Chapter 51

462 8 10
                                    

Zena Pov

"Ma, aalis lang po may pupuntahan lang," mahinang boses ko at kinuha ang bag.

Kakausapin ko kasi ang mga tauhan ko sa Bulacan para sa ipapagawa kong kasunod na bahay.

"Isama mo ang kapatid mo" ani naman ni mama.

Tumaas ang kilay ko habang naka tingin kay Zein na ngumisi sakin habang hawak hawak nya ang mga anak nya.

"Kaya ko ang sarili ko ma" sagot ko naman at nag iwas ng tingin.

"Zena" may kalakasang boses ni mama.

"Promise uuwi ako ng safe at m-malapit lang n-naman" ani ko sabay ngiti.

"I'll go with you wife" ani naman ni Ace.

"Shut up! Dito kalang walang sasama" sagot ko at kinuha ang bag.

"Zena anak wag makulit" ani naman ni mama kaya napa busangot ako.

"Mama please?" patanong na sambit ko kaya sa huli tumango nalang si mama.

Ngumisi ako kay Zein na ngayon naka irap sa akin.

Lumabas din agad ako sa bahay at nag taxi nalang papuntang terminal.

Di naman nag tagal ay naka rating na ako sa terminal ng bus, mabilis lang akong naka kita ng masasakyan ko kaya pumasok nako at pumwesto sa may bintana.

Magugustuhan kaya nila mama ang pinagawa kong bahay?

Hindi nag tagal naka rating na ako sa bulacan at sinalubong ako ni Auntie Marie.

"Hija," ani nya na lumapit sa akin kaya ngumiti ako.

"Hi Auntie," sagot ko naman at nag mano.

"Sya nga pala hija, iyong ipapagawa mong bahay tignan mo muna ang pwesto" ani naman ni Auntie kaya tumango ako

Tiningnan ko ang Mansion ni Zein malapit ng matapos at tatlong palapag iyon kaya napa ngiti ako.

Kaharap lang din ng bahay ni Zein ang bahay ni Mama na dapat para sa kanilang dalawa ni papa pero para nayon kay mama ngayon dahil nag hiwalay sila ni papa.

Sa gilid ay may isang bakanteng lote na para sa amin ni Ace.

"Auntie" mahinang boses ko at lumapit sa kanya.

Kinausap nya ang isa sa mga tauhan ko.

"Yes Hija?" mahinang boses nya at sinirado ang maliit na folder.

"Matanong ko lang kaninong lote iyon?" tanong ko at tinuro ang isang mahabang lote nasa unahan ng bahay namin.

"May nag mamay-ari nyan Hija, pag ka alam ko bilyonaryo ang nag mamay ari nyan" sagot naman ni manang kaya tumango nalang ako.

Balak ko sanang tayuan yon ng isang malaking bahay kong san pwede kaming lahat mag tipon tipon dahin malaking pwesto iyon at mataas na bahay ang magagawa ko don.

"Bakit mo naman natanong hija?" may pag tatakang tanong ni Auntie.

"Balak ko sanang tayuan ng limang palapag na bahay manang para sa amin lahat, kong sakaling gusto namin mag tipon ng mga pamilya ko pwede kami jan," ngiting sagot ko naman sa kanya at tumingin sa bakanteng lote.

"Nako hija malabo ata yan, dahil may plano ang may ari jan," sagot naman ni manang at tumingin din sa bakanteng lote.

Tumango nalang ako kay Auntie at nag iwas ng tingin, pumasok ako sa ginawang bahay para kay Zein para sa pamilya nya.

Laking ngiti ko naman ng makita iyon at malawak.

"Akala ko hindi ko ma abot... pero hito na" bulong ko sa sarili ko at habang naka tingin sa bahay na ginagawa din para kay mama.

Accidentally Pregnant With A Billionaire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon