Chap 37: Thank you.
-3rd Person POV-
Kinagabihan.
Nang makauwi si Nathan sa bahay nila ay naupo na ito sa couch, sabay lagay ng bag pack sa gilid. Lumapit ang ina nito nang mapansin ang mga pasang nasa mukha ng anak, naupo ito sa isang couch na nasa tapat lang ni Nathan.
"What happened to your face, son?" tanong ni Camille, ang ina ni Nathan.
"Nothing." malamig na sambit ni Nathan at tumayo.
"Nothing? Kahapon ko pa napansin na may ganyan ka sa mukha, at ngayon nagdagdagan na naman? Ano bang ginagawa mo sa school na pinapasukan mo? Nakikipag-away ka ba? Pinalaki ba kitang basagulero ha?" galit na tanong ni Camille sa nakatalikod na si Nathan.
Nathan sighed "I told you mom, this is nothing!" akmang aalis na sana siya pero biglang tumayo si Camille at hinawakan ang braso ni Nathan.
"Anak may hindi ka ba sinasabi sa akin? Sabihin mo naman kung may problema sa school, hindi mo naman kailangang itago sa akin, may kaaway ka ba dun? May umaaway ba sa'yo?"
"Wala mom, papasok na ako sa kwarto ko, pagod ako ngayon." sabi ni Nathan.
"Pero anak..."
"Please mom I need rest, goodnight." humarap ito at hinalikan ang noo nang ina
"Goodnight too, son."
-Celeste POV-
Tahimik akong kumakain ngayon ng pizza sa dining table, inorder ko rin ito nakakainis naman kasi hindi ako marunong magluto nakakamiss na kumain ng pagkaing bahay na niluluto.
Agad kong nilapag ang isang slice ng pizza sa box at tinakpan ko ang bibig ko. OMG!
Flashback
"You can't eat pizza." ani Zephyr, seryoso ang mukha niya.
"I'm hungry!" saad ko, pilit na inaabot ang box ng pizza sa kamay niyang nakataas. Argh!
"I know, pero hindi dapat pizza ang inuuna mong kainin." wika niya.
"I don't care I want pizza please ibigay mo na yan sa akin!" pagmamakaawa ko, nagugutom ako gusto ko ubusin yan ano ba.
"No." tipid niyang sabi, pero tumatalon talon ako para abutin lang ang pizza pero hindi ko ito makuha.
"Please give it back to me." I frowned.
"I said no."
End of Flashback.
Ding dong!
Omg! May nagdodoorbell sa labas paano kung si Zephyr to? tapos makikita niyang kumakain ako ng pizza? Baka magalit siya sa akin? Pero bakit ko ba iniisip na magagalit siya? Wala naman akong pakealam saka gutom ako wala naman siyang magagawa.
*Ding dong*
Ano ba naman yan bahala ka nga dyan! Nakakainis naman oh.
*Ding dong*
Haysss nakakainis, naalala ko dati ito yung ginagawa niya nung mga bata kami, nakakainis talaga siya bwiset!
Kinuha ko ang isang box ng pizza ai itinago ko yun sa ilalim ng mesa. Siguro hindi naman niya ito makikita. Tama tama! Mahaba rin kasi ang dining table namin kaya hindi niya ito mapapansin. Tumayo na ako at lumabas ng bahay.Nang mabuksan ko ang gate ay nagulat ako nang tumambad sa harapan ko si Yaya Amy na nakangiti, at may dala dalang malaking bag.
"Hi baby!" nakangiting bati ni Yaya Amy sa akin, agad akong lumabas ng gate at niyakap siya ng mahigpit, naiyak rin ako nang yakapin ko siya.
"Yaya!" nakayakap parin ako sa kaniya habang umiiyak. "I miss you Yaya!" sunod sunod ang luhang pumapatak galing sa mga mata ko, dahil na rin sa feeling na alam kong hindi na ako mag-iisa dahil nandito na si Yaya Amy, ang taong tumayo bilang ina ko, at never ako iniwan simula nung bata ako.
Nang kumalas na ako sa pagyakap sa kaniya ay hindi ko mapigilang mapangiti kahit na tumutulo parin ang mga luha ko. Nakangiti naman si Yaya Amy at pinupunasan ang mga luha kong tumutulo sa mga pisngi ko.
"Teka totoo ba itong nakikita ko? Nakangiti ka na? Hindi ba ito imahinasyon ko lang? Nakangiti na ang alaga ko?" ani Yaya at ngumisi siya habang pinupunasan ang mga luha ko, sa totoo lang nang nagdalaga na ako ito yung first time na ningitian ko si Yaya Amy at hindi ko alam kung bakit. Hindi ako palangiting tao pero hindi ko alam kung bakit bigla bigla na lang ako napangiti ngayon, naalala ko din na ngumiti ako kanina habang nakatingin sa labas mula sa bintana ng classroom. Hindi ko alam pero unti-unting bumabalik ang mga ngiti ko, at hindi ko alam kung bakit.
