Chapter 64

662 19 0
                                    

Nang bumukas ang pinto bumungad sa akin si mama na napaka among mukha nito kaya hindi ako nag dalawang isip na yakapin ito. "M-mama... ma...." hagulgol ko at napaluhod kaya gulat na gulat si mama ng malaman ako ito.

"A-anong nangyari? Romard ang anak mo!" naiiyak na turan ni mama habang niyayakap ako.

Agad naman kaming nakarinig ng mga yapak.

"Anong nangyari sa'yo?" agad naman lumuhod si papa at hinagod ang likod ko.

"N-niloko niya ako ma, pa... ginawa ko naman lahat pero hindi talaga..." hagulgol at hikbi kong turan.

"Jusko." nakatingin naman si mama sa kisame dahil hindi nito kayang makita ang anak na umiiyak.

"Tama na, baby ko." malambing na boses ni mama habang niyayakap ako ng mahigpit.

"Ate, ano pong nangyayari?" agad ko naman hinawakan sa kamay ang kapatid ko at niyakap ito na ikina tahimik nalang nito.

"Wala, masaya lang ako kasi andito na si ate, makakasama mona ulit ako."patay malisya kong turan.

Ayokong malaman ng kapatid ko ang nagaganap, bata pa siya para sa ganto.

"Talaga ate, dito kana ulit?" masayang turan nito.

Pigil naman ang pag hagulgol ko. "Hindi pa sure ni ate, baka sa probinsya na muna ako. Sasama ka ba?"

"Hindi pwedeng ikaw lang ang pupunta doon, sasama kami. Mama mo ako, dadamayan kita kahit saan ka." saad ni mama sabay yakap sa Amin ng kapatid ko, nakisama naman si papa kaya apat na kami.

"Mauna kayo doon bukas ng umaga, susunod ako. Hindi pwedeng iiwan niyo ako ditong tatlo. Lalo na wala ang misis ko sa bahay, hindi ako sanay." medyo cringe man pero pansin ko Kay mama kinikilig ito.

Jusko, nakakainggit.

"Ano ka ba romard ang tanda na natin para sa ganyan." medyo pabebe ni mama .

Nag pigil naman ako ng iyak, naaalala ko kila mama, papa si Maxwell pag nag lalambing siya sa akin gabi-gabi bago matulog o 'pag nasa terrace kami.

"Tumayo na tayo, nakikita tayo ng mga kapitbahay." turan ni papa kaya inangat nila akong tatlo patayo dahil nahihirapan ako.

"Kumain kana ba?" tanong ni mama ng maupo ako sa medyo kalakihan na sofa.

"Opo, aakyat na po muna ako para mag-ayos, bababa nalang po ako pag dinner na." medyo malumanay kong saad habang pinupunasan ang mukha gamit panyo.

"Ganon ba, sige tatawagin kana lang ng Kapatid mong si Kenneth."

"Sige po ma, akyat napo ako." tumango naman ito kaya umakyat na ako sa dati kong kwarto sa 3rd floor.

Nakapasok naman na ako kaya agad kong niliot ang paningin habang naka-upo sa malambot na kama ko.

Na-miss ko 'to sobra.

"Mabuti naman walang nabago." agad ko naman kinuha ang isa ko pang maleta sa baba na na kulay itim.

Inayos ko naman na ang ibang damit ko sa drawer ko. Hindi kona kukunin 'yung damit ko sa mansion ng mga Valde baka tuluyan na akong hindi maka-uwi ng buhay dito.

Habang zini-zipper ang bag ng maleta ko my kumatok ng mahina pero sakto lang ito para marinig ko.

"Sino 'yan?"

"Ako 'to ate, kakain na daw po." saad ni Kenneth kaya tinayo ko na ang maleta ko  at nilagay ko muna sa gilid.

"Sabay na tayo, halikana." hinawakan ko naman ito sa kamay at naglakad na kami pababa.

"Nandyan na pala kayo, halikana." umupo naman ako sa dating upuan ko, katabi ko ang kapatid ko.

Habang sila mama at papa mag katabi.

Medyo maingay naman ang dinner namin dahil ngayon nalang ulit kami nag sama-sama. Matabi akong i kwe-kwento.

Yes, dahil sa usapan namin parang walang nangyaring hiwalayan sa Amin ni Maxwell.

Hindi ko pwedeng dib-dibin ang nangyari, baka mapa'no ako at ang anak ko.

"'Wag mo nang isipin 'yon, kaya naman natin buhayin ang apo ko." Pagpapatatag ni mama sa akin habang humahakbang paakyat ng hagdan.

"Opo ma, kakayanin ko kahit masakit." iyak kong turan, niyakap naman ako ni mama kaagad.

"Shh... kakasabi ko lang na 'wag kang iiyak eh." pekeng tawa nito habang umiiyak din.

"Kasi Ma, ang sakit talaga, niloko niya 'ko, sayang lahat ng ginawa ko sa kanya."

"Kalimutan mo na, kapag naka-uwi na tayo sa probinsya ng Lola at lolo mo makakalimutan mo rin ang lalaking 'yon." pag papatatag ni mama sa akin kaya huminga ako ng malalim.

Inhale.

Exhale.

"Kaya ko 'to, kakayanin kong buhayin ang anak ko ng wala ang tatay niya."

"Sige Ma... pahinga kana." dagdag ko pa dahil napansin ko nasa tapat na kami ng kwarto niya sa 2nd floor.

"Sige, para maaga tayo bukas. Good night sa inyong dalawa." nakangiti nitong turan sabay himas sa tyan ko.

Ngumiti rin naman ako pabalik. "Sige Ma, good night." pumasok naman a ito sa kwarto kaya naglakad na ako paakyat sa 3rd floor.

Wala nang umaalalay sa akin.

Parang kahapon lang ang saya pa namin non, tapos ganon-ganon nalang pala ang nangyari. Niloloko na niya pala ako.

Kung hindi ko pa talaga binalak puntahan, hindi ko pa malalaman.

Umiling naman ako. "Tama na, wala na nangyari na, kaya ano pang iniiyak ng butsi ko?" parang baliw kong saad dahil kinakausap ko ang sarili ko.

Nang makapasok sa kwarto agad akong humiga at hinimas-himas ang tyan ko. "Ako nalang siguro ang magiging nanay at tatay mo, don't worry mamahalin kita higit pa sa buhay ko." umiiyak naman na ulit ako.

"Hindi man niya lang ako pinuntahan dito, halatang napagod na talaga siya sa ugali ko. Baka mas mabait at malambing 'yung babaeng 'yon kaya pinili niya."

"Hayaan mona, ganon talaga." pag comfort ko sa sarili ko.

"Shhh... kalma self, hayaan mona makakalimutan mo rin ang lalaking 'yon." nakapikit naman na ako sa puntong ito.

Grabi hindi ko akalain na ganto ang mangyayari sa relation namin ni Maxwell.

Sa daming pwedeng gawin, cheat pa talaga na ayaw ko sa lahat!

Hayop talaga!

Accidentally Pregnant By Famous Billionaire (Under Editing)Where stories live. Discover now