PROLOGUE

53 4 3
                                    

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Any names, characters, businesses, places, events and incidents in this story are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

"Celeste anak, uuwi kayo ni yaya sa Pilipinas bukas kailangan na dun ka mag-aral ok?" sambit ng ina sa anak nito na mangiyak ngiyak

"Hindi po ba kayo sasama sa amin ni yaya, mommy?" patuloy ang pagpatak ng luha neto habang nakatingala sa kanyang ina, kaya bahagyang yumuko ang ina neto para pantayan ang mukha ng kanyang anak.

"I'm sorry sweetheart but I have to stay here, busy si mommy ok? I'm sorry kung hindi kita makakasama sa Pilipinas," sabi nito habang dahan dahang pinupunasan ang luha ng anak

"Pero gusto ko po kayo makasama dito mommy, bawal po ba ako mag aral dito sa States?" tanong ng anak nito habang umiiyak parin ito

"I'm just really busy sweetheart, and I'm really sorry if I can't be with you there, at saka makakasama mo naman dun ang lola mo at si yaya eh" sambit ng ina nito.

"I've never met lola, gusto ko ikaw makakasama ko mommy" patuloy parin ito sa pag-iyak

"Anak, busy ang mommy dito sa States at hindi kita maaasikaso dito, mabuting nasa Pilipinas ka muna para kahit papaano may mag aasikaso sa'yo dun at may mag aalaga." sabi niya at ngumiti ng bahagya sa kanyang anak habang haplos haplos ang buhok nito

"Nandito naman si yaya right mommy? maaasikaso naman ako ni yaya dito eh, why do I need to stay there in the Phillipines kung nasanay na ako dito mommy, ayaw ko po dun, I wanna stay here with you mommy, please." sabi ni Celeste na umiiyak parin hanggang ngayon

"Celeste ano ba." Tumayo ito at minasahe ang temples "Don't be stubborn ok, sa ayaw at gusto mo uuwi ka ng Pilipinas, now go to your room and sleep, yaya ipasok mo na si Celeste sa kwarto nya, now!" utos nito sa yaya niCeleste.

"Sige po ma'am, baby halika na, kailangan mo na matulog kasi bukas na ang flight natin." wika ng yaya nito sabay akbay kay Celeste.

"No!" sigaw ng bata at mabilis na tumakbo palabas ng bahay.

"Celeste!!"

"Ma'am ako na po ang bahala sa alaga ko."
sabi nito at mabilis na umalis para puntahan ang alaga.

Nakita ng yaya na bukas ang pintuan ng bahay palabas kaya nagtungo siya rito at nakita si Celeste na nakaupo sa dulo ng hagdan sa gitna habang umiiyak na nakatingin sa buwan at mga bituin. Dali dali siyang lumapit sa alaga at umupo ito sa tabi niya.

"Baby, bakit nandito ka sa labas? Halika na? pumasok na tayo sa kwarto mo kailangan mo nang matulog, baka magalit ang mommy mo sa'yo." sabi nito sa alaga habang hinahaplos ang likod nito.

"Ayaw ko pong matulog yaya." nakatingin parin ito sa buwan at mga bituin at patuloy parin sa paghikbi.

"Gusto mo basahan kita ng fairy tales para makatulog ka?" tanong nito sa alaga habang nakangiti pero hindi parin siya binabalingan nang tingin ng kanyang alaga.

Umiling ang kanyang alaga at sa pagkakataon na yun ay tumingin na ito sa kaniya.

"Gusto ko po mag stay dito kasama si mommy." ani Celeste habang humihikbi parin. "Yaya bakit ayaw po ni mommy na sumama sa atin? ayaw na po ba ni mommy sa'kin? Hindi na po ba ako mahal ni mommy?" tanong nito kaya bigla na lang siyang niyakap ng kanyang yaya.

"That's not true, baby." nakayakap parin ito sa alaga niya "Mahal na mahal ka ng mommy mo, at hindi totoong ayaw ng mommy mo sa'yo." kumalas ito sa pagkakayakap sa alaga at pinunasan ang mga luha nito gamit ang kanyang mga palad. "Love na love ka ng mommy mo ok?busy lang talaga ang mommy mo sa trabaho niya dito at madami siyang inaasikaso pero hindi totoong hindi ka niya mahal, para din naman sa'yo ang ginagawa ng mommy mo kaya tahan na ok?" ngumiti siya ulit

"Eh bakit po nagalit siya sa akin kanina?" tanong niya ulit.

