Chapter 27

4 1 0
                                    

Chap 27: Treat

Celeste POV

4:30 na ng hapon at pauwi na ako ngayon ng bahay hindi ko na rin naisipan na pumasok kanina sa klase kasi hindi pa naman mabuti ang pakiramdam ko at saka isa pa na-excuse naman daw ako kaya ok lang na hindi ako papasok.

Nasa labas na ako ng gate nang makita ko yung babaeng nag-open up sa akin kagabi, it's Trina. Nakatayo siya sa gilid at parang may hinihintay.
Sino naman kaya hinihintay nito?

Bumaling siya sa akin at ningitian ako, kumunot naman ang noo ko.
Feeling close talaga ang babae na'to. "Nandito ka na pala." nakangiti niyang sabi, lumapit siya at hinawakan kamay ko, hinila niya ako.

"Teka." mahina kong sabi, tumigil naman siya sa paglalakad at hindi parin binibitawan ang kamay ko.

"I was waiting for you." she said, ako pala hinihintay niya dito?bakit naman kaya? Mabilis kong kinuha ang kamay ko sa pagkakahawak niya.

"Huh?" kumunot ang noo ko.

"Maaga kaming pinauwi ngayon kaya nandito ako ngayon para hintayin ka, akala ko 5:00 pm pa out niyo maaga din ba uwian niyo?" tanong niya pero hindi na lang ako sumagot. She's really annoying.

"Gusto ko sana lumabas with you, don't worry treat ko!" nakangiti niyang sabi at hinawakan ulit kamay ko, hinila niya ako.

"But I wanna go home." sabi ko, bigla siyang tumigil sa paglalakad at tumingin siya sa akin, she's pouting.
Tsk.

"Please" pakiusap niya napairap naman ako.

"It's my treat!" dagdag niya pa, pero napahalukipkip na lang ako sabay irap at iling.

"Please...."  damn this girl.

"Why?" tanong ko sabay taas ng isa kong kilay.

"I just wanna thank you." she said with a smiling face. Argh!

"For what?I didn't do anything."

"Kasi pumayag kang mag-open up ako sa'yo kagabi, kaya sige na pumayag kana." Haysssss.

"Fine." malamig kong sabi at umirap sa ere, nang sinabi ko yun ay bigla siyang tumalon sa saya at niyakap ako.

"Sige na sige na na tama na." dahan dahan ko siyang tinutulak, damn she's really annoying.

Sumakay kami ng taxi at pumunta sa isang Mall, ewan ko ba sana pala hindi na lang muna ako lumabas kanina sa school para hindi kami nagkita nakakainis kasi siya, napakafeeling close, and I really hate her smile.

"Halika!" hinila niya ako at pumunta kami sa pamilian ng mga ibat ibang klase ng mga damit.

"What are we doing here?" I asked.

"Pumili ka na lang ng mga gusto mo diyan ako naman ang magbabayad eh." what the, ano bang akala niya sa akin?walang pera? Bitch I have my own credit card. Argh!
"No need." malamig kong sambit. "Sumama lang ako sa'yo dito kasi pinilit mo'ko at kinukulit mo ako, ok?" I said nakita ko rin na bigla siyang sumimangot.

"Sorry if I forced you to come with me, I actually don't have friends to hang out with." malungkot nyang sabi nakita kong niyuko niya ang kaniyang ulo. "Wala akong nasasabihan ng mga bagay na gusto kong sabihin, lalo na ng mga hinanakit ko sa buhay." dagdag niya pa, haysss ano ba naman yan, poor girl.

"It's ok, sige na mamimili na lang ako pero ako ang magbabayad ha." sabi ko at nagsimulang mamili ng mga damit.

Parehas lang pala kami, walang kaibigan na pwedeng masabihan ng mga problema at hinanakit sa buhay.
Siguro marami rin syang mga pinagdadaanan pero hindi mo makita sa mga mukha niya dahil palangiti siya at dahil sa mga ngiti na yun hindi mo mahahalata na may pinagdadaanan din siya. She's strong. Sana kaya ko ring ngumiti kahit na ganun pero hindi. Ilang taon nang nawala ang mga ngiti ko, hindi na rin ako nakakaramdam ng saya.

