Nang maganap 'yon, agad din kaming tumigil dahil sumingit na sila Tito.
"Let's go, aalamin na natin ang gender." agad naman pinulupot ni Maxwell ang braso nito sa bewang ko. "Tapos mo akong awayin, bait baitan ka ngayon." pagtataray ko.
"Can you please stop, oo na kasalanan ko na, okay na ba?" inikutan ko lang naman siya ng mata.
"Bukas nalang tayo, medyo masakit pakiramdam ko." pag dadahilan ko kahit na ayaw ko lang.
"Don't act. Tyaka kana mag ganyan 'pag artista kana. Pero kung ako director tanggal kana, halatang peke." pag paparinig sa huli ni Maxwell kaya inikutan ko siya ulit ng mata na ikina inis nito.
"Isa pang ikot ng mata mo, titirik 'yan mamaya."
"Ayoko nga kasi." maktol ko pa.
Lalakad naman na sana ako ng hawakan niya ang kamay ko. "Halikana, para maka-uwi kaagad tayo." napakamot naman ako sa ibaba ng pusod ko.
"Oo na, pwede naman kasing bukas nalang. Excited ka masyado!"
Tumawa naman ito, sabay tapik sa bewang ko ng tatlong beses. "Talaga, excited talaga ako."
"Agree!" sang-ayon din ng iba. Ako lang pala 'yung hindi masyado excited.
"Edi kayo na excited, sana lalaki ang anak k-"
"Lalaki ka d'yan, babae!"
"Babae 'yan!"
"Sawa na'ko sa babae!"
Mga maktol nila habang nag sasalita ako, kaya hindi ko na tuloy.
"Lalaki!" sigaw ko.
"Babae nga sabi!"
"Bahala kayo, 'wag na natin alamin, pare-parehas lang kayong masasaktan." pag-iiba ko ng mood.
"Para sure, halikana." hinatak naman na ako ni Maxwell papuntang Van kaya wala na akong nagawa.
Laban ko sa katawan at tangkad niya? Para nga lang akong duwende sa paningin niya.
Sandali lang naman ang byahe kaya ngayon andito na kami sa OB-gyne ko, kung dati si Tita Rita ang OB-gyne ko ngayon iba na dahil busy siya sa mga papeles at sabado linggo lang ito naka sched kaya no choice na ibinigay ako nito sa ka close n'yang OB-gyne din.
Kumatok naman muna kami bago tuluyan pumasok.
Nang makapasok kami nakita namin si Doc. Mell ka edad lang ni Tita Rita.
"Mabuti naman nandito na kayo, kanina ko pa kayong umaga hinahantay." saad bigla ng babae sa isang silid kaya sa gulat ko napahawak ako sa braso ni Maxwell. Para namang kabote sulpot ng sulpot.
"Manganganak pa ng maaga ang asawa ko sa ginagawa mo!" medyo inis na boses ni Maxwell kaya yumuko ang matandang babae. "Pasensya na, hija." paumanhin nito bigla na ikina gulat ko.
"Ayy, o-okay lang po," tinignan ko naman si Maxwell ng matilim. "Ano ka ba naman, lahat nalang big deal sa 'yo!"
"Nagagalit ka, inaalala ka na nga." natahimik naman ako saglit.
"Kahit na."
"Tigil niyo na nga 'yan, Akisha lumapit kana Kay Tita Mell mo para malaman na ang gender ng apo ko." saad ni Tito kaya huminga nalang ng malalim si Maxwell habang ako napailing iling naman.
"Humiga kana, ganon parin malalimig 'to medyo." Nang makahiga ako kita ang tyan kong bilog na malaki kaya nahihirapan din akong huminga.
Binahid naman muna niya sa buong tyan ko ang gel sabay pinatong sa tyan ko ang monitor kaya tumingin narin ako sa screen.
YOU ARE READING
Accidentally Pregnant By Famous Billionaire (Under Editing)
Random[Completed] Paano kung isang araw nag kaaya ang kaibigan mo para uminom kayo pero hindi mo akalain nung araw na yon ay mawawala narin ang virginity mo dahil nalasing ka at nag kamali ka ng pinasukan mong kwarto at ganon ganon nalang mawawala lahat n...