumulo ang luha ko.
"Di nyo sinabi saking ikaw pala yong driver, ang daya mo sana noon palang kilala na kita," Humagulgol kong sabi kaya pinunasan nya ang luha sa mga mata ko bago nag salita.
"Kong sasabihin ko sayo noon malabong makilala mo ako at baka don pa lalayuan muna ako, mahirap na anak, matagal din akong nag ma-manman sa inyo nang kapatid mo at mama mo." ani naman nya kaya mas humagulgol pako nang malakas.
"Papa buhay ka, buhay ka akala namin patay kana," malakas na boses ko sabay mahigpit kong niyakap si papa.
To Be Continued
BINABASA MO ANG
Accidentally Pregnant With A Billionaire (COMPLETED)
RomanceISANG BABAENG TUMULONG LANG SA LALAKI NA DALHIN SA HOTEL ROOM PERO DI INASAHAN ANG NANGYARI SA KANILA SA LOOB NG KWARTO.