Chapter 7

12 1 0
                                    

Chap 7: Red Roses

Pag-uwi ko ay kumain na ako dahil sobrang gutom na gutom ako, buti na lang may mga pagkain na inihanda si maid Joan, kaya agad naman akong kumain, sa sobrang gutom ko para akong hindi kumain ng ilang taon sa bilis at sunod sunod na subong ginagawa ko.

"San ka ba galing ma'am, at bakit parang ilang taon kang hindi kumain?" tanong ni maid Joan pero hindi ko parin siya sinasagot dahil kumakain parin ako.

"Ma'am, dahan dahan lang po." aniya at nilapag ang isang baso ng tubig sa mesa.

Natigilan ako at ininom ang tubig, baka mabulunan pa ako sa daldal ng isang to tsk!

Pagkatapos kong kumain ay pumunta ako ng kwarto ko at humiga, nakatitig ako ngayon sa kisame at inaalala ang mga nangyari kanina, bigla kong ibinaon ang mukha ko sa unan dahil sa sampal na binigay ko dun sa lalaking nagmagandang loob lang sa akin, pero hindi ko naman masisisi sarili ko kasi hindi ko siya kilala at hindi ako komportable sa kaniya. Kasalanan din naman niya yun kasi bigla bigla niyang hinahawakan kamay ko nakakainis!

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Lola Tiana na may dalang kumpol ng mga pulang oras.

Bumangon ako at umupo sa kama ko.
"Lola? San naman galing yan?" tanong ko kaya bigla na lang siyang ngumiti sa akin, sabi na nga ba eh may love life na itong matandang toh.

"Para ito sa'yo apo." ani lola na nakangiti parin kaya bigla namang kumunot ang noo ko. "Eh lola hindi naman ako mahilig sa roses eh, sa inyo na lang po iyan lola, ikaw naman ang mahilig sa mga ganyan eh." wika ko naman hindi naman kasi talaga ako mahilig sa mga roses, hindi ako interesado sa mga bagay bagay na kinahihiligan ng ibang tao, bukod sa panonood ng buwan, mga stars wala na akong ibang hilig, kundi ang magstay lang ng buong araw sa bahay.

"Kanino naman galing yan lola?" tanong ko naman kay lola, at inilagay ang kumpol ng red roses sa gilid ng kama ko, I don't like it.

"Naaalala mo pa ba yung batang lalaki dati na nakatira dyan sa kabilang bahay?" tanong niya kaya napatingin naman ako sa mga rosas na, at nilipat ko naman ang tingin ko kay lola.

"No." malamig kong sabi at tumingin naman sa red roses na nasa gilid ng kama ko, "Ah lola, kung gusto ko niyo po sa inyo na po yan, hindi naman ako mahilig sa mga bulaklak eh." wika ko naman, si lola lang talaga may gusto ng mga bulaklak kaya ang dami niyang mga pananim sa labas ng bahay niya, lahat ng mga bulaklak at halaman sa paligid niya ay pinapahalagaan niya, sa totoo lang kahit na may katandaan na itong si lola kinahihiligan niya parin yung mga bagay na hilig niya nung dalaga pa siya, pagtatanim ng mga halaman sa garden, pagtahi o pag crochet, at lalo na ang pamimili. Pero kahit isa wala akong namana sa kaniya, kundi ang kagandahan argh!!

"Pero apo sayang naman, binigay niya talaga yan sa'yo." aniya kaya napakunot ulit ang noo ko.

"Bakit naman niya ako bibigyan ng mga rosas lola?" tanong ko.

