Chap 41: Magtapat
-Trina Ashley POV-
Recess time na at nasa corridor ako ngayon naglalakad, pero tumigil ako nang makita ko ang lalaking kakalabas lang sa music room, ang lalaking matagal ko nang mahal. Si Zephyr. Sinara niya ang pinto at nakita kong humarap na siya kung saan ako naroroon, nagkatitigan kami pero sa pagkakataon na ito ay hindi siya nakangiti sa akin, miss ko na siya, miss ko na yung dati na sa tuwing nagkikita kami ay nakangiti siya sa akin pero ngayon hindi na, masakit man dahil hindi ako sanay ay kailangan kong tanggapin dahil kasalanan ko din naman.
Masyado akong nag-expect at nag-assume na baka gusto niya rin ako pero nagkamali ako, hindi pala. May mahal siyang iba at alam kong hindi magiging ako yun. I'm learning to accept that some things are just not meant to be, even if it hurts. Simula nung inamin ko ang tungkol sa nararamdaman ko ay hindi na kami nag-usap muli, hindi niya na rin ako pinapansin, ang sikip sikip ng dibdib ko pero wala akong magagawa.
Nakita kong humakbang na siya sa paglalakad at nilagpasan ako, nilingon ko siya pero hindi pa naman siya nakakalayo kaya tumigil siya sa paglalakad nang tinawag ko siya. Gusto kong lumingon siya sa akin pero hindi niya ginawa, tumigil lang siya sa paglalakad.
"C-can we talk?" tanong ko pero wala siyang sagot.
"K-kahit sandali lang Zeph." dagdag ko pa at medyo nabuhayan ako nang bigla siyang tumango, hindi parin siya nakatingin sa akin.
Nandito kami ngayon sa malawak na field dito sa school at nakaupo kami sa isang bench, magkatabi kami pero may space lang sa gitna namin.
Tumingin ako sa kaniya pero nakatingin siya sa ere, nakita ko din na may mga band-aids sa mukha niya, ano kayang nangyari sa mukha niya? Gusto ko siya tanungin pero hindi ko alam bakit nahihiya ako."Ano bang pag-uusapan natin?"
nagulat ako nang bigla siyang nagsalita kaya matagal akong nakasagot, natutuwa ako kasi narinig ko na ulit ang boses niya."Kung wala kang sasabihin aalis na lang ako." sabi niya kaya bigla siyang tumayo, nakatalikod siya sa akin. Ang sikip ng dibdib ko.
"Tungkol sa kaniya, tungkol sa babaeng nagugustuhan mo."
-Zephyr's POV-
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, ano? Anong ibig niyang sabihin? Yun ba ang dahilan kaya nagpunta kami dito? Pagusapan ang babaeng nagugustuhan ko? Bakit? Nakatayo parin ako at nakatalikod sa kaniya. Bakit niya gusto pag-usapan si Celeste? She doesn't even know her and Celeste doesn't know her.
"What about her?" I asked with a cold tone.
"I met her." kumunot ang noo ko sa sinabi niya, huh?anong sinasabi niya?
"What do you mean?" I asked.
"Celeste ang ngalan niya hindi ba?
That transferee girl na kaklase mo sa section niyo." sabi niya nakakunot parin ang noo ko, paano niya nalaman? Stalker ba siya ni Celeste? May gagawin ba siyang masama sa kaniya? Nah! Shit, I will never forgive her pag may ginawa siyang masama kay Celeste.Naupo ako ulit sa bench at tiningnan siya, kitang kita kong tipid siyang nakangiti sa akin. Paano niya nakilala si Celeste? Kilala rin ba siya ni Celeste?
"You're right Zeph, tunay ngang napakaganda niya, when I first meet her humanga na ako sa kagandahan niya, but she's really weird." nakangisi niyang sabi, weird? hindi naman weird si Celeste.
"Nagkakilala na kayo?" tanong ko.
"Yes Zeph, nung una hindi ko alam na siya yung babaeng gusto mo, pero nung nalaman ko yung pangalan niya dun ko nalaman na siya pala si Celeste."
"Paano kayo nagkakilala?"
"Hm nagkakilala kami nung first day ng klase, and it was evening, nakita ko siyang nakaupo sa isang bench sa gabing yun, umupo ako sa tabi niya at nakiusap ako kung pwede akong mag-open up sa kaniya at pumayag naman siya, ang weird nga niya eh kasi hindi siya ngumingiti, napakaseryoso niyang tumingin sa tao, pero natutuwa ako sa kaniya, magaan ang loob ko sa kaniya, sa totoo nga niyan gusto ko makipag-kaibigan sa kaniya." nakangiti niyang sabi, nagkakilala na pala sila ni Celeste.
"Hindi talaga siya ngumingiti pero yun yung isang bagay na gusto kong masilayan sa kaniya, gusto ko makita yung mga ngiti niya." sabi ko habang iniisip siya, damn iniisip ko palang siya gusto ko na siyang yakapin.
