Chapter 21

5 1 0
                                    

Chap 21: Unrequited love.

Argh! Pagod na pagod na ako! Malayo na rin ang nalakad ko at masakit na rin mga binti ko, nakakainis naman bakit kasi walang taxi ngayon, gusto ko na umuwi at makapagpahinga.
Tumigil muna ako sa paglalakad at naupo sa gutter, nagbabakasaling may dumaang taxi dito, mabuti rin dahil may streetlight dito, inaantok na rin ako at medyo nagugutom na ano ba yan, imposible namang walang taxi dito eh hindi pa naman lumalalim ang gabi.

Ilang minuto na ang nakalipas wala paring taxing dumadaan, gustong gusto ko na umuwi, niyakap ko ang mga tuhod ko. Hindi ko alam kung bakit sumisikip ang dibdib ko, at para akong maiiyak, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon, pero ang alam ko lang nararamdaman ko lang to kapag nag-iisa ako, kaunti lang ang mga dumadaang sasakyan, nilalamig ako kahit mahina ang ihip ng hangin, naramdaman ko na lang na tumutulo na pala ang luha ko. I feel so empty right now. Loneliness is killing me

Agad kong pinunasan ang luha kong tumutulo sa pisngi ko nang may kotseng nagpark malapit sa akin, tumayo ako dahil sa nakakasilaw nitong headlights. Nakita kong lumabas dun ang isang pamilyar na lalaki at isinira yun, mabilis siyang lumapit sa akin, nag-aalala siyang nakatingin sa akin, nakatingin din ako sa kaniya.

Zephyr's POV:

Nagdadrive ako ngayon ng kotse ko pauwi, hinanap ko rin si Celeste kanina pero hindi ko siya mahanap siguro nakauwi na siya.

While driving nagulat ako nang makita ko ang isang pamilyar na babae na nakaupo sa gutter road, she's hugging her knees, lumingon din siya dito. Kaya pinark ko agad ang sasakyan ko malapit dun at nakita ko rin na pinunasan niya ang kaniyang pisngi, damn she's crying, kitang kita ko ang pagpupunas niya nun dahil nakatutok ang headlights ng kotse ko sa kanya.

Nang tumayo na siya dun ay mabilis naman akong lumabas sa kotse ko at isinara yun, mabilis din akong lumapit sa kanya, nag aalala akong nakatingin sa kaniya, she's also looking at me pero sa pagkakataon na to hindi siya nakatingin ng masama at matalim sa akin, hindi rin nakakunot ang noo niya, malungkot siyang nakatingin sa akin. Damn.

It breaks my heart to see her like this.

Celeste POV:

Zephyr is in front of me, looking at me with worry. Why is it like this? Why does he always come whenever I feel
alone and sad?

I'm not sure if it's a good thing or a bad thing, but I'm starting to feel things I haven't felt in a long time.
Is it because of him? But why? I hate him, I swear I hate him.

"Celeste..." mahina niyang sambit.

"I-i'm ok." sabi ko at umiwas ako ng tingin sa kaniya.

"I know you're not." aniya.

"I'm ok Zephyr, umuwi ka na maghihintay na lang ako ng taxi dito." sabi ko hindi parin ako nakatingin sa kaniya, hindi ko alam bakit ang bilis ng pintig ng puso ko, feeling ko parang sasabog na ito, kanina ang lungkot lungkot ko tapos ngayon hindi ko alam kung bakit feeling ko kinakabahan ako.

"No." tipid niyang sabi. "Sumabay ka na sa akin, dun din naman ako sa bahay niyo matutulog." dagdag niya pa, napatingin naman ako sa kaniya at kumunot ang noo ko.

"Ayoko, hindi ako sasabay sa'yo, baka ano pa gawin mo sa akin sa loob ng sasakyan mo, hindi kita pinagkakatiwalaan." sabi ko pero nakita kong kumunot naman ang noo niya.

"Ano bang sinasabi mo, Celeste?yan ba ang tingin mo sa akin bakit mo naman iniisip yan?" sunod sunod na tanong niya sa akin at nakita kong sobrang seryoso ng mukha niya, hala naoffend ko ba siya? mabuti naman lagi niya ako binubwiset eh.

