Chap 56: Will you be my girlfriend?
-Zephyr's Point Of View-We eventually arrive at the special place I've prepared - a stunning rooftop restaurant with a panoramic view of the city skyline. There's a table waiting for us with a candlelit setting.
"Ang ganda!"
"Only the best for you," I reply, placing a hand on the small of her back and leading her to the table. I pull out her chair for her like a gentleman, making sure she's comfortable before taking my own seat.
As the waiter comes over to take our order, I make sure to order her favorite dishes, wanting to make sure everything is perfect for her.
Once the waiter leaves, I turn my attention back to Celeste, my eyes fixed on her.
"Nagustuhan mo ba?" I asked, dahan dahan naman siyang tumango at tiningnan ang paligid, manghang mangha siya sa nakikita niya.
"Y-yeah. Ang ganda!" aniya nakaawang ang bibig habang tinitingnan ang paligid.
Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko ngayon, hindi ako makapaniwala na makaka-date ko ang babaeng matagal ko nang gusto at mahal.
Lahat ng mga ginawa ko para sa kaniya ay worth it.-Celeste Point Of View-
Ngayon lang ako nakakita ng ganitong kagandang lugar, masyado yatang pinaghandaan ni Zephyr ang date namin.
"Ikaw ba ang nagprepare lahat ng ito?" I asked.
"Oo naman, tinulungan ako ni Dad para i-prepare ang lahat ng ito para sa date natin, hindi ko naman gusto na magpatulong sa kaniya pero tinulungan niya ako kaya pumayag na lang ako" nakangiting sagot niya.
"Where's your dad?" I asked again.
"Nasa work na yata siya ngayon eh, don't worry kilala ka naman niya, ikaw lang hindi nakakakilala sa kaniya" nakangisi nitong sabi, hays.
"Next time ipapakilala kita kay Dad personally," dagdag niya, kaya ngumiti naman ako ng tipid sabay tango.Silly, paano naman ako nakilala ng Dad niya? Ah alam ko na. Siguro dahil sa mga pictures ko sa cellphone niya.
Actually kahit kapitbahay namin sina Zephyr hindi ko pa nakikita ang Dad niya, ano kayang trabaho ng Dad niya, dun din kaya siya nagi-stay sa bahay nila Zephyr?"Celeste..." mahina niyang tawag sa akin, nagulat ako nang bigla niyang pinatong ang palad niya sa kamay kong nasa mesa.
"Bakit?" hinahayaan ko na lang na gawin niya yun dahil comfortable naman ako sa kaniya at gusto ko naman na ngayong hinahawakan niya ako.
Hindi parin tumitigil ang pagbilis ng tibok ng puso ko.
"Alam kong nasabi ko na ito sa'yo noon, pero sasabihin ko ulit sa'yo ngayon," aniya, kalmado ang tono niya hawak niya parin ang kamay ko ngayon na nasa mesa. Ano kayang sasabihin niya? Hala. Kinakabahan at naeexcite ako at the same time.
He took a deep breath. "I've been interested in you from the very beginning, inaamin ko na simula pagkabata nahuhumaling na ako sa'yo, you're my childhood crush, Celeste. Alam kong sobrang sungit mo at ang taray, palagi mo akong inaaway at sinasaktan, at hate na hate mo pa ako, but none of that matters to me right now. All I know is that I'm completely smitten with you. Simula nung umalis kayo nun para pumunta ng Cebu, palagi akong nalulungkot kasi hindi kita nakikita. Ilang years kitang hindi nakita nung mga panahon na yun pero hindi parin nawala ang nararamdaman ko para sa'yo," aniya, hawak niya parin ang kamay ko, ang bilis bilis parin ng tibok ng puso ko, damn hindi ko mapigilang ngumiti sa sinasabi niya ngayon, nakikinig lang ako at hindi ko din kayang magsalita dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.
YOU ARE READING
Inlove With My Neighbor
RomanceA cynical, aloof young woman, forced back to the Philippines by her mother, finds her icy exterior melting when she meets her charming and persistent neighbor, leaving her to wonder if love can truly change a heart hardened by past hurt. Celeste, a...