Chap 42: He's not for me
-Celeste POV-
Nasa classroom ako ngayon, at ito na naman ang subject namin na Math. I really hate math argh! Hindi ako marunong sa solve solve na yan paano ba yan?hindi rin ako makafocus dahil na rin sa mga iniisip ko na pinagtritripan lang ako ni Zephyr, hindi ko alam kung paano ko kakalimutan yung halik na yun.
Lalo na ngayong kasama niya si Trina at wala pa si Zephyr ngayon sa classroom.Nagulat ako nang bigla siyang dumating, pumasok siya sa classroom pero bago siya umupo sa upuan niya ay tumingin muna siya sa akin, tsk!
Umiwas ako ng tingin. Kainis talaga siya. Nakatingin ako ngayon sa bintanang nasa gilid ko. Magkasama rin kaya sila ni Trina nung bumalik sila dito sa building? Argh! Ano ba itong iniisip ko!Hapon.
It's already 5:38 pm at alam kong medyo madilim na sa labas, kinuha ko ang bag pack ko at isinabit ang dalawang strap nun sa magkabilang balikat ko at lumabas na sa classroom, alam kong nakatingin sa akin si Zephyr pero hindi ko siya pinapansin nakakainis siya. Agad akong naglakad ng palabas nasa corridor na ako.
Nang nasa hagdanan na ako ng building ay nagulat ako nang makita ko si Trina na nakatayo dun sa gilid, may hawak na- teka yan yung love letter na balak niya sana ibigay sa lalaking nagugustuhan niya. Nakangiti siya sa akin at bigla akong kinawayan, pero seryoso lang ako nakatingin sa kaniya.
"Pwede ba tayong mag-usap?"
kumunot ang noo ko, ano namang paguusapan namin? "Ok lang ba?" dagdag niya kaya tumango na lang ako ng walang ekspresyon, kitang kita ko rin ang paghawak niya sa braso ko at hinila ako, nagpahila na lang rin ako.Nandito kami ngayon at nakaupo sa isang bench sa labas ng building, medyo madilim na rin ang paligid, makulimlim din ang kalangitan na para bang uulan mamaya, medyo malakas din ang ihip ng hangin, may poste din ng ilaw na nakatayo dito sa gilid ng bench na nagbibigay liwanag sa paligid.
Nakatingin ako ngayon sa makulimlim na kalangitan, mukhang uulan nga ata mamaya, wala pa naman akong dalang payong. Gusto ko na umuwi ngayon para hindi ako abutan ng ulan mamaya, pero nakakainis naman hindi pa ako makakauwi ngayon dahil na rin sa babaeng kasama ko ngayon, ano ba kasi pag-uusapan namin?
Actually I really wanna ask her kung magkakilala sila ni Zephyr dahil na rin sa nakita ko silang magkasama kanina, ano kayang ginawa nila kanina?bakit sila nandun at bakit sila magkasama? Tumingin ako sa kaniya.
"Naalala mo ba yung sinabi ko sa'yo tungkol sa lalaking nagugustuhan ko? At alam mo ba kung kanino ko ibibigay ang love letter na'to nun?" aniya, napatingin ako sa love letter na hawak niya. Bakit niya ba tinatanong to sa akin? Hindi ko naman kilala lalaking nagugustuhan niya ah. Teka lang don't tell me si Zephyr ang lalaking nagugustuhan niya. No way.
"What do you mean?" I asked.
"It's Zephyr Kyle Camero." tugon niya na nagpabilis ng tibok ng puso ko, bigla tumigil ang mundo ko nang bigla niyang binanggit ang pangalan ng lalaking nagugustuhan niya, damn hindi nga ako nagkamali, bakit ganun?bakit sumisikip ang dibdib ko na parang naiiyak ako? lalo pa alam kong magkasama sila kanina at nakatingin pa sila sa isa't isa. Gusto rin kaya siya ni Zephyr? Bakit ako nasasaktan?
Kinagat ko ang labi ko dahil na rin sa luhang kanina pa nagbabadya, tumayo na rin ako, gusto ni Trina si Zephyr at kung hindi ako nagkakamali baka gusto rin siya ni Zephyr, pero naalala ko dati na sinabi ni Trina na hindi naman siya gusto ng lalaking nagugustuhan niya, ibig ba sabihin nun hindi niya gusto si Trina?
Binanggit niya rin noon na may ibang mahal yung lalaking nagugustuhan niya, ibig sabihin kung si Zephyr nga talaga ang lalaking gusto niya edi may ibang mahal si Zephyr, sino naman kaya?Ano ba itong iniisip ko nababaliw na ata ako, kakainis naman gustong gusto ko na talaga umuwi.
