Chapter 74

922 26 1
                                    

Nagising naman akong naka kandong kay Maxwell. Pansin ko rin na sa isahang sofa medyo nakahiga ito.

"Hubby." Pag gising ko dito.

Sa irita ko dahil hindi siya nagigising huminga ako ng malalim at sinampal siya ng malakas at humiga ulit sa dibdib niya.

Pigil tawa naman ako ng hawakan ako ni Maxwell sa bewang at umayos ng upo. "Fuck, panaginip ba 'yon? Pero bakit ang sakit." Pag kausap nito sa sarili kaya napakagat labi ako pansin ko naman na hawak nito ang pisngi.

"Baby." Tapik nito sa hita ko.

"Hmmm...." Sagot ko na akala mo talaga natutulog.

"Wake up na baby." Nagmulat naman ako ng mata at hinalikan ako nito sa labi.

"Anong oras na po?"

"It's already seven o'clock, una ka ng maligo, sunod ako." Tumango naman ako.

Nang tumayo ako hinawakan ako nito sa kamay. "Baby, my multo ata sa kwarto, my sumampal sa akin kanina." Pag sumbong nito.

Nang tignan ko ang pisnge nito pansin kong namumula ito kaya tumawa ako at niyakap siya.

"Sorry, masakit? Kanina pa kasi kita ginigising ayaw mo naman magising, kaya sinampal kita."

"Why did you did that? Pwede mo naman akong gisingin lang." Halata naman na nagpipigil ito.

"Nainis na'ko eh, maikli lang pasensya ko ngayon." Ngumiti naman ako ng maloko.

"Don't do that again. Hindi ako natutuwa sa ginagawa mo." He said with serious voice.

Lumabas naman na ito kaya naiwan ako ditong nakatulala.

"Hubby!" Tawag ko pa sa kanya pero hindi ito tumigil o lumingon.

Wala naman akong nagawa kaya pumasok nalang ako sa banyo para maligo. Nang matapos ay nagsuot ako ng puting damit na off shoulder na my design na bulaklak na sobrang bumagay sa akin, hanggang taas naman ito ng tuhod ko kaya para matapos na ako nag light make-up ako at nag sandals na puti rin.

Bumaba naman na'ko at nakita ko silang lahat maayos na ang suot kagaya ko. Si Maxwell nalang talaga ang hindi naka-ayos pero kahit ganon pa man napaka linis nito na akala mo naka-ligo na.

"Hubby, ikaw na maligo." Saad ko kaya tinitigan ako nito ng walang emotion.

"Okay." Malamig nitong turan sabay lakad.

Nang nasa hagdan na siya hinawakan ko siya sa kamay pero agad din n'yang winaksi at nag patuloy sa pag-akyat.

Hindi na nga ako tinotopak siya naman ngayon. Sakit talaga sa ulo kapag parehas kayong baliw.

Kainis!

Nang maka-upo ako sa sofa agad nila akong tinanong.

"Anong nangyari? Bakit ganon si Kuya?" Archer said.

"Sinampal ko kasi siya kanina, akala niya multo. Nung nalaman n'yang ako gumawa nagalit siya." Sagot ko naman.

"Bakit mo naman ginawa 'yon, aber?" Nakataas naman ang isang kilay nito sabay kalabit sa akin.

"Maikli lang pasensya ko kanina, nasampal ko para magising." Tawa naman sila ng tawa ng sabihin ko iyon, samantalang ako seryoso lang

Hindi pa naman ako marunong manuyo.

Nag kwentuhan naman kami hanggang sa narinig namin ang yapak ni Maxwell.

"Let's go." Saad ni Maxwell kaya tumayo na ako.

Nang makalabas kami agad bumungad sa amin ang masayang paghahanda para mamayang hapon na fiesta.

Habang nag-aayos kami ng upuan dahil napag-pasyahan na dito Ititipon ang fiesta mamaya nag salita si Monica.

Accidentally Pregnant By Famous Billionaire (Under Editing)Where stories live. Discover now