Chapter 66

741 28 2
                                    

Nilapitan naman ako ni Monica. "Hello sis. Mismo ba ako? Ako miss kita lalo na ang mga luto mo."

"Ako hindi ko kayo miss," Pagbibiro ko kaya tumalikod si Monica. "Ganyanan ahh... nagalit kalang kay kuya nandamay kapa." pag tatampo nito.

Niyakap ko naman ito patagilid. "Joke lang naman, syempre miss ko kayo." natatawa kong turan.

"Hali kayo pasok!" sigaw ni Lola kaya sumunod kami.

Nang makapasok manghang-mangha ang mga Valdez na naka-upo sa tatlong mahabang sofa.

"Ang galing, makaluma ang labas pero sa loob napaka ganda." turan ni Adrian.

"Ganda ng mga paligid, ang unique."

"Magkano ang mga naka display niyo? Ang ga-ganda." tanong ng Lola ni Maxwell.

"Na'ko balae mahal iyan, galing pa sa ibang sulok-sulok ng pilipinas. Puro luma na kasi, sinaunang panahon pa ang iba d'yan." kwento ni Lola Belen kaya Todo tango ang Lola ni Maxwell na si Victorina.

"A-akyat napo ako." singit ko sa usapan kaya napatingin sila kaagad.

"Maaga pa, hija."

"Uuwi na po kasi ako sa ibang bansa kung nasaan ang Tita ko." gulat na gulat naman silang lahat maski sila mama. Wala kasi silang alam sa pinag-usapan namin ni Tita.

"Huh?"

"Hindi pwede 'yon."

Mga bulyaw nila na ikina ngiti ko lang.

"Ayoko narin po dito, gusto ko naman ng bagong buhay. Nakaayos narin ang Passport ko at bukas nang hapon aalis na ako."

"Akala ko ba dito kana?" saad ni papa.

"Sayang naman ang offer ni Tita, kinausap kona siya kanina, at bukas dadating ang annulment namin ni Maxwell, para wala akong problema 'pag umalis na ako ng bansa." agad naman akong tumayo.

"A-ayusin ko pa ang mga gamit ko." dagdag ko pa bago ako naglakad paakyat ng hagdan.

Tinatawag naman nila ako pero ngumiti lang ako. Bahala kayo.

Nang maka-akyat ako niligpit ko ulit ang mga gamit na inayos ko kahapon. Pinagod ko lang sarili ko.

Natapos ko naman kaagad ang pag-aayos kaya pumunta na ako ng banyo para mag half bath. Nagsuot lang ulit ako ng dress na pantulog at humiga na sa kama. Need ko ng magpahinga para bukas ng hapon fresh ako.

"Ate, gising na daw."

Agad naman akong umunat at umupo. "Sige, pasabi i-ready na 'yung kotse ni manong Dan."

Tumayo naman ako at agad pumasok sa banyo. Yes makaka-alis narin ako.

"Sige, ate." narinig ko naman ang yapak ng paa niya.

Mabilis lang akong nakaligo kaya agad akong lumabas at kinuha ang nakasabit na straps fit dress na palobo ang baba na kulay red. Nag light make-up naman ako na pero ang eye shadow ko ay medyo dark para bumagay sa suot ko. Hinayaan ko naman na nakalugay ang buhok ko dahil pansin ko mas maganda ang nakalugay kaysa sa nakatali.

"Ganda ko parin, parang walang problema." pag hanga ko sa sarili habang nakatingin sa salamin.

Hinimas-himas ko naman ang tyan ko habang nakangiti sa salamin.

"Doon na tayo anak, baka makahanap pa ako ng mas better sa tatay mo talaga. Hayaan nalang natin siya sa ex niya." nakangiti kong turan pero sa loob-looban ko umiiyak na.

Nag alarm naman ang cell phone ko Kaya nataranta akong kinuha lahat ng gamit ko.

2:00 na ng hapon, alas tres ang flight ko.

"Shit, maaga naman ako nakatulog hapon na ako nagising. Kainis!" naglakad naman na ako ng mabilis pababa g hagdan bitbit ang maleta ko na magaan lang dahil kaonting damit lang at vitamins lang ang dala ko. Maybe 'yung make-up sa ibang bansa nalang ako bibili.

"Ma, 'yung annulment nasa lamesa, nung madaling araw pa 'yan d'yaan, ibigay niyo nalang Kay Maxwell. Naka-usap kona ang abogado ko pagka-pirma ni Maxwell siya na bahala!" sigaw ko habang nasa kalagitnaan ng hagdan.

Nang makababa ako napansin ko ang daming taong naka-upo.

Nang tignan ko sila ngumiti ako. "Aalis na po ako three kasi ang flight ko, baka maiwan ako. Don't worry babalik din po ako."

"Hatid kana namin sa Airport." tumayo naman sila pero pinigilan ko.

"Hindi na po, baka mag bago bigla isip ko."

"'Wag kana kasi umalis anak. Okay ka naman dito."

Niyakap ko naman si mama. "Sayang naman ang na gastos ko kapag hindi ako tinuloy. Alis na'ko, babye!" naiiyak kong turan.

Paalis naman na sana ako ng mapunta ang attention ko sa kusina at natigilan ako saglit ng makita ko ang  lalaki na my dahilan kung bakit ako luhaan at siya rin ang dahilan kung bakit ako aalis ngayon papuntang ibang bansa.

At ito si Maxwell naka itim na polo medyo magulo ang buhok pero hindi mo matatanggi na mas pumogi ito lalo.

Agad naman akong tumalikod ng matauhan ako, pero hindi ko pa na bubuksan ang pinto ng bahay ng my biglang my humawak sa akin kaya humarap ako. "A-anong ginagawa mo dito? Bitawan mo'ko!" nagpunas naman ako ng luha.

"Baby. 'Wag naman sana tayo mag divorce."

"Correction, Annulment."

"Parehas lang 'yon, iba lang ang salita, pero meaning non hiwalay parin." paliwanag niya kaya inikutan ko siya ng mata.

"Edi ikaw na, pero wala ka nang magagawa andyan na ang annulment pirmahan mona." sigaw ko.

"Hawak mo na pala eh, go pirma na kukunin nalang 'yan mamaya ng abogado. Ilang linggo lang hindi na tayo mag-asawa, magiging malaya na tayong dalawa, magagawa niyo na ang gusto n'yong dalawa ng ex mo at ako din magagawa ko narin lahat ng gusto ko nang wala ka. Stress kalang din sa buhay ko eh, kagaya ngayon." dagdag ko pa.

Napansin ko kasi na hawak niya ito ng makalabas sa kusina. Siguro uminom ito.

Pero bakit nga ba kasi siya andito? Bakit? Kung kelan aalis na ako pupunta siya dito.

Kasi ano nalaman n'yang nagpagawa ako ng Annulment?

Accidentally Pregnant By Famous Billionaire (Under Editing)Where stories live. Discover now