Kung may ibang mahal siya bakit niya sinabing mahal niya ako kahapon? bakit ba ang gulo?bakit ang gulo gulo?naguguluhan na ako.Akmang aalis na sana ako pero bigla siyang nagsalita. "Celeste ok ka lang ba?" kinuyom ko ang dalawang kamao ko at halos dumugo na ang labi ko sa kakakagat nito dahil hindi ko na napigilan ang luhang biglang tumulo sa mga mata ko dahil sa tanong niya, am I really ok? no, I'm not hindi ako okay at kahit kailan hindi ako magiging ok.
-Trina POV-
Nakatingin ako sa kaniya at kitang kita ko ang magkabilang kamao niya na nakakuyom, is she really ok? I'm kinda worried about her, I can feel na she likes Zephyr too but Zephyr doesn't know about it. Nagtataguan lang kayo ng feelings niyo para sa isa't isa. Gusto ko sabihin na siya yung babaeng nagugustuhan ni Zephyr pero hindi ko pwedeng pangunahan si Zephyr. Dapat siya ang unang magsasabi nun. Tumayo ako at ang kasabay nun ay ang pagbuhos ng malakas na ulan.
"Celeste halika na pumasok na tayo sa loob baka magkasakit pa tayo!" sigaw ko sa kaniya, hinawakan ko ang kamay niyang nakakuyom parin pero agad niya yun kinuha sa'kin, ayaw niyang umalis.
"I-ikaw na lang ang pumasok." nanginginig niyang sabi, I know she's cold right now, Zeph where the hell are you?
"Celeste please halika na baka magkasakit tayo!" sigaw ko pero umiling lang siya, ayokong iwan siya dito.
"Please Celeste!" pakiusap ko pero ayaw parin niyang umalis dun parehas na kaming basang basa ngayon dahil sa malakas na ulan na bumubuhos ngayon.
"Celeste..."
-Celeste POV-
Malakas ang pagbuhos ng ulan ngayon, basang basa na rin ako, nanatili parin akong nakatayo at hindi umaalis dito. Ang sikip sikip ng dibdib ko ngayon, umiiyak parin ako, nang tumingin ako kay Trina ay kitang kita ko ang mukhang niyang nag-aalala, basang basa na rin siya, nakita ko rin na basa na rin ang love letter na hawak niya.
Paulit ulit niyang sinasabi sa akin na pumasok kami sa loob para sumilong pero paano kami makakasilong kong parehas na kaming basa? Minsan ba nag-iisip ang babaeng ito?
"Hindi magugustuhan ni Zephyr kung magkakasakit ka!" sigaw niya ulit, ano bang pakealam niya kung magkakasakit ako?
Nagulat ako nang makita ko si Zephyr na lumabas ng building, mabilis siyang tumakbo papunta sa kinaroroonan namin ni Trina, basang basa na rin siya ngayon, ang lakas ng ulan na sinasabayan pa ng malakas na hangin at kulog, patuloy parin ako sa pag-iyak pero alam kong hindi niya nakikita dahil na rin sa ulan na bumubuhos din sa mukha ko.
"Celeste halika umuwi na tayo!" aniya at hinawakan ang braso ko pero mabilis ko naman kinuha yun at bigla na lang ako tumakbo para umalis.
Naiinis ako sa kaniya, ang sama sama ng loob ko sa kaniya. Ang sikip sikip ng dibdib ko ngayon, mabilis parin ang pagtakbo ko ngayon hanggang sa makalabas na ako ng gate ng school, hinahayaan ko na rin ang mga putik na natatapakan ko.
-Trina POV-
"Anong nangyari?!" alam kong may sinasabi siya pero hindi ko marinig dahil na rin sa sobrang lakas ng ulan, nakatingin lang ako sa kaniya, nanginginig rin ang buong katawan ko dahil sa lamig na nararamdaman ko ngayon.
Nakita ko din ang mabilis na pagtakbo niya, yes Zephyr sundan mo si Celeste. Sundan mo ang babaeng pinakamamahal mo, kailangan mong sabihin kung ano man ang nararamdaman mo para sa kaniya. Alam kong gusto ka rin ni Celeste, nararamdaman ko yun.
Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa maglaho na ito sa paningin ko. Hindi ko rin mapigilan ang pagpatak ng mga luha ko, naiwan akong mag-isa dito, kahit masakit ay wala akong magagawa dahil hindi ako yung babaeng nagugustuhan niya at mahal niya.
Zeph is not for me, he is not for me.
End of Chapter 42.
Tysm!
YOU ARE READING
Inlove With My Neighbor
RomansA cynical, aloof young woman, forced back to the Philippines by her mother, finds her icy exterior melting when she meets her charming and persistent neighbor, leaving her to wonder if love can truly change a heart hardened by past hurt. Celeste, a...