"Oo, kaya hindi ako sasabay sa'yo bahala ka!" iritado kong sigaw, akmang aalis na sana ako pero nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko at hinila ako palapit sa kaniya. Aray! Ang lakas ng pagkahila niya sa akin, nauntog pa ang noo ko sa matigas niyang dibdib, kumunot naman ang noo ko nang marinig ko ang paghagikgik niya baliw ba siya?
Naramdaman ko na lang na bigla niya akong niyakap, nanlaki ang mata ko sa ginawa niya.

Pilit akong kumakawala sa yakap niya
pero mas lalo niya lang hinihigpitan ang yakap niya sa akin. Hindi ko siya niyayakap pabalik kasi hindi ko siya gusto, I hate him.

Bakit ganun?hindi ko maintindihan.
I hate him but his hug brought me a sense of peace I hadn't felt in days.
I want to scream at him, to push him away, but his hug held me captive a prisoner of my own conflicting emotions. Damn Zephyr. Why?

Zephyr's POV:

Hindi ko gustong nakikita siyang lumalayo sa akin at umaalis, kaya naman hinawakan ko ang kamay niya at mabilis ko siyang hinila palapit sa akin, naramdaman ko din yung noo nyang nauntog sa dibdib ko, ang tigas ng noo niya. I giggled, and then niyakap ko siya, damn ang sarap sa pakiramdam na niyayakap ko siya, sana naman yakapin niya rin ako pabalik, pero alam kong imposible iyon.

Alam ko ding pilit siyang kumakawala sa mga yakap ko pero mas lalo ko lang siya niyayakap ng mahigpit, damn gusto kong yakapin niya rin ako. Gusto kong maramdaman iyong yakap niya, pero alam kong imposible ang lahat ng mga gusto kong mangyari. Imposibleng magustuhan niya ako, imposibleng mahalin niya ako, imposibleng yakapin niya ako, it's all impossible.
I want her to love me back, but the truth is a harsh whisper in my ear, it's impossible. She hates me, damn. She fucking hates me.

I don't know what the future holds, but I'll always love her even if she never loves me back, and I hold onto a silver of hope that maybe, just maybe her feeling will change.

Sinabi niya pa kanina na ayaw niyang sumabay sa akin kasi baka ano ang gawin ko sa kaniya, damn, hindi naman ako ganung klase ng lalaki. Parehas din naman kami ng uuwian. At alam ko din na safe siya pag ako ang kasabay niya sa pag-uwi.

Nang kumalas na ako sa pagkayakap sa kaniya ay kitang kita ko parin ang mukha niyang gulat na nakatingin sa akin at nakaawang ang bibig nito. Damn ang cute.

Celeste POV:

Gulat parin akong nakatingin sa kaniya, nakaawang ang bibig ko.
Bakit ganun?gustong gusto ko umiyak kanina nung niyayakap niya ako.
Ganun ba feeling ng niyayakap?
Pero bakit gustong gusto niyang yakapin ako? Alam naman niya na ayaw ko sa kaniya.

Nakatingin parin ako sa kaniya pero siya nakangiti lang, anong ningingiti ng buang na'to?

"Celeste halika na sumabay ka na sa akin, huwag ka nang umarte ok?" mahinahong niyang sabi at hinila ako palapit ng sasakyan. Paglapit namin dun ay agad niya akong pinagbuksan ng pinto. "Pumasok ka na sa loob." aniya, pero umatras ako, ayokong makasabay siya sa paguwi baka anong gawin niyang masama sa akin, hindi ko siya pinagkakatiwalaan.

"Celeste please, don't be stubborn."
wika niya, nakahawak parin siya sa pinto ng sasakyan niya, pero umiiling lang ako. "A-ayoko." utal kong sabi.

"Pumasok ka na." mahinahon nyang sabi.

"Ayaw ko nga!" sigaw ko at tumakbo ng mabilis. Ayoko sumabay sa kaniya bahala siya ayoko ayoko! I hate him I hate him so muchh.

End of Chapter 21.

Tysm.

Inlove With My Neighbor Where stories live. Discover now