Chapter 17

1.2K 25 3
                                    

"Bitawan mo na 'ko!" usal ko habang pilit na tinatanggal 'yung naka pulupot nitong braso sa bewang ko.

"Please tama na pagod na 'ko. Ayoko na nang away. Gusto ko nang mag pahinga katabi ka." mahinahon nitong wika. Nakalayo naman na ako sa kaniya kaya kinuha ko na 'yung baso na may lamang gatas.

"Pahinga kana. Uuwi muna ako sa amin. Tama na muna tayo, pagod narin ako sa ginagawa natin." agad naman itong tumakbo sa akin.

"'Wag mo naman akong iwan, akala koba sa hirap at ginhawa magsasama tayo? Pero bakit iiwan mo 'ko?" namamaos nitong sambit pero patuloy parin akong naglalakad papuntang kwarto habang siya patuloy parin sa pag sunod sa akin.

Agad ko naman kinuha 'yung maleta ko sa gilid nang drawer tyaka ko binuksan 'yung kabinet na malaki.

Kinukuha ko naman na 'yung damit ko at agad na nilalagay sa maleta.

Pangalawang beses naman na 'ko nakakakuha nang damit nang marinig ko ang pag bukas nang pinto.

"Baby, naman." nilalabas naman nito 'yung damit kaya tinignan ko siya nang masama.

"Ano ba?! Pabayaan mo muna ako, pagod na 'ko sa ginagawa natin! Lagi nalang tayong ganto simula nung mag asawa na tayo!" sigaw ko habang kinukuha ko 'yung damit kay Akhiro.

"Lalayas na 'ko dito, pagod na 'ko!" dagdag kopa.

"Sige pagod narin ako. Tara alis na tayo." saad nito sabay tumayo ito, nagulat naman ako sa ginawa niya dahil nilalagay din niya sa maleta ko 'yung mga damit niya kaya tinanggal ko.

"Akhiro, hindi ako nakikipag biruan!" giit ko tumigil naman ito sa pag lagay nang damit niya.

"Bakit mo naman kasi ako iiwan? Dahil lang don iiwan mona 'ko? 'Yung ibang mag asawa nga nawalang anak kahit pagod na sila lumalaban parin pero tayo na may pamilya na susuko ka nalang nang ganon ganon?!" medyo sigaw nito.

"Pagod na 'ko, lagi nalang tayong nag aaway! Wala nang lambingan!" sigaw ko habang umiiyak.

"Natural lang naman na mag away ang mag asawa, hindi mawawala 'yon. Baby, napagod din naman ako pero hindi ako sumuko, nasa tabi mo parin ako." bigla naman akong natigilan nang biglang lumuhod ito at niyakap ako.

"Napagod din naman ako... pero hindi kita iniwan. Kasi pinangako natin sa isa't isa na sa hirap at ginhawa mag sasama tayo." dagdag nito.

"Tumayo ka d'yan." ramdam ko naman na umiiyak na ito.

"K-kyo na nga lang ni baby ang pahinga ko, iiwan niyo pa ako." hagulgol nitong sabi kaya naawa ako.

"Kung aalis ka isama mo nalang ako... ayoko na mag isa, gusto kona maranasan na pag uuwi ako ikaw 'yung bungad. Kahit mag kaaway tayo okay lang basta bawat uwi ko andyan ka. Please stay with me." he beg said while he's crying so i feel guilty to what i did to him.

Sige na nga hindi na 'ko aalis.

Naawa na 'ko kaya mababa nalang ang ibibigay kong ganti.

"Sa baba ka matutulog ngayon, do'n sa sala." mahinahon kong wika tumango naman ito kaya hindi ako maka paniwala.

"Okay lang, basta 'wag mo lang akong iwan..." yumuko naman ito sabay punas nang luha nito.

Nag angat naman ito nang ulo at tinignan ako. "Hindi mona ako iiwan 'di ba?" Pansin ko naman na napaka gwapo niya kahit magulo at umiiyak siya. Grabi mga lahi nila ang popogi kahit anong anggulo o umiiyak man sila.

"Hindi na." ngumiti naman ito sabay inalalayan ko s'yang tumayo sa pagkaka iyak.