Pero hindi ko maipagkaila na nakakaramdam ako ng aliw sa puso ko pag nandyan sa paligid si Zephyr, bumibilis ang pintig ng puso ko pag nagkakatitigan kami, at may mga bagay siyang ginagawa na hindi ko inaasahan. Ang weird ko hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko yung ganung pakiramdam. Wait?
Argh! Damn it bakit ko siya naiisip? I hate him tho, I hate him I hate him! Please Celeste stop! Bakit mo siya iniisip???? Nababaliw na ata ako ano ba'tong nangyayari sa akin? Bakit bigla ko naisip ang asungot na yun?
Napapahampas na lang ako sa ulo ko, bwiset!

"O-ok ka lang?" natauhan ako nang biglang nagsalita si Trina.

"H-huh? O-oo y-yeah I'm ok!" damn.

Nang matapos na kami sa pamimili ng mga damit at iba pang mga bagay ay pumunta kami sa isang restaurant dito sa Mall at kumain,  gusto ko sana na ako na ang magbabayad sa kakainin ko pero makulit ang isang to gusto niyang siya ang magbabayad.
Green salad lang naman ang inorder ko kasi wala naman akong gana kumain.

"You like raw vegetables huh?" sabi niya habang kumakain ng steak.

"Yeah this is actually good, and healthy at the same time." I said.

"Masarap ba yan?" she asked pero hindi ko siya sinagot pinagpatuloy ko na lang ang kinakain ko.

-Trina POV-

This girl is actually weird, ang amo ng mukha niya pero masyado siyang masungit, pero magaan ang pakiramdam ko sa kaniya kahit na masungit siya. Siya yung babaeng nabunggo ko kahapon nung umiiyak akong tumatakbo kasi nireject ako ni Zeph, she's cold and grabe ang sungit niya, pero nararamdaman kong may tinatago din siyang kabaitan, maybe she's unaware of it.

Nakatingin ako sa kaniya habang walang emosyon siyang kumakain ng raw vegetables, she's gorgeous. Kahit na nakakunot ang noo niya, at ang sungit tumingin maganda parin siya, paano na kaya pag nakangiti na siya. Gusto ko siyang kaibiganin pero sa tingin ko hindi siya nakikipagkaibigan.

Gabi na at nasa isang bench ako habang umiiyak na hawak ang isang love letter na balak ko sanang ibigay kay Zeph. Masakit marinig sa kaniya na may gusto siyang iba na hindi ako yun, masyado akong nag-assume nun na gusto niya rin ako dahil lagi niya akong tinutulungan sa acads, pero mali ako, iba pala ang gusto niya at hindi ako. Masakit man pero kailangan kong tanggapin na hindi talaga siya para sa akin dahil may mahal siyang iba.

Pauwi ako nun nang maala kong naiwan ko pala ang love letter sa bench na inupuan ko. Tumakbo ako para balikan yun nang may makita akong babaeng nakaupo na dun at nakatingin sa love letter, nakita ko rin na parang nagsalita siya, tuyo na rin naman ang mga luha ko kaya lumapit ako dun, nakakunot ang noo niyang tinitingnan ako, bigla ko siyang ningitian, she looked away.

Kinuha ko yung love letter sa gilid ng bench at umupo ako sa tabi niya may space lang sa pagitan namin and tinanong ko kung 4th year high school din siya at matipid din naman niyang sinagot ang tanong ko.

Ang ganda ganda niya, pero mukhang hindi mahilig makipagsocialize, introvert yata ang isang to. Pero nararamdaman ko na mabait naman siya kaya tinanong ko kung pwede ako mag-open up sa kaniya pumayag naman siya.

I thank her for that, ang sarap sa feeling na mag-open up sa isang stranger, ang sarap sa pakiramdam na may nakikinig sa'yo. Pero ang weird niya grabe. Nilahad ko ang kamay niya para makipaghandshake sa kaniya pero tiningnan niya lang yun, I also asked her name pero hindi niya sinabi sa akin kung ano ang pangalan niya.

Inlove With My Neighbor Where stories live. Discover now