Chapter 26

978 23 0
                                    

Medyo malayo naman siya sa akin habang ako tinitignan lang siya.

Bigla naman itong tumingin sa likod kaya nag katitigan kami.

"Come here!" inilahad naman nito ang kamay niya pero halata parin sa boses at mukha ang galit.

Umiling naman ako. "Ayoko. Uuwi na 'ko!" sigaw ko pabalik.

Nag lakad naman ito sa pwesto ko. "Halikana. 'Wag mo 'kong simulan, kahit nandito tayo sa mall sisigawan kita!" usal niya sabay hawak nang mahigpit sa pulsuhan ko.

"Masakit!" inda ko pero hindi man lang niya ako pinakinggan at mas lalong hinigpitan ang pagkaka-hawak sa akin.

Sa pag lilibot namin hawak niya parin ako nang mahigpit habang namimili nang mga damit.

Pumunta naman na kami sa counter habang hawak parin ni Maxwell.

"Thirty thousand po, Sir. Maxwell."

"Here." sabay abot ng black card na tinanggap naman ni Ate na nasa cashier.

"Let's go!" medyo sigaw niya sanay bitaw sa akin dahil sa labas ng shop na binilhan namin may mga tao.

"Ang sakit." mangiyak-ngiyak kong wika habang hinahaplos ang pulsuhan ko.

Nang makalabas kami nang mall pansin ko ang kalangitan madilim na dahil mag se-seven na. Napatagal ata kami.

"Ano ba?!" sigaw ko habang pumipiglas dahil pagka parada palang nang van agas n'yang binuksan 'yung pinto at agaran akong hinatak kaya napahawak ako sa tyan ko.

"Sabing bitawan mo ako!" sigaw ko dahil patuloy parin itong hinahatak ako papuntang kusina habang naka sunod sila Tita. Anong gagawin namin don?

Pabalikwas naman n'ya akong binitawan.

"Bakit hindi mo inamin na asawa mo 'ko?!"

"Hindi nga 'ko handa!"

"Tang inang dahilan 'yan!" hinawakan naman ako nito medyo sa mag kabilaang pisngi ko pero masakit parin dahil halatang nanggigigil siya. "'Yon na ang pagakakataon para makilala ka pero pinigilan mo 'ko!" sigaw niya sabay diin nang pagkakapisil sa mukha ko.

*Pak*

Isang malakas na sampal na ikina gulat nilang lahat pati kasambahay at bodyguard na nagbabantay.

"Demonyo ka! Oo asawa kita pero wala kang karapatan saktan ako! Sino ka sa inaakala mo?! Tandaan mo kinasal lang tayo kasi nabuntis mo 'ko kaya disisyon ko kung ipapakilala mo 'ko sa public na asawa!" namamaos kong sigaw habang naiyak habang siya nakayuko habang namumula ang pisngi.

"Ang problema kasi sa 'yo hindi mo 'ko tanggap kaya hindi mo 'ko mapakilala!" natahimik naman ako.

"Hindi naman kita sasaktan kung hindi mo 'ko sinaktan eh..." makabuluhang dagdag pa nito.

"Wala akong ginawa sa 'yo." aniya ko.

Lumapit naman siya sa akin habang umiiyak. "Akala mo lang 'yon kasi hindi ko pinapakita. Oo wala ka ngang ginagawa sa akin pero bawat salita at kilos mo nasasaktan ako!" hagulgol nito.

"Bawat tanggi at selos mo sa akin gusto kong magwala at umiyak at mag sabi nang nararamdam ko pero parang piling ko lahat 'yin na balewalain mo. Kagaya kanina sana ako 'yung kukuha nang damit na inaabot mo pero naunahan niya ako nahuli na 'ko nang mahanap kita nakuha niya na." natigilan naman ako. Hinanap pala niya ako.

"Para tapos na uuwi nalang muna ako." agad naman itong dinuro ako.

"Porket alam mo ang kahiaan ko ginaganyan mona ako! Oo. Kahinaan ko na iwan mo 'ko, kayo ni baby. Kahit nabuntis lang kita kahit papaano napamahal na ako sa 'yo. Minahal kita! Pero ikaw dama ko maski katiting wala. Lahat ipinadama mo sa akin sakit!" sigaw niya habang nahagulgol my times naman na namamaos siya kaya naiyak na ako lalo sa mga sinabi niya sa akin.

Nagagalit din dapat ako pero hindi ko magawa dahil sa mga sinabi niya. Nakaramdam tuloy ako nang lungkot at dismaya sa sarili ko.

Masyado ko s'yang nasaktan hindi ko napansin.

"S-sorry."

Ngumiti naman ito nang peke. "Kagaya n'yan bawat sorry mo agad akong nanlalambot kasi kahit ganyan ka iniintindi kita dahil buntis ka ayaw kitang malungkot. Baby, may tanong ako." aniya nito kaya napa iling nalang ako.

"A-ano po 'yon?"

"Mahal moba ako?" natahimik naman ako.

Nakakahiya umamin sa harap nang maraming tao pero sasabihin ko parin.

Ibubuka ko naman na sana ang bibig ko para umoo nang hawakan niya ako sa mukha. "O-I know ako lang nagmamahal sa ating dalawa, pero okay lang. Balang araw mamahalin mo rin ako, hindi nga lang ngayon." peke nitong ngiti sabay tawa.

"I'll go upstairs, tatapusin ko lang 'yung papeles." hinalikan naman ako nito nang dampi sa labi, saglit naman n'yang hinimas ang tyan ko. "Call me when you have something you want." malambing na wika nito na halatang napilitan sa ganong boses.

"Opo. Sorry." tumango naman ito sabay talikod at umakyat na ito habang nag pupunas nang luha.

Na guilty ako sa ginawa ko.

Mapapatawad niya ba ako pag sinuyo ko siya? Kanina sabi niya isang sorry ko lang nanlalambot na siya meaning napapatawad niya ako. Ang tanong kaya ko bang manuyo ehh...hindi naman ako sanay.

Paano ko siya susuyuin? Pa'no?

Laki nang problema ko!

Accidentally Pregnant By Famous Billionaire (Under Editing)Where stories live. Discover now