"Naku stress lang talaga ang mommy mo, halika na?matulog na tayo?" tumayo ito at nilahad ang kamay sa alaga, kaya tinanggap naman ito ni Celeste.

************

Nakatitig ang yaya kay Celeste na mahimbing na natutulog habang yakap yakap nito ang pink na teddy bear.
Biglang bumukas ang pinto ng kwarto at iniluwa nito si Sally, ang mommy ni Celeste.

"Kumusta na siya yaya?" tanong nito sa yaya ni Celeste.

"Ok na po siya ma'am, pinainom ko na rin siya ng gatas niya kanina." saad nito at ngumiti "Tinanong niya nga rin sa akin kanina kung susunod ka rin ba sa Pilipinas."

Ngumiti si Sally, at lumapit sa kama at umupo sa gilid nito, habang hinahaplos ang buhok ng natutulog na anak

"Pasensya kana anak kung hindi kita masyado nabibigyan ng oras, at attention, alam ko naman na gusto mo lang maiparamdam ko sa'yo yung pagmamahal na hindi ko naipaparamdam sa'yo, sorry kung kailangan magpaiwan ni mommy dito ha, busy lang talaga si mommy sa trabaho, at para din naman ito sa'yo, pagdating ng panahon babawi ako sa'yo, I promise that sweetheart." yumuko ito at hinalikan ang anak sa noo, at ngumiti bago ito tumayo.

"Yaya, alagaan mo ng mabuti si Celeste ha, huwag na huwag mong pababayaan ang anak ko, lagi mong iparamdam sa kaniya na hindi siya nag-iisa, uuwi ako balang araw at babawi ako sa anak ko."

Si Sally ay isang doctor, at dito niya pinagpatuloy ang pangarap nya sa States, nung nasa Pilipinas palang si Sally at high school palang siya ay maaga na itong nabuntis ng kanyang boyfriend. Ang ama ni Celeste. Nang malaman ng boyfriend ni Sally na nabuntis niya ito ay iniwan niya ito sa ere, at pinakiusapan si Sally na ipalaglag ang kanilang anak dahil hindi niya ito kayang panindigan at hindi kaya tanggapin na may anak siya dahil isang malakingpagkakamali at pagsisisi ang mabuntis si Sally dahil hindi naman niya ito mahal, ginamit niya lamang ang dalaga dahil mayaman ito at nabibigay nito ang gusto niya, nang mabuntis si Sally ay ipinagpatuloy niya parin ang kaniyang pag-aaral, kahit na kinukutya siya dahil dun ay hindi parin siya sumuko sa pag aaral, dahil wala siyang pakealam sa mga sasabihin ng mga tao sa kaniya kasi alam niyang kaya niyang panindigan mag isa ang anak niya.

Sa Pilipinas nagsilang si Sally, at pagkalipas ng ilang buwan ay pumunta ito ng States para dun tapusin ang kolehiyo, sinama niya si Amy. Ang kasalukuyang yaya ni Celeste, sa Pilipinas man nanganak si Sally pero sa US nya gustong lumaki si Celeste, siya ay pitong taong gulang na ngayon.

Ang hindi alam ni Sally ay makikita niya pala dito ang dating boyfriend niya, mayaman na ito at hindi niya alam na nandito rin pala ito sa States. Bakit sa dinami dami ng lugar dito sa mundo ay dito niya pa ito makikita, nang magkaharap sila ay nangamusta ang dating boyfriend nito at sinabi na hindi siya makapaniwala na magkikita sila dito at sinabi rin niya na hindi siya makapaniwala na sinunod ni Sally na ipalaglag ang anak nila. Nang sinabi niya iyon ay malakas na sampal ang natanggap niya kay Sally, at nang masampal niya ito ay umalis sya na walang kahit anong salita. Nang makauwi ng bahay si Sally ay nakita niya ang anak na naglalaro kasama ang yaya nito kaya kinausap niya ito, at yun ay para pabalikin sa Pilipinas ang anak kasama si Amy. Ang yaya ni Celeste, masakit man sa kaniya na mawalay sa kaniyang tabi ang anak niya ay pipiliin niya parin na pabalikin ito sa Pinas dahil ayaw niyang magkita ang mag- ama. Hindi dahil sa kinahihiya niya ang anak sa ama nito, pero dahil hindi niya gustong makilala ng kanyang anak ang amang iniwan siya sa ere at pinilit na ipalaglag ang sariling anak nung binubuntis niya pa ito.

Inlove With My Neighbor Where stories live. Discover now