Chapter 46

4 1 0
                                    

Chap 46: The most beautiful girl.

-Celeste POV-

Nang makarating kami ay pinark na ni Zephyr ang sasakyan sa tapat ng bahay namin, nilalamig parin ako hanggang ngayon dahil sa blouse kong basa parin.

Dahan dahan niyang hinawi ang seatbelt niya at sunod naman ay akin.
Ningitian niya rin ako nang gawin niya yun. Bababa na sana ako sa sasakyan pero pinigilan niya ako.

"Bakit?" tanong ko pero hindi siya sumagot, bigla niyang binuksan ang pintuan at bumaba siya, isinara niya rin ulit yun at nakita ko ang pag-ikot niya papunta sa side ng sasakyan kung nas'an ako. Pinagbuksan niya ako ng pinto.

Dahan dahan naman akong bumaba at pagbaba ko ay isinara na niya ang pinto ng sasakyan niya. Hawak ko ngayon ang jacket niyang nasa dibdib ko, iniwan ko din ang towel niya sa loob ng sasakyan.

Bumukas ang gate at nakita ko si Yaya Amy na lumabas dun. "Jusko baby Celeste nandito ka na!" ani yaya Amy at mabilis siyang lumapit sa akin.
"Ang lakas ng ulan kanina, bakit basang basa ka ha?nag-paulan ka ba ha? Jusko Ikaw talagang bata ka! Paano kung magkasakit ka ha!" alalang sabi ni yaya napatingin din siya kay Zephyr. "Zephyr hijo basa rin ang suot mong slacks at sapatos nagpaulan ka din ba?!" tanong niya kay Zephyr.

"Opo ate sorry po talaga, sorry din kung dinamay ko si Celeste sa pagpapaulan kanina, hindi na po mauulit, huwag niyo po sana siya pagagalitan." narinig kong sambit ni Zephyr, napatingin ako sa kaniya at ganun din siya.

He smiled at me.

"Ano ka ba hijo hindi naman ako magagalit, nag-aalala lang ako." ani yaya. "Oh siya pumasok na kayo sa loob, kumain na ba kayo? May inihanda akong pagkain sa loob halina kayo." dagdag ni yaya at ngumiti siya.

"Ah wag na po ate sa bahay na lang ako kakain, maliligo pa kasi ako at magbibihis." ani Zephyr na nakangiti din.

"Siguro ka ba hijo?"

"Opo ate." sambit ni Zephyr.

"Ganun ba? O siya papasok na kami sa loob ha, baby halika na." ani yaya at hinawakan ang braso ko. "Sige na hijo ah papasok na kami sa loob."

"P-pwede ko po ba munang makausap si Celeste?" narinig kong sambit ni Zephyr, nagkakatitigan kami ni yaya.

"Narinig mo ba yun baby?" bulong na tanong ni yaya sa akin, kaya tumango ako, nakita kong tumingin si yaya kay Zephyr.

"Oh sige mag-usap muna kayong dalawa, mauna na ako sa loob." ani yaya na nakangiti at pumasok na sa gate. Naiwan kaming dalawa ni Zephyr.

"Celeste." tawag niya sa akin kaya dahan dahan akong humarap sa kaniya, tinatakpan ko parin ng makapal na jacket niya ang dibdib ko dahil na rin sa blouse kong basa parin hanggang ngayon, nangangatog na rin ako ngayon dahil sa lamig na nararamdaman ko.

Bigla siyang lumapit sa akin at  nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. Niyakap ko naman siya pabalik pero isang braso lang ang gamit ko, hawak ko kasi ang jacket na nasa dibdib ko ngayon.

Amoy na amoy ko rin si Zephyr, at ang bango bango niya. Napapapikit na lang ako habang magkayakap kami.

Damn, being in his arms feels so comforting like I'm safe from everything.

He smells so good. Habang yakap yakap niya ako ay ramdam na ramdam ko ang paghalik niya sa ulo ko. Ako naman ay hindi ko mapigilan ang sariling singhutin siya, ang bango bango niya, ang lakas at ang bilis ng tibok ng puso ko.

Kumalas siya sa pagyakap sa akin, nakakainis naman gusto ko pang yakapin niya ako eh, gusto ko pa siyang amoyin.

He smiled at me, I can see his dimple again. He's so damn handsome.

Inlove With My Neighbor Where stories live. Discover now