"Nagtapat ka na ba sa kaniya?" tanong niya, nakatingin siya sa akin, umiling na lang ako. "Biglahan lang yung pagkasabi ko sa kaniya na mahal ko siya, pero sa totoo lang gustong gusto ko na sabihin yung tunay na nararamdaman ko sa kaniya." tugon ko.
I really love her, gusto ko aminin sa kaniya na mahal ko siya na matagal ko na siyang gusto pero paano pag hindi kami parehas ng nararamdaman? Pero mali! I can feel na gusto niya rin ako, dahil alam kong nagselos talaga siya kahapon pero hindi niya lang sinasabi yung totoo.
"Alam mo ba Zeph, alam kong mabait na tao si Celeste, siguro hindi niya lang pinapakita yung ganung ugali niya pero alam ko na kahit ganun siya may tinatago parin siyang kabutihan sa puso niya, nararamdaman ko na mabait siyang tao, pwede mo naman itapat ang nararamdaman mo sa kaniya eh, kailangang maging matapang ka sa pagtapat mo ng nararamdaman mo para sa kaniya, malay mo pareho lang kayo ng nararamdaman." wika ni Trina, she's right kailangan ko maging matapang, kailangan na maging malakas ang loob ko para masabi ko kay Celeste na gusto ko siya at mahal ko siya.
"Sinusuportahan kita Zeph, alam kong masasabi mo rin sa kaniya kung ano ang nararamdaman mo." wika niya ulit.
"Salamat Trina, at sana patawarin mo ako kung-"
"Ok lang Zeph! Naiintindihan ko, hindi mo naman kailangang humingi ng tawad sa akin eh, narealize ko lang na hindi lahat ng bagay ay para talaga sa'yo, at hindi mo mapipilit yung sarili mo dun sa bagay na yun kung hindi talaga pwede. Alam ko balang araw mahahanap ko rin ang lalaking para sa akin. Masaya ako para sa'yo Zeph."
"Thank you talaga Trina, p-pero paano mo nalaman na siya ang babaeng nagugustuhan ko?" nagtataka kong tanong, pero nakita ko siyang ngumiti habang umiiling, kumunot ang noo ko, paano niya kaya nalaman yun?
-Celeste POV-
Papunta ako ngayon sa field na pinuntahan namin ni Zephyr kahapon, parang gusto ko kasi na dun na lang muna tumambay since hindi pa naman nagsisimula ang klase namin. Sariwa kasi ang hangin dun, at natutuwa ako sa tuwing pinagmamasdan ang asul na kalangitan, at ang mga makakapal na ulap.
Nang nasa field na ako ay nagulat ako nang makita ko si Zephyr na nakaupo sa bench, kitang kita ko siya at may kasamang- teka. Kumunot ang noo ko nang marealize ko na si Trina pala yung kasama niya. Nakangiti si Trina sa kaniya. Si Zephyr naman ay nakatingin din sa kaniya.
Anong meron? Bakit sila magkasama?Magkakilala pala sila?
Hindi ko alam pero parang sumisikip na naman ang dibdib ko ngayon, kitang kita ko ang paninitig sa kaniya ni Zephyr. May something ba sa kanila? Bakit ang sakit makita na kasama niya si Trina?Bukas ba ibang babae na naman ang makikita kong kasama niya? Bakit niya to ginagawa sa akin? Pinagtritripan lang ba talaga ako ni Zephyr? Ayaw ko na. Kailangan ko na talagang pigilan ang nararamdaman ko sa para sa kaniya, masyado na akong naiinis sa kaniya, naiinis na ako sa tuwing may kasama siyang babae. Pero bakit ba ako naiinis? Wala naman akong karapatan eh. Wala naman akong karapatang makaramdam ng inis eh.
Tumalikod ako at mabilis na umalis dun, ang sikip sikip ng dibdib ko.
Argh! Kailangan ko na talagang iwasan siya ngayon, kailangan ko na siyang alisin sa utak ko, nasasaktan lang ako, lalo na hindi parin mawala sa isip ko yung halikan nila nung babae na yun. Tapos ngayon?makikita ko siyang kasama niya si Trina?
Mabilis akong tumakbo, medyo naiiyak na rin ako dahil sa mga iniisip ko. Masama ang loob ko dahil sa halikan nila nung babae na yun kahapon, nagseselos parin ako at hindi ko parin yun nakakalimutan hanggang ngayon.Ganito ba talaga kapag mahal mo ang isang tao? Magseselos ka ng sobra pag may kasama siyang ibang babae?
Bakit niya sinabing mahal niya ako? Bakit ba pinagtritripan niya lang ako?End of Chapter 41.
Tysm!
YOU ARE READING
Inlove With My Neighbor
RomanceA cynical, aloof young woman, forced back to the Philippines by her mother, finds her icy exterior melting when she meets her charming and persistent neighbor, leaving her to wonder if love can truly change a heart hardened by past hurt. Celeste, a...