"Alam niya kasing nakauwi na tayo galing Cebu, binigyan niya na rin naman ako nung araw na nakauwi tayo dito, pero ngayon ikaw ang gusto niyang bigyan nito," saad niya "Hindi ka pa kasi niya nakikita nung nakauwi ka na dito, hindi ka naman kasi lumalabas ng bahay apo lagi ka na lang nandito sa kwarto mo at nagkukulong, kaya iniabot niya to sa akin para ibigay sa'yo bilang gift sa pagbabalik mo dito." patuloy niya pa, ganun ba?lumalabas naman ako minsan eh, nagjogging nga ako kanina, nag shopping ako kahapon yun lang naman. Wala naman akong pakealam kung hindi niya pa ako nakikita argh! Really? Roses as a gift? Tsk! anong akala niya gusto ko yung gift nya?ang cheap naman! I don't like flowers tho.

3rd Person POV:

(Flashback)

Nasa sala ang batang si Celeste at naglalaro ito ng biglang may narinig siyang doorbell pero wala itong pakealam sa doorbell na naririnig niya kaya patuloy parin siya sa paglalaro.

Ding dong!

Sunod sunod ang mga ito kaya bigla siyang tumayo at lumabas ng bahay para buksan ang gate, pagbukas niya nun ay nakita niya si Zephyr na tawang tawa, pero si Celeste ay matalim lang na nakatingin kay Zephyr habang nakakuyom ang dalawang kamao.

"Hi takot sa aso!" bati neto kay Celeste habang tawang tawa parin pero matalim pa rin ang tingin ni Celeste sa kaniya.

"What's with that face takot sa aso?" tanong nito habang tumatawa pa rin na tinuturo mukha ni Celeste.

Sa sobrang inis ni Celeste sa pagtawa at pang aasar ni Zephyr sa kaniya ay agad niya itong nilapitan at pinagsusuntok.

"Aray! Aray tama na ang sakit."  napapapikit na lamang ito habang hinaharang ang magkabilang braso para hindi siya tamaan sa mukha.

"I hate you! I hate you!" pinagsusuntok pa rin si Zephyr.

"Tama na Celeste! Aray!" 

"I hate you!" sigaw ni Celeste habang pinagsusuntok parin si Zephyr ng bigla siyang maitulak nito ng hindi sinasadya, napaupo na lamang si Celeste sa sahig sa pagkakatulak nito.

"Hala Celeste sorry, hindi ko sinasadya!" yumuko ito para tulungan na itayo si Celeste pero tumayo na ito at itinulak si Zephyr.

"I told you, don't call me by my name!" sigaw nito at umalis papasok ng bahay at naiwang bukas ang gate at si Zephyr na nakaupo sa sahig dahil sa pagkakatulak din sa kaniya ni Celeste.

-End Of Flashback-

(Another Flashback)

"Lola kailan po kayo babalik dito?" mangiyak ngiyak na tanong ni Zephyr.

"Matagal pa hijo, pero babalik naman kami dito kaya wag kang mag-alala." sabi ni Lola Tiana sabay ngiti at haplos sa ulo ni Zephyr, "Magbabakasyon lang kami ng apo kong si Celeste." dagdag pa nito.

"Mamimiss ko po kayo lola." sabi ni Zephyr at niyakap ng mahigpit si Lola Tiana.

"Mamimiss din kita hijo, magpapakabait ka ha, alagaan mo ng mabuti si Yamyam at Kiam, at huwag maging matigas ang ulo sa magulang ah." sambit ni Lola Tiana sa batang si Zephyr, hindi man sila totoong mag apo at magkadugo pero itinuring na rin niya itong apo dahil mabait na bata, masunurin, at may respeto ang batang ito.

"Celeste apo, halika na." sabi ni Lola Tiana kay Celeste at pumasok ng taxi.

"Baby halika na, pumasok na tayo." sabi ni Yaya Amy at inakbayan si Celeste kaya napatango naman si Celeste.

"Takot sa aso! Magiingat ka! See you soon!" sabi ni Zephyr pero hindi ito pinansin ni Celeste at pumasok na ito sa taxi kasabay si Yaya Amy.

End of Flashback and Chapter 7.

Inlove With My Neighbor Where stories live. Discover now