Niyakap naman ako nito sabay siksik sa lweg ko. Pansin ko naman na humihikbi pa ito kaonti kaya hinago ko ang likod n'ya. "I love you." masigla nitong wika na akala mo hindi galing sa pagkaka iyak.

May pagka sweet naman pala s'ya sadyang lagi ko lang s'yang inaaway kaya hindi ko napapansin lahat nang ginagawa n'ya sa akin.

"I love you more." ngumiti naman ako.

Ilang minuto kaming nag yakapan hanggang sa ako na mismo sumuko.

"Tama na baka na iipit na si baby." aniya ko.

Hinalikan naman nito ang nuo ko sabay lakad sa sofa, kinuha naman niya ang isang unan na pa square at kinuha ang isang naka tiklop na kumot na makapal. Malamig din kasi sa sala dahil may dalawang aircon.

"I'm going down, just call me if you have need something." tumango naman ako.

Palabas naman na sana ito nang humarap ito. "did you eat already?" tanong nito.

"Tapos na po kanina pa." sagot ko naman tumango naman ito bagi tuluyan isarado ang pinto.

Nag half bath naman ako dahil medyo nalalagkitan ako. Nang matapos at nag suot lang ako nang nighties dress na black na taas nang tuhod ko, naka suot naman ako nang tibak at sickling na black kaya fress ang ibaba ko.

Binalik ko naman muna lahat nang damit na kinuha ko kanina pati narin 'yung damit ni Akhiro na nilalagay niya rin kanina sa maleta ko.

Medyo natawa naman ako nang maalala ko 'yung sinabi niya sa akin.

'Sige pagod narin ako. Tara alis na tayo.'

Bweset sasama pa sa akin ehh... aalis na nga ako para hindi ko siya makita tapos sasama siya.

Natapos naman na ako sa pag balik nang mga gamit na kinuha ko kanina. Pati narin ang maleya binalik ko.

Humiga naman na ako at nag taklob nang kumot hanggang sa bewang ko lang.

Ilang oras naman na akong dilat pilit na matulog pero hindi talaga ako maka tulog dahil sa mga naalala kong masasakit na sa loobin ni Maxwell kanina ewan ko ba. Parang gustong makatabi nang anak ko ang daddy niya.

Parang gusto n'yang i comfort dahil sa ginawa ko kanina.

Bumaba naman ako na umiiyak ewan koba para akong naalingpuyatan kahit hindi naman ako natulog.

Gustong gusto na nang mata ko matulog pero parang may pumipigil.

"Baby, patulugin mo naman na si Mama pinatawad ko naman na si Papa mo." pag kausap ko sa anak ko habang naka hawak sa tyan.

Nang nasa harap na ako ni Maxwell naka pikit ito habang may pinapatugtog sa cellphone n'ya.

"H-hubby." iyak kong tawag kaya agad itong napa mulat na may bahis nang pag aalala.

Umupo naman ito bigla. "What happen?"

"Hindi ako makatulog, hubby. Pinipilit ko ayaw mag patulog ni baby." pag sumbong ko na parang bata.

Napa kagat labi naman ako nanf biglang yakapin saglit hi Maxwell ang tyan ko sabay angat nang dress ko.

Hinalik halikan naman nito ang puson ko. "Tulog na ikaw, baby. Patulugin mona si mama. Gusto mo bang katabi si papa?" pag kausap nito.

Napangiti naman ito na parang nakipag usap din sa kaniya ang anak niya. "Okay tatabi si papa sainyo kaya sleep na." tumingin naman si Maxwell na may ngisi. "Pero sabi daw n'ya need daw muna nang dilig ni mama, kahit daw kamay lang." malalim na boses nito na nang aakit pa.

"Akhiro tigilan mo 'ko! Hindi masasabi nang anak mo 'yan, mag dadalawang buwan palang siya." usal ko.

"Pero anak ko siya, nararamdaman ko." palusot pa nito.

Mga dahilan talaga nitong lalaking 'to!

Posible naman n'yang nakausap ang anak ko. Ang malala pa sa ganong usapan pa.

Accidentally Pregnant By Famous Billionaire (Under Editing)Where stories live. Discover now