"May boyfriend na ba ang alaga ko na yan?" kumunot ang noo ko sa tanong ni Yaya sa akin, anong boyfriend si Yaya naman eh.
"Ano yaya?"
"Wala wala, halika na pumasok na tayo sa loob!" ani yaya na nakangiti, nang makapasok kami sa loob ay dumiretso kami sa salas, inilagay niya ang malaking bag na dala dala niya sa gilid ng couch, naupo rin siya sa tabi nun at umupo rin ako sa tabi niya. I miss yaya so much.
"Ikaw ha, sabihin mo nga sa akin ang dahilan kung bakit nakangiti ka na ngayon, may dahilan ba yan ha? Siguro may boyfriend ka na no?" asar ni yaya sa akin, si yaya talaga eh.
"Sino yan ha?ipakilala mo nga yan sa akin!" ani yaya, nakangiti siya ngayon sa akin.
"Eh yaya naman eh anong boyfriend ang sinasabi mo?! Hindi ba sabi mo dati bawal akong magkaboyfriend o magka-love life?"
"Oo naman sinabi ko yun, at saka bawal talaga lalo na bata ka pa! Kaka-18 mo lang nung nakaraang linggo ah." ani yaya.
"Hindi naman talaga eh, wala naman akong nagugustu-" natigilan ako nang bigla kong maalala si Zephyr, napatakip ako sa bibig ko gamit ang isang palad ko, napakunot naman ang noo ni yaya habang nakatingin sa akin.
"Bakit baby?" tanong ni yaya, nakakunot parin ang noo niya.
Paano ko sasabihin kay yaya na may nagugustuhan ako at hindi lang basta nagugustuhan dahil mahal ko na siya, Teka paano na to?"Baby may problema ba?" tanong ulit ni yaya sa akin, naalala ko nung bata ako baby ang tawag ni yaya sa akin, kahit ngayong nagdadalaga na ako baby parin ang tawag niya sa akin, ok lang naman at normal lang kung si yaya ang tumatawag sa'kin na ganun, pero kapag si Zephyr parang nanghihina ako, argh!!! Nababaliw na ako bakit ba iniisip ko siya ngayon? Naiinis ako sa kaniya! Huhuhu!
Ibinaba ko ang kamay ko at isinandal ko ang ulo ko sa balikat ni yaya.
Hindi ko mapigilang maluha ngayon."Thank you yaya, thank you kasi bumalik ka, akala ko matatagalan ka pa sa Batangas." habang nakasandal ang ulo ko sa balikat ni yaya ay bigla kong naramdaman ang kamay niyang nasa likod ko at tinatapik tapik niya yun. "Kung kailangan kong bumalik, babalik ako, at saka namiss kita eh, namimiss ko ang paborito kong alaga." ani yaya at napangiti naman ako at pinunasan ang luha ko.
"So may iba ka pang alaga, yaya?" inalis ko ang ulo ko sa balikat niya at tiningnan siya, nakita kong napangisi siya at pinunasan ang luha ko. "Ano ka ba, ikaw lang naman ang alaga ko eh, ikaw lang ang baby Celeste ko." aniya at niyakap ako, niyakap ko naman siya pabalik. Ramdam na ramdam ko ang paghaplos niya sa aking likod.
-Yaya Amy POV-
Hindi ko alam kung si Celeste ba talaga ang batang ito, kasi ang alam ko hindi siya yung tipo ng bata na ngumingiti kahit kanino, hindi niya rin ako niyayakap nun pero nung niyakap niya ako ay nagulat na lang ako dahil parang may kakaiba talaga sa kaniya, ang batang si Celeste na alam ko ay hindi palangiti, hindi isasandal ang ulo niya sa balikat ng kahit sino, hindi niya rin ugaling yumakap, ano kayang meron sa alaga ko at parang nagbago na siya ngayon?
Gusto kong malaman kung bakit.Hindi ko akalain na makikita ko siyang ngumiti, ang ganda ganda niya talaga, pero alam ko na may sakit parin siyang dinadamdam dahil hindi na nagparamdam ang kanyang ina ng ilang taon. Dalaga na si Celeste ngayon pero hindi man lang niya nakita ang paglaki ng kaniyang anak.
Hindi ko din alam kung nasa America parin si Ma'am Sally at bakit wala na akong contact sa kaniya, ilang years na rin na wala kaming contact sa isa't isa. Ano kayang nangyari sa kaniya. Kinalimutan na niya kaya ang anak niyang nandito sa Pilipinas?
End of Chapter 37.
Tysm!
YOU ARE READING
Inlove With My Neighbor
RomanceA cynical, aloof young woman, forced back to the Philippines by her mother, finds her icy exterior melting when she meets her charming and persistent neighbor, leaving her to wonder if love can truly change a heart hardened by past hurt. Celeste, a...