Chapter 28

917 8 0
                                    

Zena Pov

Maaga akong nagising tulog padin ang dalawang buhay ko si Khairo at Ace.

Naka patong si Khairo sa dibdib ni Ace kaya mahina akong natawa
Kinuha ko ang phone ko at pinictureran silang dalawa.

Mahimbing na natutulog ang dalawa, tumayo muna ako para maligo.

Di din ako natagalan natapos nako, tulog padin silang dalawa kaya lumapit ako kay Ace.

Inayos ko ang unan sa may bandang ulo nya para maka higa sya ng maayos.

Bumaba naman agad ako pag ka tapos non para mag luto, nakita kong walang tao sa baba siguro tulog pa sila.

Papunta na sana ako sa kusina pero narinig kong may boses sa may beranda.

"Anak wag na wag kang gagawa ng ikakapahamak mo," boses ni manang, napa hinto naman ako at nag tago para marinig sila.

"Wala ka na don!!" Malakas na boses ng babae na rinig na rinig dito.

Nilayo ni manang ang cellphone don.

"Kung ano man ang hiningi mo hindi ko iyan susundin. Ikakapahamak mo ang ginawa mo Anika, may asawat anak na si Ace," ani naman ni manang kaya palihim kong kinuyom ang kamao ko.

"Anika, makinig ka kahit ngayon lang anak-," di na natuloy ni manang dahil nag off na agad ng phone.

Agad akong umalis don bago pa maka balik si manang.

Nakita ko si Emma sa gilid naka upo
Narinig nya kaya yon?

1 month passed

Mag isa lang ako ngayong pumunta sa park dahil e le-libre na daw ako.

Kanina pako dito sa park wala paring Ace nakikita ko, napag pasyahan kong mag libot muna dahil madamin ding bilihin sa gilid.

Nang maka bili ako ng Iced Coffe saktong may nakita akong babae at lalaki mismo sa harapan ko di kalayuan na nag yakapan.

Sumikip bigla ang dibdib ko, nanginig ang kamay at nanlambot ang tuhod ko ng makita kong sino yong dalawang yon.

"Ace, Anika?" Mahinang sambit ko habang naka tingin sa kanila.

Humigpit ang hawak ko sa iced coffe na binili ko dahil sa nakita ko.

Hinalikan ni Anika si Ace sa labi kaya nag si tuluan na ang mga luha ko.

Ang masakit ay nakita ang batang tumatakbo papalapit kay Ace.

Sunod sunod ang pag tulo ng luha ko ng yakapin ni ace at buhatin ang batang babae.

"Daddy," tawag ng bata kaya parang di ako maka hinga sa nararamdaman ko, nahulog ang iced coffe na binili ko dahil sa panginginig at sakit na nararamdaman ko.

Sabay silang umalis, mag ka holding hands pa silang dalawa hanggang sa umalis na sila...

"Yon lang pala pinunta ko dito, haha," bulong ko sa sarili ko.
Tumalikod ako at pinunasan ang mga luhang ayaw pa ampat.

Hanggang sa diko na namalayang nasa kalagitnaa na pala ako ng tulay nag lalakad, wala sa isip akong tumawid.

Tulala lang akong nag lakad, dahil sa nakita ko hanggang sa...

"AHHH!!" May kalakasang boses ko ng may sasakyan mabilis ang takbo papunta sa kinaroroonan ko.

Napa upo sa sahig sa gulat kasabay sa panakit ng may bandang puson ko,tumagilid ang luha ko sa sakit nang nararamdaman ko.

Napa hawak ako sa tyan ko at napa ngiwi dahil sa sakit.

"The fuck!! Miss ayos kalang?" ani naman ng lalaki na lumapit sakin.

"A-ahh," ani ko ng mas hinawakan ang may puson ko sa sakit.

Pumilipit ako sa sobrang sakit at napa pikit nalang.

"Dman! Let me bring you on hospital," ani naman nya pero umiling lang ako.

"No! Your hand is bleeding let me carry you" aniya, mag sasalita pa sana ako ng binuhat nyako.

Wala nakong nagawa kundi ang sumama din sahil dumugo din pala ang kamay ko.

Agad syang nag pa andar ng sasakyan nong maka pasok ako sa sasakyan nya at pinaharurot agad iyon.

"Miss, I'm really sorry, I didn't mean that," nag alalang boses ng lalaki pero tumango lang ako.

Kasalanan ko din naman yon dahil di ako lumingon.

Dahan dahan akong naka ramdam nang antok, unti unti akong napapikit pero ang salita ang lalaki.

"Miss?" ani naman ng lalaki kaya nilabanan ko ang pag pikit saka tumingin sa kanya.

"Kuya may malapit po ba ditong hotel?" ani ko naman na walang naisip kong anong sasabihin ko pero.

Nagulat naman sya siguro dahil sa pag tatagalog ko kaya nag salita nalang ako nang english.

Takte naman to mapapalaban ako dito nang english jusko.

"Ay sorry. I mean is there is-" di ko na natuloy ng mag salita sya, tumaas ang kilay ko nang mag salita sya.

"Filipina kadin?" ani naman nya kaya nagulat din ako

Ehh??
Shuta pinag english pako.

"O-opo" ani ko naman kaya tumango sya at natawa
Diko nalang sya pinansin at tumingin nalang sa bintana.

"Yes meron, pero dadalhin muna kita sa hospital," aniya kaya tumango nalang ako.

English english pa pinoy din naman, lalaki talaga..
Sauna lang magaling.

To Be Continued

Accidentally Pregnant With A Billionaire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon