Chapter 25

992 22 0
                                    

Naka pasok naman na kami sa kid infant or tinatawag bilihan nang supply nang mga gamit nang baby.

May nag dala naman nang cart si kuya bodyguard kaya patuloy lang kaming sumusunod kay Akhiro.

"Hubby..." tawag ko ulit pero hindi ito sumagot maski lingon.

Nag taka naman ako sa kinuha n'yang damit. Pang babae. Seryoso?

"Kuya, puti kunin mo hindi mo pa naman alam gender nang baby niyo." saad ni Monica.

Tinignan naman siya ni Maxwell. "Sawa na 'ko sa pamangkin o inaanak na lalaki wala man lang babae, lagi nalang lalaki. Tyaka alam kong babae ang anak ko sure ako dahil sa napanood ko kung paano bumuo nang babaeng anak." mahabang saad nito kaya medyo natawa sila maliban sa akin dahil namimili rin ako nang gamit.

Iniwan naman nila ako dito sa damitan kaya napasapo nalang ako. Edi don't kaya ko naman mamili may pera ako!

Kumuha naman ako nang isang basket. Sabay lakad ko pabalik sa damitang nang mga baby.

Habang nag titingin nag ningning bigla ang mata ko nang makita ang isang damit. "Ang ganda." saad ko nang mapa angat ako nang tingin. Kulay pink ito na t-shirts na may design na simple lang pero napaka ganda.

Pilit ko naman inaabot 'yon pero nangalay nalang ang bewang ko hindi ko parin makuha. "Hirap!" inda ko, nagulat naman ako nang may tao na nasa likod ko na napaka lapit, hinawakan naman ako nito sa balikat kaya kung kanina naka tingkayad ako ngayon nakatayo nalang ako, napatingin naman ako kung sino ito.

Akala ko si Maxwell pero hindi, lalaki ito na medyo ka pogian at kasing tangkad ni Archer maputi rin ito.

"Ito miss. Bakit pala nag iisa ka? Asaan asawa mo?" sunod-sunod na tanong nito.

Kinuha ko naman muna 'yung damit sabay tingin sa kaniya na may ngiti. "Wala siya eh... bakit pala andito ka?" aniya ko.

"Bibili nang pasalubong sa one years old kong anak. Wala nga akong mapili." sabay kamot nito sa ulo.

"Babae ba siya?"

"Lalaki." saad nito kaya ngumiti ako.

"Dahil tinulungan mo 'ko tulungan din kita mag hanap." nag lakad naman ako kaonti malapit sa kinuhaan ko nang damit.

May nakita naman akong blue na damit na may naka sulat na 'Baby boy' at may design ito na baby face na napaka ganda talaga.

"Ito ohh...napaka ganda." pinakita ko naman sa kaniya.

Kinuha naman niya iyon. "Oo nga ang ganda. Thank you. Gagawin ko nang tatlo." saad nito sabay kuha pa nang dalawa.

"Thank you talaga sa pagkuha." pag uulit ko.

"Wala 'yon. Thank you rin sa paghanap sa akin, 'di kasi talaga ako marunong mag hanap." nahihiya pa nitong aniya sa dulo.

"Hahanap na ulit ako. Babye. Sana magustuhan nang anak mo." aniya ko.

"Oo naman. Nga pala ang sexy mo parin kahit buntis hindi ko nga nahalata kanina, nalaman ko lang nung tumagilid ka habang naka hawak sa bewang." natawa naman kaming dalawa.

"Sus...nang bola pa. Pero thank you, sige alis na'ko." tatalikod naman na sana ako nang tawagin niya ulit ako.

"Miss ito ang ganda nitong damit pang babae. Ano pala name mo?" saad nito sabay pakita, napangiti naman ako mabuti pa siya kasama ko at nag hanap nang damit sa baby si Maxwell nag sarili iniwan pa kami nang anak niya.

Kinuha ko naman ito sabay lagay sa basket. "Ganda nga, thank you. Ako nga pala si Akisha." inilahad ko naman ang kamay ko at agad na tinggap naman niya.

"Vanny." napa ngiti naman ako.

"Cute naman nang pangalan mo." bigla naman itong nahiya kaya natawa nalang ako.

"Sige punta na 'ko sa counter hinahantay narin ata ako nang mag iina ko. Bye, hanggang samuli." saad nito sabay kaway habang papalayo.

Nang wala na siya sa paningin ko humarap ako na ikina wala nang ngiti ko.

Shit!

Kanina pa ata sila nakatingin.

"Ahmmm...hi." nahihiya kong wika lumapit naman sa akin si Akhiro sabay kuha nang basket.

"Ganda naman nang love story niyo, kuha niyo inis ko!" singhal niya kaya napayuko ako.

"Tatanggalin ko 'to." higlang saad niya kaya napa tingin ako na ikina gulat ko.

"'Wag ang ganda kaya nang napili ko!"

"Alam ko kung anong pinili mo! At ito binigay nang lalaki!" aniya nito.

"Ano naman?! Akin na!" pamimilit ko.

"Ako ang tatay kaya ako mamimili, hindi 'yung lalaking 'yon!" sigaw niya kaya nahiya ako.

"Tapos ikaw din nag hanap nang ireregalo sa anak non!" tumigil naman ito sabay hilamos nang mukha na halatang nag pipigil nang iyak.

"S-sana siya nalang inasawa mo. Pinag kamalan na nga kayong mag asawa." hinawakan ko naman siya sa kamay.

"Hubby... stop na po. Sorry."

"Tapos alam mo ang masakit pa don? 'Yung totoong asawa nanonood lang sa paglalandi nang asawa niya, nakikinig sa mga tao na kinikilig sa inyo!" sigaw niya kaya napayuko ako sabay tulo nang luha ko.

"Sorry. Iniwan mo kasi ako." malungkot kong wika.

"Bakit hindi ka sumunod?!" aniya nito.

"Uwi na tayo." pag iiba ko nang topic.

"Mag hahanap patayo. Halikana 'wag mo 'kong iyakan. Sa bahay mona lang tuloy dahil hindi pa tayo tapos, iba pa 'yung kanina sa ngayon!" napakagat naman ako nang labi.

Akala ko pa naman 'yun na 'yon.

Sure iiyak nanaman ako sa pag sigaw at pag sambit nang masasakit na salita ni Maxwell.

Accidentally Pregnant By Famous Billionaire (Under Editing)Where stories live. Discover now