Chapter 54

663 21 1
                                    

Nagising naman ako ng tumama sa mukha ko ang araw kaya umupo ako at tinignan ang orasan.

Maaga pa mag se-seven palang makakaluto pa ako ng umagahan.

Naligo naman muna ako bago ako bumaba at suot ko lang dress na pang bahay lang hindi na ako nag make-up mamaya nalang siguro ako mag-aayos.

Nang makababa ako kita ko silang lahat pati narin ang kaibigan namin andito maaga nag punta, nag-uusap naman sila habang si Maxwell nakabihis na.

"Morning." bati ko kaya agad silang napalingon sa akin at ngumiti

"Himala maaga ka nagising."

"Good morning, beh."

"Morning, sis."

"Good morning, hija."
Mga bati nila sa akin lumapit naman si Maxwell sa akin.

Hinalikan naman ako nito sa nuo. "Good morning, aga mo naman." kahit my hinanakit ako sa kanya ngumiti ako.

"Wala trip ko lang, magluluto pala ako ng umagahan." saad ko sabay hiwalay sa pagkaka-yakap ni Maxwell na agad naman nitong napansin.

"Bakit iniwasan mo'ko, may problema ba? " tanong nito na ikina iling ko. "Wala namam, punta lang ako sa kusina." sagot ko ng tatalikod na ako sumigaw si Archer sa hagdanan.

"Hey, Akisha baka naman lutuan mo'ko ng umagahan masarap ka kasi mag luto!" kaya agad nangilid ang luha ko sa sinabi niya.

Buti pa siya na appreciate niya ang mga niluluto ko.

Tumango naman ako. "Oo ba." nakangiti kong turan sabay nag madaling pumunta sa kusina para mag luto ng bacon at sandwich.

Nang matapos ako kinuha ko 'yung baonan ni Maxwell at nilagay sa lunch box at nag timpla din ako ng kape na nilagay ko sa tambler na Aquaflask.

Agad naman akong pumunta sa sala at bumungad sa akin si Archer na hinahantay ako, binigay ko naman Kay Archer ang bag. "Masarap 'yan, tyaka my kape 'yan para naman sagana ka." tinapik naman ako nito.

"Thank you, sister in law." saad nito sabay punta sa asawa. "Pasok na'ko, hon. Ikaw muna bahala sa anak natin." aniya nito sabay halik sa labi nito.

Habang tinitigan ko si Archer palabas na aninag ko si Maxwell na napaka tahimik pero nang tignan ko ang mukha nito namumula habang umiigting ang panga.

"Napa'no ka?" patay malisya ko.

"What do you think?"

"Ewan ko kaya nga tinatanong ka eh."

"Bakit mo ginawan ng almusal 'yon? Habang ako na asawa mo hindi mo ginawan aalis narin ako, lagi mo namana mo'kong ginagawan tapos ngayon ayaw mona akong gawan!" biglang sigaw nito na ikina gulat namin.

Hinayaan ko naman siya at naglakad nalang pabalik sa kusina para ayusin ang ginulo ko.

Hinawakan naman ako nito sa pulsuhan na ikina harap ko sa kanya. "Kinakausap pa kita!" saad nito Hindi ko alam na nakasunod pala siya.

"Bitawan mo nga ako, pake ko sa'yo?!" sagot ko naman.

"Ano bang problema mo? Wala naman akong ginawa."

"Para sa'yo pero sa akin meron!" piyok kong sigaw.

"Huh? Hindi kita ma gets."

"Sarili mong kalokohan hindi mo alam? P'wes alamin mo muna bago mo ako kausapin." saad ko sabay piglas sa pagkaka-hawak niya at agad nilagay sa lababo ang mga kalat.

Naghuhugas naman na ako ng kamay ng my nag paharap sa akin at binuhat paupo sa mahabang lababo. "Wala akong maalalang ginawa, ang natatandaan ko lang sinigawan kita nung nasa labas ka, wala na akong maalala pa." mahinahon nitong wika habang ako nagsisismula ng mag patakan ang luha ko.

"Gusto mo malaman?" Tumango naman ito huminga naman ako ng malalim. "Kahapon lang naman tumambay ako sa secretary mo at higit isang oras na pag tambay ko tinawag mo lang naman siya, alam mo ang masakit do'n? Hawak niya 'yung baonan na ginawa ko para sa'yo!" pinunasan ko naman muna ang luha ko habang si Maxwell nakatitig sa akin.

"T-tangina Maxwell ilang weeks ko ng ginagawa 'yon at ilang weeks mo narin palang binibigay sa Secretary mo ang gawa ko, sana sinabi mo para hindi na ako nag hirap, akala ko pa naman nag appreciate mo ang gawa ko binibigay mo lang pala, kaya sinong mag kakaro'n ng gana gumawa kung ganon ginagawa mo?!" pinababa naman niya ako sa lababo.

Nagulat naman ako ng hampasin niya ang lamesa. "Dahil lang do'n sa maling hinala mo ginaganyan mo'ko? Hindi ko totally binigay 'yon!"

"Ano 'yon pinahawak mo lang ganon?" pamimilosopo ko.

"Hindi ko binigay 'yon!"

"Tingin mo maniniwala ako? Harap-harapan ko nakit-Binigay ko 'yon kasi hindi ko naubos, ayoko naman masayang 'yung gawa mo kaya binigay ko, ginagawa ko minsan 'yon pag hindi ko ubos!" biglang sigaw niya habang nag sasalita ako.

Niluwagan naman nito ang necktie niya. "Hinantay pa naman kita kasi alam kong gagawan mo'ko at ayokong mapagod kapa na pumunta ng gantong oras, tapos umasa lang pala ako sa wala." malungkot nitong turan.

Nagsaya naman ang puso ko dahil sa nalaman ko pero my side na na guilty ako dahil pinaasa ko pala siya. Akala ko naman kasi hindi niya kinakain kaya hindi kona siya ginawan.

"Hubby sorry na, dadalhan nalang kita!" sigaw ko dahil nasa sala na siya, mabilis naman akong naglakad.

Nasa sala naman na ako ng ibagsak niya 'yung attache case nito. "Ayoko na pumasok kung wala naman akong baon kagaya ni Archer." saad nito na parang batang nalamangan sa bagay.

"Hoy aber, mamaya kana mag drama d'yan pag nakauwi kana. Marami kang meeting ngayon!" usal ko.

"Ayoko, bahala nang bumagsak 'yon." desidido nitong saad na wala ng balak bawiin.

"Gagawan na kita kaya umalis kana."

"Gagawan mo'ko tapos 'yung baonan ko na kay Archer?!"

"Maraming baonan d'yan." pigil tawa kong saad.

Humiga naman ito sa mahabang sofa. "Ayoko ng iba gusto ko 'yung baonan ko lagi! Akin 'yon eh binigay mo sa akin 'yon tapos pinahiram mo nang ganon-ganon eh gagamitin ko 'yon!" maktol niya.

Paano ko naman kukunin 'yon na kay Archer nga naman ang baonan eh pumasok na.

Jusko baka bumagsak ang company dahil sa kaartihan ng lalaking 'to.

Accidentally Pregnant By Famous Billionaire (Under Editing)Where stories live. Discover now