Chapter 52

761 18 0
                                    

"Suotin mo na'to para maka pahinga na ako." Saad ko sabay bigay ng puting damit.

Binato naman niya ito. "Ayoko, ang init sobra." maktol niya kaya napailing nalang ako, nag lakad naman na ako oakabilang side at humiga ng naka talikod sa kanya.

Ilang sandali lang naramdaman ko ang mainit na braso ni Maxwell. "Bakit naka talikod ka sa akin? Mabaho ba ako, nababahuan ka sa amoy alak ko?" Hindi ko naman ito sinagot dahil medyo nainis ako dahil sa pag tabig niya sa tyan ko.

Umalis naman ito sa kama. "Haystt..." singhal ni Maxwell sabay punta sa banyo.

Nang humarap ako sa pinto ng cr nagulat ako saktong bumukas 'yung pinto at lumabas doon si Maxwell na naka boxer lang kaya kita ang bukol sa gitna ng hita nito na tumatalbog bawat hakbang ni Maxwell.

Napatakip naman ako ng mata ng matahuan ako. "Mag suot ka ng short!" sabay bato ng short na galing pang bench.

"Laki no? Laging handa 'yan kahit lanta." saad nito kaya binato ko siya ng unan na nasalo niya naman. "Matulog kana, inom pa!" giit kong saad sabay talikod ulit.

Niyakap naman ako nito ng mahigpit sa likod ko kaya dama ko ang ang mainit nitong katawan kahit naka kumot ako.

"Mabango na'ko bakit ayaw mo parin ako yakapin?" medyo malungkot nitong turan.

"Are you mad at me because what I did to your tummy?" dugtong nito kaya napaharap na ako.

"Sinong hindi magagalit tinabig mo ang tyan ko ang sakit non!" niyakap naman niya ako kaagad.

"Sorry na, lasing naman kasi ako." Sabagay tama naman siya, malay ba n'yang ako 'yon.

"Matulog kana nga, maaga kapa bukas." hindi naman na ito umimik ng ipatong nito ang ulo sa balikat ko at sumiksik sa leeg ko.

Tinapik-tapik ko naman ito hanggang sa makaramdam ako ng antok.

Nagising naman ako ng wala na sa tabi ko si Maxwell kaya umupo ako at tinignan ang oras, nanlaki naman ang mata ko sa nakita.

2:34 na pala ng hapon kaya pala wala na si Maxwell dahil 7:00 ang pasok nito.

Agad naman akong bumangon at dumeretso sa banyo para maligo.

Ilang sandali lang lumabas na ako at nag bihis ng skirts at double liner, nag make-up lang ako saglit at bumaba na, gusto kong gumawa ng meryenda.

Nang maka baba ako agad akong nag Sabi kila Tita sa gagawin ko at pumayag naman ito kaya tinawagan ko muna si Maxwell para tanungin kung nag meryenda na siya.

*ON CALL*

"Hubby, nag meryenda kana ba?" tanong ko gamit ang malambing na boses.

"Hindi nga eh, pag hapon kasi hindi kona inuutusan ang secretary ko dahil busy rin ito." saad nito kaya napa ngiti ako.

Yes!

"Ganon ba, dalhan kita pwede ba? Mag ba-bake kasi ako ng cookies at cake." masaya kong turan habang binabasag ang itlog.

"Go on baby, medyo gutom narin ako. Ingat ka lang sa paggawa 'wag masyadong mag pagod." pa-alala nito sa akin bago pinatay ang tawag kaya nag simula na akong mag bake inuna ko muna ang cookies dahil madali lang ito sunod ang cake.

Mahigit isang oras ay natapos na ako kaya binigay kona ang isang cake at isang tray ng cookies sa kasambahay at para sa bodyguard malaki naman ang cake at marami-rami naman ang cookies kaya kaysa na ito sakanilang, ang isa naman kila Tita at ang pang huli ay ang kay Maxwell ang sobra nito ay ibibigay ko kila Tita.

Andito na ako sa lamesa hinahanda ang baonan ni Maxwell bili ko ito sa super market nung nakaraan ng makita kong sale ito kaya agad akong bumili ng mahigit 10 piraso bawat isa sa mga binibili ko.

Dalawang slice ng cake ang nilagay ko sa baunan at limang piraso naman sa cookies, nang matapos kona nilagay kona sa bag at tinanggal ang apron.

"Tita, punta muna ako Kay Maxwell bigay ko lang ito." paalam ko habang nakain na ito pati narin ang mga kasambahay at bodyguard sa kusina.

"Sige, ingat."

"Ingat."

"Balik ka kaagad."

Saad nila kaya ngumiti lang ako at lumabas na, sumakay naman ako sa Van.

"Saan po pala tayo ma'am?"

"Kay Maxwell po hahatiran ko lang ng meryenda, pag uwi po natin kain narin po kayo masarap po 'yon my halong pagmamahal." my pag yayabang ko pang turan kaya tumango ito at pinaandar na ang Van.

Nang tumigil ito agad akong bumaba at nag lakad papasok ng company ni Maxwell, madami naman bumabait sa akin hanggang sa floor na ako ni Maxwell kaya bumabait rin ako pabalik habang my ngiti sa labi.

Nakapasok naman na ako sa office ni Maxwell kaya niyakap kaagad ako nito.

"Hi baby ko." masayang turan nito at kumalas na sa pagkaka-yakap.

Inabot ko naman sa kanya ang bag na my lamang baonan. "Kainin mo 'yan, masarap 'yan." tuloy ko sa binake ko.

"Syempre masarap 'to Misis ko nag luto eh." malambing nitong turan sabay halik sa akin.

"Uuwi na ako papahinga narin ako, hindi narin ako makaka sabay sa dinner need ko ng mahabang rest."

"Sige lang, i understand para narin wala akong stress." hirit pa nito sa huli.

"Chee, alis na nga ako." pag tatampo ko kunyari.

"Joke lang naman." sabay yakap sa akin at hinahalik-halikan ang leeg ko kaya nakikiliti ako. "Oo na, uuwi na ako si manong nasa labas din eh." tumango naman ito at dinampian ako ng halik.

"Byee baby ko. I love you."

"Byeee." nag kunyari naman akong Hindi ko narinig ang sinabi niya sa huli, Hindi naman na ako nagulat ng hawakan ako nito sa pulsuhan.

"I love you."

"Opo, bye."

"I said I. Love. You!"

"Thank you, byeee." pigil tawa kong saad dahil halatang galit na ito.

"Sabihin mo I love you too. Hindi thank you o sige!" usal niya kaya natawa akong niyakap siya.

"I love you too, hubby. Tatampo kaagad ih."

"I love you."

"I love you too, alis na ako kainis bibigay ko lang naman 'yan." sabay lakad ko na palabas ng office niya habang siya rinig na rinig ang malakas nitong tawa na na mapang-asar.

Naka pasok naman na ako sa Van. "Halikana po manong." umandar naman na ang ang Van.

Accidentally Pregnant By Famous Billionaire (Under Editing)Where stories live. Discover now