Maaga akong nagising dahil ang araw na ito ay uuwi na kami.
Nakasuot lang naman ako ng black dress na of shoulder na hanggang taas ng tuhod ko. Nakasuot lang naman ako ng sandals.
At ngayon nakatayo ako habang naka tingin sa mahabang salamin.
"Walang kupas, maganda parin ako. Pero niloko parin ako." tumawa naman ako pero agad din naiyak.
"Ano ba 'yan. Sabing kalimutan kona eh."
Bigla naman my kumatok kaya pinunasan ko ang mukha ko gamit panyo na light pink. Hindi naman nagulo ang make-up ko dahil patak lang naman siya dahil napigilan ko kaagad.
"Ate, alis na daw po tayo." medyo pasigaw ni Kenneth.
"Sige, pababa na."
Kinuha ko naman na ang shoulder bag ko at ang maleta.
Nang makababa ako tinapik ako ni mama. Nilingon ko naman ito at nilibot ang paningin.
"Halikana, alis na tayo. Hinahantay na tayo ng papa mo sa kotse, siya maghahatid sa atin sa probinsya."
"Saan pala ulit 'yon, Ma? Nakalimutan kona kasi."
Mga ten years old pa ako non ng pumunta kami kaya nakalimutan kona.
"Sa Batangas 'yon, medyo dulo." saad naman ni mama.
"Halikana, mainipin pa naman ang tatay mo."
"Ako na d'yan sa maleta mo." kinuha naman niya ito sa akin.
"Hindi na ma, kaya ko naman." kukunin ko naman na sana ulit ng ilayo niya.
"Sige na lumakad na tayo, ako na ayokong mapagod kayo ng apo ko."
"Sige na nga, thank you, Ma. Kaya mahal na mahal ko kayo nila papa eh."
"Mahal karin namin ng tatay mo. 'Yung asawa mong si Maxwell hindi ka man niya mahalin atlis ginawa mo lahat bilang asawa. Kaya proud na proud kami sa'yo, kahit na hindi kapa sanay sa gan'yan nakayanan mo. At sapat na 'yon."
Napangiti nalang ako habang naglalakad.
Tama, ginawa ko na lahat bilang perfect na asawa at sapat na 'yon, pero kung hindi parin talaga sa kanya sapat 'yon, hindi ko na kasalanan. Basta alam ko wala akong kulang, sadyang mahal niya lang 'yon kaya ganon.
"Andito na tayo." medyo sigaw ni mama kaya napa-ayos ako ng upo.
Nakatulog pala ako sa buong byahe.
"Anong oras na, Ma?" tanong ko dahil ng makalabas ako sa kotse napansin kong medyo madilim na.
"Mag s-six na. Traffic kasi, alam mona kapag sabado linggo sobrang traffic." kinuha ko naman 'ying maleta ko sa likod at hinatak ito palapit kila mama.
"Pasok na tayo, pa." ng hahatakin ko na ito, ng pigilan niya ako.
"Hindi pa ako dito. Bukas pa ako nang gabi uuwi, hindi ko sure baka hapon. My papeles pa akong naiwan tatapusin ko lang iyon at agad akong uuwi dito." nalungkot naman ako
"Akala ko ba sabay-sabay tayo?"
Niyakap naman ako ni papa. "Sus, isang araw ko lang naman kayo iiwan nang mama mo, promise uuwi kaagad ako dito." malambing na turan ni papa.
"Ngapala, bukas maglibot ka sa buong farm. May mga puno ng mangga na lagi mong kinakain dati dito nung bata ka. Para naman malibang kayo ng apo ko." dagdag pa ni papa kaya napatango ako.
My sarili kasing lupa sila Lolo at Lola, nang makasal sila nasa kanila na ito hanggang sa nagka-anak na at ito si Papa.
My palayan din sila na napaka laki at my farm pa, doon 'yung sinasabi ni papa na my mga bunga ng mangga at marami pang prutas. Iba pa itong lupang ito na tinatayuan ng bahay ng Lola ko.
YOU ARE READING
Accidentally Pregnant By Famous Billionaire (Under Editing)
Random[Completed] Paano kung isang araw nag kaaya ang kaibigan mo para uminom kayo pero hindi mo akalain nung araw na yon ay mawawala narin ang virginity mo dahil nalasing ka at nag kamali ka ng pinasukan mong kwarto at ganon ganon nalang mawawala lahat n...